Kaya mo bang harapin ang takot mo, para lang sa 'yong minamahal? Si Hyrome Bille ay isang magaling na manunulat. Mayroon siyang ombrophobia, o phobia sa ulan. Ngunit paano kung bigla na lamang siyang nagising, at natagpuan niya ang kaniyang sarili sa isang maulan na nayon: sa Pluviophile Village. Matatagpuan lamang ito sa loob ng isang kwento, na ang nagsulat ay walang iba kung 'di siya. Dito, nagtagpo ang landas nila ni Alice. Ang Protagonist sa loob ng kwentong sinulat niya. Naging magkaibigan sila, at unti-unting nahulog sa isa't-isa. Ano nga ba ang mas magiging matimbang? Si Alice na minamahal niya, o ang takot niya sa ulan? ©ALL RIGHTS RESERVED 2022 Barrozo, Stacy Valerr
20 parts