Chapter 10

14.7K 455 8
                                    

Zenjie POV

Sinundan ko si Travis kung saan sya nakatingin. .

Si Ms. Angel may kasamang lalaki.

Alam kong nakatingin rin ang apat sa tinitignan ko. .

"Sino yung kasama nya? boyfriend?"

narinig kong tanong ni Josh.

Boyfriend nya yan? Walang taste mas gwapo ako.

"Hmmn parang . . Pero bagay sila noh?"
sabi naman ni Rex

bagay? Hindi. . Mas bagay kami! tinignan ko si Ms. Angel at nahuli ko syang nakatingin din sa akin pero agad din nyang binawi ang tingin nya at kumain na.

Hindi pwede to! matapos nya akong inisin sa joke nya, hindi nya ako papansin? No way! ako yata si Prince Zenjie Velardez and I get What I want!

Pumasok kami sa loob ng cafeteria nagsimula narin ang iritan sa loob pero ako. . Nanatiling nakatingin kay Ms. Angel nakita ko rin na may sinabi sya dun sa lalake

Tssss. . .

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa direksyon nya, at wala akong pake kung hindi man sumunod yung apat. .I get what I want and I want her

Umupo ako sa tabi nya, at hinintay kung anong reaksyon nya pero nak ng tokwa! wala man lang reaksyon ang mukha nya.

Magsasalita na ako ng marinig ko ang malamig nyang boses.

"Prince Zenjie Velardez"

sabi nya at pakiramdam ko parang slow motion syang humarap sa akin. . .

"Ang ganda"

At kagaya kanina natulala naman ako.

Bahagya pa akong nagulat ng mag salita ang kasama nyang lalake.

"Excuse me but we take this table first"

Sabi nya, tinignan ko sya ko at saka binalik ang tingin ko kay Miss. Angel na nakain. . Tsk hindi ba kikiligin?

"Oo nga naman bro hin---"

tinignan ko si Josh ng masama.

Ang daldal talaga nito!

"Ah eh sabi ko nga! Table natin to"

Sabay umupo narin sa upuang katabi nung lalaki dahil hindi kasya ang upuan dito sa table, pang apatan lang kasi to kaya naman kumuha yung tatlo ng upuan nila

So bale ang pinapalibutan namin si Ms. Angel at yung lalaking pangit.

Na ngayon ay halatang naiinis na,samantalang si Ms.angel naman ay parang may sariling mundo.

Walang pakielam.

"Ly, lipat lang tayo ng upuan"

sabi nung lalaking pangit na akmang tatayo na.

"No. We take this table first"

sabi nya, grabe parang si daddy in girl version sa sobrang cold nyang magsalita, mas cold pa nga yata kesa kay dad. Pero kahit ganun ang ganda parin nya.

"What do you want?"

Sabi nya pero sa pagkain parin sya nakatingin.

Sino kayang sinasabihan nito? Tumingin ako dun sa lalaki. .pero wala syang imik, tumingin din ako sa dun sa apat pero para din silang naghihintay ng kasagutan. .pero kanino? Sino ba Ki-------

"What do you Prince zenjie?"

Sabi at tumingin sa akin. .ah ako pala ang kinakausap nya. .

"Nothing. But you"

My world is HELL.Where stories live. Discover now