"Sigurado kabang wala na talaga siyang pagmamahal sa akin? Eh bakit hindi ka niya lubusang minahal?" nakangisi kong tanong. Halos umusok ang ilong niya dahil sa galit. Alam kong may nararamdaman pa si Four para sa akin pero di ko iyun gamitin para babalik siya sa piling ko. Sinaktan ko na siya at ayaw kong mas masasaktan pa siya. 

"Hindi! Mahal niya ako!" parang baliw niyang sigaw at agad sinugod ang buhok ko. Narinig kong nagkagulo na ang lahat dahil sa amin. Napangiwi ako dahil sa sakit ng pagkasabunot niya.

"Divine! Bitawan mo ang buhok ni Blaire!"

"Tumigil kana Divine!"

Narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko. Hindi sila nakalapit dahil naglagay si Divine ng barrier.

"You bitch! Malandi ka! Mang-aagaw!" sigaw niya habang hila hila parin ang buhok ko. Naubos narin ang pasensiya ko kaya malakas kong inalis ang kanyang mga kamay sa aking buhok at aksidente ko siyang nabato ng Ice ball. Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay kaya napatulala nalang ako. Narinig ko din ang pagsinghap nila. Nawala naman ang barrier na nakapalibot sa amin ni Divine.

Lalapitan ko na sana siya nang may maawtoridad na boses ang dumadagundong sa buong sulok ng kapiterya.

"Don't touch her!" napaigtad ako dahil sa boses ni Four. Nakita kong naglakad siya papalapit. Napakalamig ng mga mata niya. Parang piniga ang puso ko dahil dun. Ngayon ko lang nakita siyang ganito kagalit.

Dinaluhan niya si Divine at agad niya itong kinarga na parang bagong kasal. Parang tutulo na ang mga luha ko dahil sa sakit.

"Blaire, stay away from my girlfriend and don't you ever hurt her anymore or else you'll face my wrath" halos gumuho ang mundo ko dahil sa malamig niyang pagbabanta sa akin. Narinig ko din ang pagsinghap ng mga kaibigan namin. Ang sakit, lalo na sa pagtawag niya sa pangalan ko. Parang ilang ulit sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Inangkin niya si Divine na kanyang kasintahan sa aking harapan. Pero ano paba ang aasahan ko? Ito din naman ang gusto ko pero bakit ang tindi ng sakit?

"Four, wala akong ginagawang masama. Aksidente lang ang nangyari" pagpapaliwanag ko. Kusa nalang bumagsak ang traydor kong mga luha. Umigting naman ang kanyang panga.

"Don't. Don't call me that way, there's the only girl who call me that name and now---she's dead" nagulat ako sa malamig niyang sabi kaya napaatras ako ng isang hakbang. Walang pasabi sabi niya akong tnalikuran dala ang walang malay na si Divine. Para akong kinuhanan ng lakas dahil sa sakit ng aking natanggap. Ang sakit, yung tinuring  patay kana sa taong lubos mong minahal. Kung ganun, tuluyan na niya akong kinasuklaman. Kasalanan ko ito. Kung hindi sana ako dumating sa buhay niya, di niya matutunan ang magtanim ng sama ng loob. Kahit napakalamig niya noon sa lahat, hindi naman siya galit.

Parang dumilim ang paningin ko habang ang mga luha kong walang tigil sa pag-bagsak.

"Blaire? Okay ka lang?" narinig ko ang pagalalang tanong ni Sophie pero dumaan lang iyun sa aking pandinig dahil ang sinabi ni Four ay ang nananatili sa aking isipan. Di ko man lang namalayan ang kanilang paglapit.

"Oo nga Snow" nalulungkot sabi ni Aubrey.

"Blaire, pagpasensyahan muna si Chaos. Mainitin na talaga ang ulo nun eh" taos saad ni Parker.

"Blaire pasensya kana di ka namin natulungan kanina" mahinang sabi ni Lucy.

"Blaire andito lang kami" wika naman ni Scarllet.

Marahan kong itinaas ang kamay ng di nakatingin sa kanila. Wala sa sarili akong naglakad kahit hinang hina na ang mga tuhod ko. Narinig ko naman ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko sila pinakinggan. Para akong nabingi. Bawat nadadaanan kong kamag-aral ay inirapan ako at tinawanan. Nakakatawa nga ako, nakakatawang may taong tumuring sa akin na patay.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now