Chapter 27

6.9K 262 9
                                    

Satanly Pov

"Nagawa ko na"

Tinignan ko lang si Drave at tumungo sa kanya.

Naandito ako ngayon sa condo ni drave. Tss yung mga basura pinalagay ko sa tapat ng underground

"Anong plano mo?"

Tanong ni Drave at umupo sa tabi ko

"Wala"

"Ngayon na alam mo nang hindi rin ordinaryong tao si Zenjie na maari rin na kasing lakas din sya ng tatay nya tapos wala kang plano?"

"Matagal ko ng ginagawa ang plano ko"

Simpleng sabi ko. Tss napapagod akong magsalita at isa pa kaylangan ko ring isipin kung paano makakapasok sa underground.eh kung patayin ko nalang kaya lahat ng bantay dun? Tss haha malaking gulo.

"Drave papasok tayo sa underground"

Sabi ko. Tumingin sa akin si drave

"Pero kaylangan mo ng gate pass. "

"Kukuha tayo"

"Paano?"

I smiled devilishly.

-----------
Saktong oras ng dumating kami sa underground, tama si Drave, mahigpit ang sigurudad nila dito, hindi ka makakapasok hanggat wala kang gate pass, mula sa nakatigil namin na sasakyan ay tinignan ko ang ilang kumpulan na mga grupo. Tss pwede bang pasubugin ko nalang silang lahat?

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko.
Walang thrill Satanly... Muli ako tumingin sa labas at nakita ko ang paglabas ng isang grupo, halos ng makasalubong nila ay tumatango..

Hmm magandang simula para sa mahabang gabi.

"Drave"

Tawag ko sa kanya, na nagmamasid din sa paligid. Madilim at hindi masyadong halata ang kinalalagyan namin ngayon
Tumingin sya sakin ngunit agad din nagbaba ng tingin.

"Lalabas ako"

"pero ly--"

"---hindi ko kailangan ng pahintulot mo"

Putol ko sa sasabihin nya at mabilis na lumabas sa sasakyan hindi pa ko napapansin ng mga tao sa tapat ng undergroud, nakita ko ang grupo na na kanina ko pa tinitignan.

"ly anong plano"

Sabi ni drave na lumabas din pala ng kotse. Hindi ko sya tinignan at inayos ang suot kong maskara.

"wait and see"

Malamig ko sabi at mabilis na naglakad, papunta sa bahagi ng underground medyo madilim. Dahil sa bilis ng kilos ko ay hindi ako napansin ng mga tao, bukod pa don ay kaya ko wag iparamdam sa iba ang presensya ko, mabilis ako nakarating sa likod ng underground, puro matataas na puno at naglalakihang damo ang nandito, sinuri ko ang pader at nang nakita ko ang hinahanap ko ay agad ko tong sinira.

Cctv huh?

Tsk.

Mayamaya pa ay nakita ko na grupo na tinitignan ko kanina, napangiti ako, tama nga kalkulasyon ko, dito nga sila napunta para magpalitan ng droga. Umupo ako sa isang putol na kahoy habang hinihintay ang pag dating nila.

Anim laban sa isa?
Hmn. Hindi na masama okay ng panimula sa gabi ko.

Kita ko ang pag tapon ng isa sa sigarilyo nya pagkatapos ay inapakan.

"Nasan na yung ibang droga?"

Sabi noong isang lalaki na medyo malaki ang katawan, at may edad na. Tumawa naman ang ilang kasama nya habang binigay sa lider ang mga droga na meron sila.
Tuwang tuwa ang lider nila at inamoy pa ito.

My world is HELL.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon