🥀KABANATA 7: Hardin ng Postremus

24 1 1
                                    

ABALA ang mga  Terramagus sa ginagawa nilang ritual sa kanilang kaharian. Ang lahat ay sumasayaw habang umiikot sa nagliliyab na apoy.

Rinig na rinig ang alingawngaw ng kanilang mga tawa, habang pinagsasawaan nila ang bawat enerhiya na dumadaloy sa kanilang mga ugat. Ang enerhiya na nanggaling pa sa liwanag ng bilog na buwan.

Biglang dumating si Dakilang Elphaba, sakay ng kaniyang besom. “Magsitigil ang lahat!” sigaw niya, na siyang umalingawngaw sa buong kaharian ng Terramagus.

Bigla tuloy nagliparan ang mga itim na uwak mula sa silhueta, ng mga puno na walang dahon.

Natigilan  naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Nakasimangot kasi si Dakilang Elphaba nang siya ay dumating. Humakbang siya palapit sa kaniyang mga kasama. “Nakuha ko na ang mapa mula kay Alice...  Ngunit hindi ang kaniyang magandang mukha!” reklamo niya sabay hagis ng hawak niyang besom.

“Eh?” Napaangat ng isang kilay si Thabita.

Tinapunan siya nang masamang tingin ni Elphaba. “Hindi ko nakuha ang kaniyang magandang mukha. Iyan lamang ang reaksiyon mo?” galit niyang tanong.

Huminga nang malalim si Thabita. “Maganda ka na...  Bakit kailangan mo pa makuha ang kagandahan ni Alice?” tanong niya.

Napairap sa hangin si Elphaba bago niya hinagis sa apoy ang mapa na hawak niya. “Dahil ang kaniyang kagandahan ay mas higit kumpara sa akin!” Binalik niya ang tingin kay Thabita. “Kailangan kong maagaw ang kaniyang mukha upang mapasaakin si Desmond: Ang lalaking nakatakdang pumatay sa akin,” saad niya bago siya napangisi.

Kumunot ang noo ni Thabita habang nakatitig sa mapa na unti-unting nilalamon ng apoy. “Ngunit si Alice ay naging mabuti sa atin. Lalong-lalo na sa ’yo. Hindi ka ba nakokonsensya sa gagawin mo?” Nakakunot-noo na tanong ni Thabita.

Muli siyang sinamaan nang tingin ni Elphaba. “Huwag mo akong sumbatan Thabita! Baka hindi ako makapagtimpi ay magawa kitang mansanas!” Naningkit ang kaniyang mga mata. “Huwag kang mag-alala dahil isa pa lamang ’yan sa mga plano ko. Marami pa akong nakatagong bala,” sabi niya, at saka humalakhak nang malakas na umalingawngaw sa buong kastilyo.

Napatikom na lamang ng bibig si Thabita. Ngunit biglang lumapit ang isa sa mga terramagus. “Ngunit si Alice ay walang kalaban-laban sa iyo, o kahit sino sa ating lahi. Hindi ba’t napakadaya naman nang iyong pinaplano—” Naputol ang sinasabi nito; bigla siyang naglaho na parang bula... Sa isang iglap, bumagsak ang bunga ng isang mansanas sa lupa kung saan siya kanina nakatayo.

Napasinghap si Thabita sa kaniyang nakita at kaagad na napatutop ng kamay sa kaniyang bibig.

“Ops!” Nanunudyong napatakip sa sariling bibig si Elphaba. “Salbahe naman itong aking mga kamay.”

Nanatiling nakaangat  ang kaniyang mga kamay  na katatapos lang magkumpas ng mahika. Lumingon siya sa iba pang mga terramagus. “Sino pa sa inyo ang gustong lumabag sa aking mga plano?” tanong niya.

Ang lahat ay tahimik at bakas sa mga mata ang takot kay Elphaba. “Wala?” tanong niyang muli.

Walang ni isa ang naglikha nang kahit katiting na ingay. Tanging malalim na paghinga, at mga huni ng uwak lamang ang maririnig sa buong paligid.

Napahalakhak muli si Elphaba at saka humakbang palapit sa nagliliyab na apoy. At sa isang kumpas lang ng kaniyang mga kamay, ay lumitaw doon ang imahe ni Hyrome at Alice.

Pluviophile VillageWhere stories live. Discover now