Nagkibit balikat ako. I also asked that to myself. But just like before, wala pa ding sagot sa tanong...kung bakit siya mahalaga. Kung bakit ko gusto si Eroz.

"If you love a person, walang reason diba? Kasi kung may reason, hindi na love iyon. You'll stick to that reason...eh paano pag nawala na yung reason mo? Edi mawawala na din ang love mo duon sa person?" dirediretsong sagot ko sa kanya.

Napaawang din ang bibig ko ng makita kong sandaling natigilan si Cairo dahil sa aking sinabi. Napanguso na lamang ako at napairap, mangaasar nanaman yan.

"Akala ko wala kang alam sa mga ganito. But when you speak up, you speak deep. May tiwala ako sayo, Gertrude. Ang gusto ko lang...don't lose yourself along the way" mariing pagpapaintindi niya sa akin.

Hindi pa siya nakuntento, hinawakan pa niya ang magkabila kong kamay. "Para na kitang kapatid. You remind me so much of Sachi, ayokong masaktan ka" malambing na sabi ni Cairo.

I don't know why pero naginit ang gilid ng aking mga mata. Bigla akong naging emotional. Imbes na magsalita ay kaagad ko na lamang niyakap si Cairo. Medyo nahirapan pa ako dahil sa tangkad niya, sobra ang effort ko sa pagtingkayad.

Naramdaman niya ang struggle ko kaya naman natawa siya at sa huli siya na ang nag adjust para mayakap din ako ng maayos.

"I'm always here for you, Gertrude. Always"

Hindi nawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad ako sa may hallway. Panay kasi ang bati sa akin ng mga employee na nakakasalubong ko kaya naman binabati ko din sila pabalik with a smile.

Bago sumakay sa elevator ay muli kong pinahapyawan ng tingin ang daan papunta sa office ni Eroz. Nalulungkot ako sa tuwing napapatingin ako duon, para bang ramdam ko ang lungkot ng office niya because wala siya, because it's empty.

Dala ko ang itim kong wallet ng bumaba ako sa may coffee shop. Hindi na ako nagpapalibre kay Cairo kahit gusto pa din niya akong ilibre. May money naman ako, at may girlfriend na din siya. I respect their relationship. I respect Tathi.

"Sabi ko na nga ba, andito ka"

Mabilis kong nilingon ang nagsalita. Napairap ako ng makita kong si Hobbes nanaman iyon. Halos araw araw kaming magkasabay na nagcocoffee dito. Palagi pa siyang umuupo sa seats ko. Palagi niya akong inuunahan sa seats! Ako pa tuloy minsan ang nakikisuyo na makiupo sa kanya.

Natawa siya dahil sa aking ginawang pagirap. Nakapila pa ako pero kaagad ko ng iginala ang paningin ko sa buong cafe para maghanap ng vacant seat. Nang makakita ay kaagad kong itinuro iyon kay Hobbes.

"I'm eyeing for that seat. Baka unahan mo nanaman ako ha" suway ko sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi, sa huli ay napapakagat na lamang siya sa kanyang pangibabang labi para lang iwasang mas lalong lumaki ang kanyang pagngiti. Pinandilatan ko siya ng mata ng mapansin kong nakatingin pa din siya sa akin.

"When will you stop being cute? Miss" nakangising tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at muling itinuon ang aking buong atensyon sa may menu. Pero bahagyang kumunot ang noo ko ng may maalala.

Nang lingonin ko si Hobbes ay nagulat pa ako ng mas lalo siyang lumapit sa akin na kung titingnan mo kaming dalawa mula sa mga seats ay parang magkasama talaga kami at close, kahit hindi naman.

"So, you call your girls...Miss, now?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyant wallet. Naglabas siya ng card, bigla ko nanamang naalala si Eroz. Walang wallet and always paying for the exact amount.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now