Ang Pagkabuhay Ng Puting Salamangka

7 1 0
                                    

KABANATA 17



DAHAN-DAHANG MINULAT NI Alice ang kaniyang mga mata, nang maramdaman niyang sinalo siya ng isang malambot na tela mula sa pagkakahulog niya sa sinasakyan niyang besom. Ang buong akala niya ay iyon na ang kaniyang katapusan. Kaagad siyang napabangon. "Nasaan ako?" tanong niya habang nagpalinga-linga sa paligid.

Isang matipunong mga braso ang yumakap mula sa likuran niya. "Ligtas ka na Alice. . .  Narito na ako ngayon!" sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Alice at napalingon sa taong nagsalita. "Hyrome?" Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.  "Sabi ko na nga ba darating ka eh!" Wala sa loob siyang napayakap sa binata dahil sa tuwang naramdaman. "Buti na lang at narito ka na!" sabi niya. Pakiramdam niya ay nasa ligtas at maayos na siyang lugar ngayon dahil narito na si Hyrome sa tabi niya. Wala man sa mukha ng binata ang katapangan, ngunit kitang-kita ni Alice ang taglay nitong kakisigan at lakas ng loob.

Natigilan si Hyrome nang yakapin siya ni Alice. Parang biglang nag-unahan ang kaba sa kaniyang dibdib sa hindi niya malaman na dahilan. Gayon pa man, gumanti siya ng isang mahigpit na yakap sa dalaga. "Bakit hindi? Sobrang nag-alala  ako sayo Alice! Sobrang saya ko dahil nakasama na ulit kita ngayon!" sabi niya.

Napapikit si Alice dahil sa mga yakap ni Hyrome. Pakiramdam niya ay nakauwi na siya sa kaniyang tahanan dahil sa payapang taglay ng mga yakap ng binata. Nang magbitaw sila mula sa pagkakayakap ay kapwa sila napatingin sa mga kamay ni Alice na mula sa kulubot na anyo ay unti-unti itong kuminis at gumanda.

Napaawang ang labi ng gwapong binata at saka inayos ang pagkakapatong ng salamin sa kaniyang mga mata. Unti-unti ay nawala ang kulubot ng mukha ni Alice. Muli ay nasilayan ni Hyrome ang maganda at maamong mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya nang makitang bumalik na si Alice sa dati nitong ganda. Natigilan siya nang
umalingawngaw sa kaniyang memorya ang sinabi sa kaniya ni Elphaba.

"Babalik lamang ang tunay na mukha ni Alice sa pamamagitan ng isang tunay na pag-ibig."

Napangiti si Hyrome at saka sinapo ang magkabilang pisngi ni Alice. "Alice bumalik na ang itsura mo sa dati!" Masaya niyang wika.

Ngumiti si Alice at sinapo ng mga kamay niya ang sariling mga pisngi. Nang maramdaman niyang nawala na ang pangulubot nito ay labis-labis ang nararamdaman niyang tuwa sa kaniyang puso. Kapagkuwan ay kumunot ang kaniyang noo at napatingin kay Hyrome. "Paano nangyari 'yon?" tanong niya.

Napahawak sa batok si Hyrome. "Ang tunay na pag-ibig," Nag-iwas siya nang tingin kay Alice. Waring nahihiya siyang sabihin kay Alice ang lihim na damdamin niya para sa dalaga.

Kumunot ang noo ni Alice. "T—Tunay na pag-ibig? Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ni Alice.

Muli siyang tumingin Kay Alice. "Mamaya ko na sasabihin sa'yo. Kailangan ko pa iligtas ang mga puting terramagus sa Sublimis!" sabi niya bilang pag-iwas sa usapan.

Nahihiya siyang sabihin sa dalaga ang kaniyang damdamin. Sa tingin niya ay hindi pa siya handang ipabatid kay Alice ang tunay niyang nararamdaman para dito.

Bahagyang napangiti si Alice at saka hinawakan ang kamay ni Hyrome. "I—Ikaw ba ang tunay kong pag-ibig?" seryosong tanong niya.

Muli ay natigilan si Hyrome sa tanong ni Alice. Hindi niya mawari kung ano ang kaniyang sasabihin. Oo nga at mahal niya ang dalaga ngunit kung aamin ba siya ay ayos lang ba? O baka naman bigla itong umiwas sa kaniya?

Hindi siya kaagad nakasagot at nanatili lamang ang kaniyang paningin sa magkasaklob na mga kamay nila ni Alice.

"Hyrome! Ikaw ba ang tunay kong pag-ibig?" Muli tanong ni Alice.

Pluviophile VillageWhere stories live. Discover now