Naramdaman kong unti unti ng bumigat ang talukap ko. Bumigat narin ang bawat hakbang ko ngunit pinilit ko paring makalabas ng kapiterya. Bago pa man ako tuluyang babagsak may mga malalakas na braso namang sumalo sa akin at tuluyan akong nilamon ng dilim.

Nagmulat ako ng mga mata nang naramdaman kong may humaplos sa aking pisnge. Bumungad naman sa akin ang mukha ni Josh. Agad akong bumangon para makaalis sa pagkakaunan sa hita niya.

"Okay ka na ba?" nag-alala niyang tanong. Nilibot ko ang paningin at napagtanto kong nasa harden kami ngunit ang pinag kakaiba lang ay tuyo lahat ng mga halaman at damo. Binalingan ko ng tingin si Josh. Bakit lagi nalang siyang dumating pag nangangailangan ako ng tulong?

"Okay lang ako" malumay kong tugon. Niyakap ko naman aking mga tuhod. Naalala ko bigla ang pangyayari kanina. Ang sakit, bakit pa kasi ako nandito? Kung hindi lang ito kagustuhan ni Auntie hindi na talaga ako bumalik dito. Naramdaman kong kusa nalang tumulo ang mga luha ko ngunit agad din akong nagpahid dahil ayaw kong makita ako ni Josh na umiiyak.

"It's okay, umiyak ka pag gusto mo. Andito lang ako na maging sandigan mo Blaire" taos niyang sabi kaya napahagulgol nalang ako sa pag iyak.

"Huhuhuhu ang sakit sakit Josh huhuhuhu hindi ko na kaya" saad ko at nahihirapan narin ako sa paghinga dahil sa sikip ng aking dibdib. Niyakap niya ako kaya napasubsob ako sa kanyang matipunong dibdib.

"Sana dumating nalang ako sa buhay mo ng mas maaga" mahinang usal niya ngunit hindi ko yun lubos narinig. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Kinalma ko ang sarili bago kumalas sa pagkakayakap niya.

"Josh tulungan mo ako, ang sakit. Parang hindi kona kaya" pagmamakaawa ko. Desperada na kung desperada, gusto ko na talagang mawala ang sakit ng nararamdaman ko. Nakita ko naman ang pagngiti niya at niyakap ako muli.

"It's my duty to protect you and I'll do my best to help you" mahinang sabi niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Oo, mainit ang dugo ko para sa kanya pero napagtanto kong komportable ako pag siya ang kausap at kasama. Ngunit naguguluhan ako sa sinabi niyang tungkulin niya ang protektahan ako.

Lumipas ang ilang minuto ay nananatili lang kaming ganun ang posisyon. Aaminin kong komportable ako sa mga bisig niya.

To all Royalties! This is your Head master and please proceed to my office! I won't repeat my words

Kumalas ako kay Josh at tiningnan siya. Tumango lang siya kaya agad akong nagteleport sa office ni HM. Nakatayo ako sa harapan ng mesa ni HM habang siya nakatingin sa bintana. Ako palang ang nandidito kaya nakaramdam ako ng medyo pagkailang.

"Blaire, nabalitaan kong malapit mo ng mapatay si Divine. Mabuti't agad siyang nagamot" seryoso niyang bungad sa akin.

"Sana hindi nayun mauulit para hindi kita mapatalsik sa skwelahang ito" dugtong niya kaya napayuko nalang ako.

"HM aksidente lang ang nangyari" magpakumbaba kong depensa sa sarili. Siya ang itinakda at hindi naman siguro niya ikakamatay ang aksidenteng pag-atake ko.

"Aksidente na kung aksidente! Pero nagkasala ka at dapat mo iyung pagsisihan!" napaigtad ako nang sumigaw siya. Matagal na akong nagsisisi HM, nagsisisi akong dumating dito na puro lang pala hinanakit ang mararanasan ko

"Pinagsisihan ko na po ang kamaliang ginawa ko" kalmado kong sabi pero ang totoo nasasaktan na ako.

"Osige, basta wag mo na iyung ulitin" kumalma naman siya at tamang tama ang pagdating nilang Scarllet.

"Mabuting andito na kayong lahat, umupo na kayo para makapagsimula na ako" seryosong sabi niya. Tiningnan naman ako nilang Scarllet at nakita ko sa kanilang mga mata ang pagalala. Ngumiti lang ako ng mapakla. Nagsiupuan naman sila kaya umupo narin ako sa tabi ni Aubrey. Nadapako ang tingin ko kay Four na ngayon ay seryoso lang nakaupo. Narinig ko ang pagtikhim ni HM bago siya nagsimulang nagsalita.

"Pinapatawag ko kayo para sa bago niyong misyon" seryosong saad niya at nagkatinginan naman silang lahat.

"Anong klaseng misyon yan HM?" interisadong tanong ni Sophie. Inayos naman ni HM ang salamin niya sa mga mata bago nagsalita muli.

"Nakita niyo siguro ang mga kapaligiran nating namamatay" saad niya at tumango naman sila.

"Lahat ng nayon ng iba't ibang kaharian ay naghihirap dahil sa matinding pagkagutom at hindi sapat ang mga binibigay na tulong ng mga pamilyang maharlika" nagkagulo naman sila, maliban sa amin ni Aubrey dahil hindi naman kami anak ng mga maharlika. Alam kong insulto iyun para sa kanila dahil isa sa tungkulin ng mga magulang nila ang panatilihing maayos ang kanilang sinasakupan.

"Hindi ko kinukwestyon ang pamamahala ng mga magulang niyo Royalties anak ng mga maharlika" dugtong ni HM. Tumahimik naman sila.

"Sa kanilang dinanas may mga masasamang nilalang ang nagsidatingan at madami narin ang mga itong napatay" nagulat naman silang Scarllet sa sinabi ni HM. Pati ako nakaramdam ng awa.

"Bakit hindi namin iyun alam HM?" yan ang malaking katanungan nila.

"Kaya ko kayo ipinatawag dahil umaasa akong masulusyonan niyo ang problema. Gusto kong itanim niyo ang mga ito sa bawat nayon" sabi niya at iniisa isa niyang inabutan ang mga prinsipe at prinsesa ng mga tig-iisang binhi.

"Para saan to HM?" kunot noong tanong ni Lucy habang maiging pinagmasdan ang binhing hawak niya.

"Yan ang mahiwagang punong prutas. Magbubunga yan ng napakaraming prutas at hindi yan mauubusan" tugon ni HM at napaawang naman ang mga bibig nila, maliban kay Four na seryoso lang. Saan nanggaling ang mga binhi?

"Kaylan kami magsimula?" tanong ni Scarllet.

"Bukas, alas kwatro ng umaga" nagtinginan naman kami bago tumango.

"What about Divine?" tanong ni Alexis.

"Ahmm di na muna siya sasama dahil kaylangan niyang magpahinga" saad ni HM habang hinihilot ang kanyang noo. At gaya ng inaasahan ko, kabilang na si Divine sa bawat misyon namin.

"Osige, wala na kayong klase ngayon kaya bumalik na kayo sa dormitoryo niyo ng makapaghanda" dugtong niya kaya tumayo na kami. Nauna namang lumabas si Four. bumuntong hininga nalang ako bago nagteleport deretso sa aking silid.

@Missloorh

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now