Ang Alay

11 2 1
                                    

KABANATA 16




ISANG BANAL NA pagtitipon, para sa nalalapit na pagtatapos ng kabilugan ng buwan ang nagaganap sa buong kaharian ng mga terramagus. Bilang ritwal ng mga terramagus na nasasakupan ni Hissaf, ay kukuha sila ng isang alay sa isa sa mga bilanggo sa Sublimis, upang ialay sa buwan na nagsisilbi nilang lakas at enerhiya.

Pinaniniwalaan nila na mas lalong nadaragdagan ang kanilang lakas na nagmumula sa liwanag ng buwan, kapag nag-alay sila ng isang buhay. Kapag nagawa nila ito ay mas malakas na kapangyarihan ang ibibigay sa kanila ng buwan habang nananatili ito sa kalangitan.

Nang sa gano'n, ang araw ay hindi na muling sisikat sa buong kaharian.

Dahil matakaw sa kapangyarihan si Hissaf ay marami na siyang napatay na mga puting terramagus na ginawang alay sa liwanag ng buwan. 

Matapos ang kanilang ritwal na pagsasayaw sa palibot ng nagliliyab na apoy, na siyang ikinainip nang bahagya ni Desmond, tumayo na si Hissaf sa kaniyang trono na gawa sa d'yamante.

Bagamat ang wangis niya ay kay Alice, ngunit ang kaniyang ayos at tindig ay si Hissaf pa rin. Pinaghandaan rin niya ang araw na 'to.

Hubog na hubog ang kaniyang magandang katawan sa suot niyang damit na pula. Bahagya pang nakaawang ang pisngi ng malulusog niyang dibdib.

Nakasuot siya ng mahabang kapa na kulay pula at ginawa niyang tungkod ang kaniyang besom na itim na may diyamante na nakadisenyo bilang pandugtong sa kahoy at walis.

Kapagkuwan ay lumakad siya palapit sa apoy at saka humarap sa kaniyang mga kasamahan. "Dalhin niyo sa akin si Alice! Siya ang ating bagong alay!" utos niya sa kanyang mga tagasunod.

Napalingon si Desmond kay Hissaf nang marinig niya ang sinabi nito. "Ano?" Napakunot noo siya, "Ngunit marami pa namang iba ang puwede niyong maging alay. Ihuli niyo na lamang si Alice!  Siya naman ang huling bihag niyo 'di ba?" suhestiyon ni Desmond.

Tiningnan siya nang masama ni Hissaf. "Manahimik ka Desmond! Kung gusto mo'y isama ka na lamang namin kay Alice. . . Mukhang nais mo rin yata na maging isang alay katulad niya!" wika ni Hissaf. May pagseselos siyang naramdaman sa sinabi ni Desmond. Gano'n pa man, hindi niya ito masiyadong pinahalata, kahit na halata naman talaga.

Umiling si Desmond at saka humakbang palapit kay Hissaf. "Siyempre hindi! Hinawakan niya ang kamay ng salamangkera, "Iyon ay suhestiyon ko lamang. Ikaw pa rin ang masusunod aking reyna," mapanuyo niyang tugon.

Napairap sa hangin si Elphaba. "Kung gano'n, dalhin niyo na rito sa Alice!" utos niyang muli sa kaniyang mga tagasunod.

Yumuko sa harapan niya ang apat na terramagus bilang paggalang. "Masusunod po Dakilang Elphaba," sabi nila.

Kabilang sa apat na ito sina Carolina at Thabita. Nagmadali nang sumakay ng besom ang apat na terramagus patungo sa Sublimis.


MALAMIG ANG IHIP ng hangin mula sa himpapawid. Maging ang liwanag ng buwan ay unti-unti na ring nanlalabo. Kailangan nang magmadali ng mga terramagus upang agapan ang papalubog na buwan. Kailangan ay hindi masikatan ng araw ang buong Terramagus Regnum.

Ang apat na terramagus ay nag-uunahang lumipad sakay ng besom. Wala silang dapat na sayangin kahit isang segundo lang. Kailangan nilang magmadali na makuha si Alice at dalhin kay Hissaf upang ialay sa buwan.

Ngunit sa kanilang paglipad, walang anu-ano'y nawalan nang balanse ang isa sa kanilang kasama. Napabitaw ito sa sinasakyang besom at mabilis siyang bumulusok pababa. Dahil sa sobrang taas at lakas ng pagkakabagsak nito ay dito na natapos ang kaniyang buhay. Nagmistula itong parang alikabog na sumabog na lang bigla at naglaho matapos ang malakas nitong pagkakabagsak sa lupa.

Pluviophile VillageWhere stories live. Discover now