"Meatball ampupu" hagikgik niya. Nakipagtawanan na rin ang iba naming mga kaibigan. Well, I'll give it to them. I was fucking called meatball but in a cute way.

"Master, pinagtutulungan ako ng dalawang demonyo. Save me!" Tawag ko kay Celestin. Umiling siya sa akin tsaka tinuro si Cher.

"Kay Cher ka humingi ng tulong, bestfriend. Idadamay mopako, edi binully din nila ako." She smiled wickedly.

"Wala talaga akong maasahan sayong babae ka." I teased.

"Makuntento ka nang mahal din kita, wag mo nang hingin na ipagtanggol din kita." She teased back.

"Aba, aba! Oks na oks nako sa pagmamahal mo, Queen Elsa." Tsaka ako bumelat. It's just she told me that she was called Elsa back in high school. Everyone inquired why I called her Queen Elsa at mapanukso ko namang sinagot iyon.

Nagfocus nalang ako sa mga last seminars na nakaschedule para sa convention nato. I had a week left and I'll be going back to Philippines then.

"Hey, Architect Illagan.. do you have something to do this weekend? Do you wanna tag along? We're checking out the Floating Lanterns in Hawaii.." Tanong ng isa sa mga nakatabi ko sa isang talk. I actually don't have to do this weekend, kaya naisipan ko agad na sumama kaso that's freaking Hawaii.

Nagbigayan nalang kami ng calling card ng isat-isa tsaka na nagpaalam.

When I got back into my suite, inubos ko nalang ang oras ko sa paghahanap ng kung ano-ano na may connection sa mga floating lanterns.. hanggang sa napunta na ako sa mga sky lanterns, sa pagiging banned nito sa 29 states ng Amerika, sa samang pwedeng idulot nito sa kalikasan at iba pa.

I've seen pictures and it's pretty- the sky lantern thingy but I don't want animals and the environment to be expensed for such temporary beauty.

Later that night, I dreamt of myself inside a lantern or maybe I was the lantern itself. Malaya akong nagpatangay sa ihip ng hangin. Sarili ko lang ang iniisip ko hanggang sa mamatay ang sindi na dahilan ng paglaya ko. I was dropped in a farm and because I tried so hard to keep myself burning, I ended up burning the whole town. I ran as fast as I can, as far as I can until a man picked me up and sheltered me. He watered my fire while keeping me warm... until I burned him too.

I rented a car and drove to Ala Moana Beach Park where the festival will be held. Ayokong pagsisihan  na hindi ko nasaksihan ang event na yon. It was a tribute to the deceased and you can send your prayers or messages to them through the lantern.

Nang makarating doon ay dagsa agad ang mga tao. Though it was a solemn ritual, makikita mo parin na aligaga ang lahat. I was wearing a strappy bohemian white dress na kita ang likod kaya hinayaan kong mahulog ang kalahati ng buhok ko. Ang kalahati naman naka-bun.

"Excuse me, how much is this?" Turo ko sa isang puting lantern. Nang magbabayad na ay doon ko nalang narealize na nawawala ang dala kong pera. Fucking shit.

Hilaw akong ngumiti sa tindera. "Uhm-"

"I'll get two of these." A man scooted next to me. Maiinis na sana ako kung hindi ko pa siya tinignan.

"Stephen?" Paninigurado ko.

"Hi Qofte" tipid niyang sagot. He wasn't smiling and I wonder why.

"Hey, I didn't expected to see you around in here" I tried to open a topic. Doon kona naramdaman ang awkwardness dahil hindi siya sumagot o nagreact man lang. "Uh, thanks for this. I'll pay you if—"

"No need, Qofte."

Napalunok ako sa pagiging seryoso niya. Asan na yung naka-wrestling match ko sa kwarto ko noon?

"Okay, so I gotta roam around now." Paalam ko. Tinignan lang niya ako tsaka siya nagbuntong hininga.

I'm not curious. I'm not. Remember that self. You are not curious. Wag kang marupok sa tingin niya, self.

Tumalikod na ako nang marealize na hindi na siya sasagot. He suddenly grabbed my arms, making me look back on his direction. I waited for him to speak.

"Are you with someone?" He asked making my heart jump. Umiling ako dahil iyon naman ang totoo. I waited for him to speak again pero wala.

Napagdesisyunan ko nalang na tumalikod at maglakad palayo sakaniya bago ko pa siya makutusan. Anong dinadrama-drama non?

"Did you know that they do this festival for the dead?" Napaigtad ako nang bigla siyang magsalita sa tabi ko.

"Yes" tipid kong sagot. I'm a mirrorball. Irereflect ko sayo ang ginagawa mo sakin, kupal ka! We continued walking until we found a good spot.

Umupo ako sa buhanginan tsaka pinagmasdan ang  abalang dagat. The sun was at it's peak. The weather was just perfect too. Nag-aagaw ang lamig at ang init, maybe the sea breeze adds something to it. Kakatapos lang ng winter at magsisimula na ang summer dito.

"Don't just squat in there without anything to sit onto.. who knows what's under the sand"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakaupo na ako habang siya ay nakatayo parin sa kaliwa ko kaya kinailangan ko pang tumingala.

"Anong problema mo ha?"

"Nothing." He then looked away. Itinayo niya ako tsaka siya naglagay ng sapin para sa aming dalawa.

This would've been a perfect date kung hindi lang siya badtrip. Mas pinili ko nalang na wag siyang pansinin hanggang sa umupo na rin siya sa tabi ko.

The distance between us felt far kahit na halos magdikit na kaming dalawa. He was building a wall between us but his body says otherwise.

Ang nakakainis pa sa sitwasyong to ay parang ako ang naghahabol.. eh nakasalubong ko lang naman siya. No, scratch that. He went to me. Nilapitan niya ako para ano? Ibadtrip?

Ilang beses siyang tumikhim kaya naman ako na ang pumutol ng katahimikan sa aming dalawa.

"Why did you leave without a word?"

Ay hindi, hindi okay yon.

"Did I satisfy you?"

What? Parang naman kaming nagsex sa tanong na iyon.

"Nabusy kaba kaya bigla ka nalang nawala?"

As if naman may obligasyon siyang mareport sayo Zi.

"Kumain kana ba?"

What the fuck. Ew.

"How come you're here?"

Uhm, pwede na siguro kaso.. ewan, tunog akong umaasa.

"I thought we won't meet again?"

Ugh, I sound hopeful! Baka sabihan na naman niya ako ng Kismet.

Anong itatanong ko? My goodness. This silence is killing me.

"Who are you praying for?" He asked in a low voice. Siya rin ang hindi nakatiis.

"My family." Tipid na sagot ko.

"Orphaned?" Am I? Am I an orphan? Technically, Bellalina was an orphan.

"Yeah" walang emosyong sagot ko habang nakatingin sa walang katapusang dagat.

"I'm sorry." He said.

"It's okay. Di naman ikaw pumatay sa kanila. Pinili nilang isipin ko na patay na sila." Wala sa sariling sagot ko.

SANJI'S SWAN


"I stay up all night
Tell myself I'm alright
Baby, you're just harder to see than most
I put the record on
Wait 'til I hear our song
Every night I'm dancing with your ghost"
-Dancing With Your Ghost, Sasha Sloan

Invisible StringsKde žijí příběhy. Začni objevovat