🥀KABANATA 5: Retro Lib

41 6 4
                                    


BAGSAK ang balikat ni Hyrome, Alice, at Desmond, pagbalik sa Pluviophile village. Paglabas nila sa lagusan ng Terramagus Regnum, ay maulan-ulan ng mahina.

Mabuti na lamang at may mga dala silang mga kapote na kulay puti, at tig-iisang payong. May mga suot na rin silang mga bota. At ang suot ni Hyrome ngayon, ay hiniram pa niya kay Desmond.

"Mukhang mahihirapan talaga akong kumbinsihin si Dakilang Elphaba," malungkot na sabi ni Alice.

"Paano naman ang naging usapan natin, Alice?" tanong naman ni Hyrome.

Tiningnan siya ni Alice at saka ito napabuntong-hininga. "Baka pwede namang sa iba ka na lamang lumapit, upang humingi ng tulong?" saad ni Alice.

"Wala naman akong malalapitan sa lugar na 'to, dahil hindi nga ako tagarito," Bumuntong-hininga siya at napasuklay muli ng kaniyang buhok, gamit ang kaniyang mga daliri. "Eh kayo nga lang naman ni Desmond ang kilala ko rito sa nayon e. Kasi yung ibang mga tauhan sa kuwento ko ay nawawala. Tapos yung iba naman, hindi ko naman na kilala. Katulad na lang ng mga weirdong terramagus kanina," sabi niya.

"Sandali nga!" pumikit si Alice at napabuntong-hininga. "Puwede ba? Tigilan mo na ang mga kahibangan mo. Dalawampu't-tatlong taon na akong nabubuhay dito sa loob ng nayon na 'to. Pagkatapos sasabihin mo lamang sa amin, na tauhan mo lamang kami sa loob ng k'wento? Nahihibang ka na ba?" masungit niyang tanong.

Si Desmond ay nanatiling tahimik habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Waring nagmamatyag pa rin sa mga susunod na ikikilos ng dayong binata.

Umiling si Hyrome. "Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo ang mga sinasabi ko. Kaya nga alam ko ang tungkol sa sikreto ng iyong ama-"

Bago pa man matapos ni Hyrome ang sasabihin niya ay tinakpan kaagad ni Alice ang kaniyang bibig. "Puwede bang manahimik ka muna?" binaling niya ang tingin sa walang pakialam na si Desmond. "Baka mamaya marinig niya tayo," saad niya.

Inalis ni Hyrome ang kamay ni Alice sa kaniyang bibig. "Ayaw mo kasing maniwala sa 'kin eh. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa lugar na 'to, para lang lokohin kayo," Binagsak niya ang tingin sa nakakunot noo na si Alice. "Marami akong naiwang trabaho sa lugar na pinanggalingan ko, at kailangan ko pang tapusin lahat yun, kabilang na ang kwentong ito," sabi niya.

Napailing naman si Alice. "Hindi pa rin ako naniniwala sa 'yo!" Naghalukipkip siya at umirap. "Siguro ay baliw ka sa lugar niyo, kaya ka nagkakaganyan dito!" masungit niyang sabi.

Napailing na lang si Hyrome, at saka natawa. "Mahirap talagang mapaniwala ang mga babae," sabi niya.


NAGTUNGO sila sa Coffee Portside. Bago nila buksan ang pintuan ng kapihan, ay hinubad na nila ang mga suot nilang kapote. Iniwan nila sa lagayan ng mga basang bagahe ang mga kapote at payong nila.

May sarili talagang lagayan ang Coffee Portside na nakapwesto lamang sa labas ng kapihan. At nakakatuwa lang dahil hindi naman nawawala ang mga payong at kapote na iniiwan ng mga taong pumapasok sa loob.

At katulad sa nakagawian, ay sinipa na naman nang malakas ni Desmond ang matigas na pintuan ng kapihan.

Ang lahat ay napitlag, at napalingon sa kanilang tatlo. Nang makita nila si Desmong at Alice na magkasama, ay sunod-sunod na nagbulungan ang mga tao.

"Si Alice? Kasama ang hambog sa nayon?"

"Himalang magkasama silang dalawa!"

"Hindi sila bagay!"

"Sino yung lalaking kasama nila?"

"Hindi ko alam. Ngunit mas bagay sila ni Alice!"

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Desmond dahil sa narinig. Humakbang siya patungo sa gitna, at lakas-loob na hinarap ang mga mapanghusgang mga tingin. "Anong problema niyo sa akin, mga h*ngal?" sigaw niya, sabay bunot ng kaniyang pistol sa kaniyang baywang.

Pluviophile VillageWhere stories live. Discover now