Chapter 40

466 16 0
                                    

Drave POV

tinitigan ko ang cellphone ko ng makita ang numero ng tumatawag mula rito, malakas ang kutob ko at sa palagay ko'y tama ang nasa isip ko, muli kong sinulyapan si Satanly mula sa loob ng room nya katabi si Zenjie, batid ko alam nyang tinitignan ko sya kaya mabilis kong pinutol ang tingin ko at sinagot na ang cellphone kong nag iingay.

"Hello"

"Why did you take so long to answer my call?" mariin akong napapikit, sabi ko nga ba.

"Im sorry, dad" humina ang boses ko sa pang huling salita, narinig ko ang sarkastikong tawa nya sa kabilang linya.

'Come here, I have to tell you something'

Magsasalita pa sana ako kung saan ako pupunta pero agad na nyang dinugtungan ang sinabi nya.

'Its good too be back"

Naputol na ang linya kaya mabilis ako lumabas ng campus at mabilis na nag drive, kung ano man ang plano nya ay hindi ko alam pero sigurado akong makikielam na sya sa ginagawa ni Satanly, nangangati na ang mga kamay nya na mapatay ang mga Velardez, isang bagay na hanggang ngayon ay hindi magawa ni Satanly.

Malayo palang ay nakikita ko na ang mga sasakyan isa na din ang sasakyan ng ama ko, mabilis ako nag park at bumaba nang sasakyan ko, ang mga guard ay mabilis na naalerto dahil sa ginawa ko pero agad din binaba ang mga armas ng makalapit ako sa kanila, nangunot ang noo ko ng mapansin na mas dumami ang mga tauhan ng ama ko kumpara noon, lahat nakaitim, maging sa paligid ay ramdam ko ang ilang mga tao na nakatago sa bawat puno. Anong nangyayari?

"Sir, tinatawag na po kayo"

Nagpatuloy ako paglalakad kasabay ang ilang tauhan, una kong narating ang sala namin, magulo. Iba sa dating ayos nito, naglakad ako papunta sa 2nd floor kung nasaan ang opisina ng ama ko. Wala ako naririnig. Dahan dahan ko pinihit ang doorknob at laglag panga ng makita kung sino ang kasama ng ama ko sa loob.
What the fuck?!

"Alezandro Velardez?"

Parehong malalamig na mata ang sumalubong sakin, muli kong tinitigan ang lalaki na komportableng nakaupo sa sofa at may hawak na wine glass. Ibigsabihin ang ilang tauhan na nakita ko kanina ay mga tauhan nya. Pero anong ginagawa nya dito? Bumaling ako sa ama ko, madidilim ang tingin na nya sa akin ngayon.
Gulat man ay dahan dahan kong inayos ang sarili ko, nanuot ang matinding kaba sakin ng muli ako nilingon ni Alezandro.

"Im gonna leave"

Sinasabi nya yon habang nakatingin parin sakin palagay ko ay may alam sya sa lahat ng pinaplano namin. Tangina, buking na ba kami?
Hindi ko sya matignan ng maayos kaya bumaling nalamg ako sa ama ko na ngayon ay nakangiting demonyo habang nakatingin kay Alezandro.

"Good for you, kapag nagtagal kapa baka hindi kana makaalis dito ng buhay"

Alam kong hindi nagbibiro ang ama ko sa sinabi nya lalo pa ng dahan dahan nitong binunot ang baril nya sa gilid nya, awtomatik din na napahawak ako sa likod ko kung nasan ang baril ko, kami lang tatlo ang nasa loob ng opisina ng ama ko, imbes na matakot ay nagulat ako sa biglaang pag tawa nya, fuck! Pati tawa nya ay nakakakilabot, tama nga ang lahat ng impormasyon na nakuha namin tungkol sa pamilyang Velardez. Mahirap at nakakatakot kalaban. Nang mapawi ang tawa ay madilim syang tumingin sa ama ko na syang sinalubong din nya ng tingin, para akong nanonood ng isang patayan gamit lamang ang tingin.

"Then, feel free to kill me too. Bestfriend."

Mas naguluhan ako sa nangyayari dahil sa narinig ko, Bestfriend silang dalawa? What the hell! Mabibigat ang bawat salita nya, kahit ang paraan ng pag sasalita ay walang emosyon. Mas lalong nag ngising demonyo ang ama ko.

My world is HELL.Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα