"My bad, what was it again?" Ngumiti ako ng hilaw sakaniya. This time I kissed him in the cheek dahil sa hiya. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala.

"Belle, I just told you our plans for tonight until tomorrow afternoon" Natatawang sabi niya sa akin. His eyes formed a line as he smiled teasingly. I had to hold myself not to trace his face with my hands.

Hinila niya ako patayo sa kinauupuan ko at masuyo akong kinulong sa mga bisig niya. Stephen is taller than me kaya naman dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso niya, sinabayan pa ng mabango niyang amoy.

"Do you mind me getting clingy and all?" Tanong niya. He took my hand and kissed it.

"It's not like we'll meet again, Doc. I'm just freeing myself with you."

"Oh god, I swear you'll swallow that line." May binulong pa siya pagkatapos kasi hindi ko na narinig. Tiningala ko siya tsaka ako ngumuso sa pag-alma dahil ayaw niyang ulitin. He playfully gave me a kiss.

Normally, mahihiya ako kasi nasa public place kami but damn, this man makes me slip out of my mind. Marahan kong binuka ang bibig ko para sa mas malalim na halik. In my disappointment, he moved away from my kiss and proceeded on my cheeks instead.

"I prepared a place, let's go qofte." Hindi pa ako nakakabawi sa pambibintin niya ay nahawakan na niya ulit ang kamay ko.

"You're petrifying, do you know that?"

"Was that supposed to be a good thing?"

"In many ways, you petrify me."

Hindi kona pinansin ang sinabi niya dahil sa mga bazaar na nakita ko. Noong una ay ayaw pa niya akong samahan pero mukhang mas nag-enjoy naman siya kaysa sa akin dahil mas marami pa siyang nabili.

Habang namimili kami ay nakwento niya ang miyembro ng pamilya niya. Pang-united nations din ang peg ng mag-asawang Strauss. Iba't-ibang lahi ang mga kapatid niya and I somehow envy having a sister.

Laging sinasabi ni Reina sa akin na kaya kami pumupunta sa mga bahay-ampunan ay para hindi ako malungkot dahil nag-iisang anak lang ako. That facade gave her the attention, mostly. Siyempre, isang dating beauty queen patuloy parin sa mga charity works.. ganyan parati ang headline tapos iinterview-hin siya tapos sasabihin niyang para sa anak niya iyon.

And there I was, on the sides, praying that her false charity works somehow makes up for the biggest mistake of their lives.

Pero sino ba ako para kwestiyunin ang kabutihang ginagawa ni Reina? I might know the truth but that kindness makes the other children happy. Madalas kong sinusuksok sa utak ko na isa lang din ako sa mga batang tinutulungan ni Reina- na isa ako sa mga batang palaboy at walang magulang. Sinuwerte lang ako kasi dinala niya ako sa bahay niya at pinalaki.

"Qofte, babe. Can you wait for me here. I will just bring these back to the car.." may dalawang malaking eco bag ang hawak niya sa kaliwa niyang kamay at isang malaking eco bag naman sa kanan.

Ang sa kanan ang mga binili niyang pasalubong habang akin naman ang kaliwa. Natatawa ko siyang inasar dahil napadami ang bili niya.

"I will be quick." Akma siyang lalapit sa akin para humalik pero agad ko na siyang pinagtulakan palayo. After ten minutes ay pawis na pawis siyang nakabalik sa akin.

Agad niya akong niyakap. Dinig ko pa ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagmamadali.

"Normal ba na lalo kang bumango kahit pawisan ka?" Wala sa sariling tanong ko habang hinahaplos ang dibdib niya.

"In-love ka with me." He proudly concluded kahit na halatang-halata ang accent niya. He didn't waver or hesitated a bit, na parang yon talaga ang pinakatamang sabihin sa oras na yon.

Invisible StringsWhere stories live. Discover now