Chapter 2

21.8K 689 23
                                    

"At sa nagbabagang balita natagpuan ang bangkay ng limang lalake na kapwa may tama ng baril sa puso sa ------- avenue pinag aaralan pa ng awtoridad ang pangyayari"

Pinatay ko ang Tv at bahagyang napangiti. Ang bilis naman ng balita umabot ng umaga eh kagabi ko pa ginawa yun. Tsk tsk.

*Ring*

"what?!"

sagot ko sa cellphone ko, at kahit hindi ko pa tignan alam ko kung sino ang tumatawag.

"How are you?"

"Im okey"

Walang emosyon na sagot ko at pumunta sa kusina at kumuha ng tubig hindi pa pala ako nakain.

lumipas ang dalawang minuto ay wala paring nag sasalita sa kabilang linya kaya naman minabuti kong patayin nalang pero bago ko mapindot ang end of call ay biglang syang nagsalita.

"Kilala ko na sila"

Nakaramdam ako ng matinding galit hindi ko na malayan na napahigpit ang kapit ko sa baso dahilan para ito'y mabasag.

"Ly, are you okey?"

"yeah, let's meet now."

at pinatay ko na nang tuluyan ang tawag. Sa ilang taon na pag hahanap malalaman ko narin kung sino kayo

The  search is over. .

Ihanda nyo na ang kabaong nyo dahil kagaya ng pamilya ko. .

Mamatay kayo.

-------

Andito ako sa isang fast food chain dito ko na pinili dahil malapit lang sa condo ko. Wearing an all black outfit, tinali ko rin pataas ang mahaba kong buhok, At inayos ang shades ko ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa akin.

"Ayy namatayan yata sya"

"Ano kaba marinig ka!"

Hindi ko alam kung bulong yun o sadyang pinaririnig nila pero kahit ano pa yun isa lang ang gusto kong gawin.

Ang patahimikin sila habambuhay.

Dahil kung tutuusin kahit ngayon kaya ko silang patayin

Pero kaylangan kong maghintay dahil may mas mahalagang bagay kaysa sa buhay nila.

And speaking of. . .

"2 Minutes late"

Bungad ko pag dating nya.

"So-sorry ly trap------"

hindi ko na sya pinatapos dahil wala akong panahon sa paliwanag nya.

"Folder?" cold na tanong ko dali dali naman nya itong inabot sa akin ang folder naramdaman ko pa ang malamig nyang kamay. Scared of me hah.

"Thanks Drave"

Sabi ko at tinago ang folder hindi ito ang tamang lugar para buksan ko ito at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Inayos ko ang mga gamit ko at paalis na ng mag salita sya.

"Ly take care. Nag aalala ako sayo"

Kita ko sa mga mata pa nya ang pag aalala. Bahagya akong ngumiti at tumayo.

"Wag kang mag alala kaya ko ang sarili ko."

at tuluyan na ako umalis.

John Drave Yu. Ang isang taong pinagkakatiwalaan ko dahil nang mga panahong mahina ako nandyan sya,at sya ang tumulong sa akin para mabuhay sa mundong ito

aware ako na may nararamdam sya sa akin pero bato na ang puso ko, wala na akong nararamdaman maliban sa galit,

Hindi ko rin alam kung bakit nya ako minahal at wala rin akong balak alamin dahil ang pag ibig? wala nyan sa mundo ko.

Napatingin ako sa langit maaliwalas, pero kahit gaano ka aliwalas at ganda darating ang gabi at babalot ang dilim.

At doon lalabas ang tunay na mundo.

Ang mundong madilim.

Ang mundong ginagalawan ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa condo dali dali ko kinuha ang folder.

Hmm interesting. At sumilay nanaman ang malademonyo kong ngiti.

Ang simula ng Misyon ko.

-Velardez
I'll kill you. At sisiguraduhin kong walang matitira sa pamiya nyo.

A/N:  kamusta ang chapter 2? Sorry sa wrong grammar and typos.
Thank you for reading.

Vote and comment.

My world is HELL.Where stories live. Discover now