Chapter 38

725 20 9
                                    

Zenjie POV

"Fuck! Travis wala ka pa bang nalalaman?"
Di ko na napigilan magtanong, nababaliw na ko kakaisip!

"Wala ako makitang ibang info sa kanya bukod dito"

Tinignan ko ulit ang folder na naglalaman ng basic info ni my angel. Name age address yun lang! Walang birthday, kahit pangalan ng mga magulang nya wala!

"Di parin ba sya nauwi sa unit nya?"
Tanong ni Rex.

"Obvious ba Bro? Kaya nga natin hinahanap, minsan talaga ang engot mo! Hahaha"

Sabi ni Vince, binato naman sya ng ni Rex ng throw pillow na agad nyang naiwasan pero ang loko hindi parin tumigil sa pang aasar.

Nasa hide out kami ngayon, limang araw na mula nang maganap ang laban namin ng babaeng nakamaskara, limang araw narin simula ng hindi ko nakikita si My angel, wala sya sa unit nya at hindi rin sya napasok, ang lungkot lungkot ng buhay ko, baka mamatay na ko dahil di ko sya nakikita, tsk Zenjie malala kana nga talaga! Ginulo ko ang buhok ko. Sa 5 days na yun napasok kami sa school pero agad din aalis kapag nakikitang ko wala si My angel, nakaka baliw pero buti nalang di nababawasan kapogian ko.

"Oh baka umiyak ka pa!"

Nilapag ni Josh ang isang tissue sa tabi ng inuupuan kong sofa, nakita ko syang tumawa kaya sinamaan ko agad sya ng tingin pero imbis na tumigil ay mas lalo din syang tumawa sinabayan pa ni Rex at Vince.

Eh kung pag untugin ko kaya tong tatlo na to!

Tumayo ako para sugurin sila pero natigil ako ng magsalita si Travis.

"Drave is also missing. Maybe they left together?"

Tumaas ang isang kilay ko. Tss wala ako pakielam kay Drave pero tama sya, hindi ko rin nakikita si Drave sa school.
Posible kaya magkasama nga sila?! Fuck! Saan nya dinala si My angel! Kinuyom ko ang kamao ko.

"Nag background check ako kay Drave at pareho kay Satanly basic info's lang din ang nakita ko, pareho silang misteryoso"
Patuloy ni Travis

"Hindi kaya mag kapatid sila?" Joshua

"Mag pinsan?"  Rex

"Mag asawa?" Vince

Sinadya kong lakasan ang pag baba ng hawak kong beer at madilim na tinignan si vince.

"Anong kulay ng kabaong ang gusto mo?"

"Ah eh...Bro--"

"Blue daw sabi ni Vince favorite nya yon"
Sabat ni rex na kunwari pa ay nag iisip.

"Tss! Pink kaya favorite nyan!"
Si josh na kunwari naman ay seryoso pero halatang gusto ng tumawa, nag apir pa ang dalawa! Binato sila ni Vince ng unan at pareho silang natamaan sa mukha. Hindi talaga nakakatulong ang tatlong to!

"Sige pati kayong dalawa mamili na din ng kulay ng kabaong!"
Malamig kong sabi.

Tumayo ako at lumabas ng hide out. I need to fucking calmed down! Tumingin ako sa langit, nag aagaw na ang dilim at liwanag, Matatapos nanaman ang araw na hindi kita nakikita Satanly, Nasan kana ba? Umihip ang malamig na hangin, kung nasan ka man pwede bang bumalik kana.

"You're inlove with her"

Hindi ko na nilingon si Travis dahil naramdaman ko na rin ang presensya nya kanina bago pa sya mag salita. I just smiled, hindi matanggal ang tingin ko sa ngayon ay madilim ng kalangitan.

"Tss, Akala ko ba flavor of the week lang?"
Pagpapatuloy nya.

"Akala ko rin eh"

"Masyado syang misteryosa bro, hindi kaba nagtataka sa kanya?"

My world is HELL.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon