Chapter 42

1.1K 30 34
                                    

SATANLY POV

Di ko alam kung paano ko nakontrol ang galit ko nang muli kong makaharap ang taong gustong gusto kong patayin, gusto ko purihin ang sarili ko  dahil nakokontrol ko pa ang isipan ko kahit na sa loob-loob ko gusto ko na sya bawian nalang ng buhay.

Kanina nang makita ko sya sa parking lot ay agad na kong nagtaka, pero hindi na ko nag abala pang magsalita, nang sinabi nyang kailangan nya ako makausap ay diretso na kong sumakay sa kotseng nasa likod lamang ng limousine nya, tahimik ako hanggang sa makarating kami dito.

"This way, Ma'am"

Blanko ako tumingin sa waiter na sumalubong sakin, saglit ko iginala ang mga mata ko sa paligid at nakiramdam.

May mga ilang tao nakain dito at mukhang wala naman pakielam sakin, ngunit ang ilang mga presensya na mukhang nagtatago sa bawat  sulok ng buong lugar ay ramdam na ramdam ko.

Hindi talaga pwedeng mag isa ang isang Velardez.

Lumiko kami sa isang pasilyo at tumigil kami sa isang glass door, ang buong haligi ng kwartong ito ay puro salamin ngunit hindi kita ang tao sa loob.

Pumasok na ko at nakita kong nakaupo na sa isang may kahabaang lamesa si Alezandro Velardez, iginala ko ang paningin ko sa paligid, may apat na lalaki sa bawat sulok ng kwarto. Sa mga tindig ay halatang mga well trained at delikado. Syempre, ikaw ba naman ang maging isang tauhan ng isang mafia boss.

May isang tao na hinahanap ng mata ko, nasaan na sya? Akala ko nandito rin sya?

"Im sorry, young lady. Hindi daw pwede ang anak ko"

Bumaling ako sa kanya, sa mga pagkain na nasa harap nya sya nakatingin. Hindi ako kumibo at umupo na sa kabilang dulo ng lamesa, umangat ang tingin nya sakin. Wala ako pakielam kung di nya ako pinapaupo.

Nasaan kaya ang prinsipe na yon? Malala ba ang sugat nya? Tss pasalamat nga sya yun lang ang natamo nya eh. Weak talaga.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, Ms. Gomez"

Tumaas ang kilay ko, may napanood ako noon na ganitong drama. Alam ko yung ganyang linyahan. Tss, sasabihin nya yata na layuan ko ang anak nya at bibigyan nya ako ng milyon milyon pera kapalit ng paglayo ko. Well, ayoko ng pera, Alezandro. Buhay, buhay ang gusto kong kapalit. Buhay nyong mga Velardez.

Gusto kong sabihin iyon, ngunit nanatili akong tahimik, nakatingin sa hapag at nagpipigil na ibato ang kutsilyo na nasa harapan ko sa kanya.
Sa totoo lang nangangati na ang mga kamay ko, gustong gusto na syang patayin dito at ang umupo sa harapan nya ngayon na hindi sya mapatay ay malaking torture sakin.
Damn! I really want to kill you!

"Who are you?"

Doon ako diretsong napatingin sa kanya. Malamig at blanko ang mga mata na sumalubong sakin. Hindi ako nakaramdam ng takot pero bakit ganon? Bakit pamilyar ang mga mata nya?

"Satanly Gomez, Sir"
Simpleng sagot ko.

Ngumisi sya at doon ko na tiyak kung anong dahilan kung bakit ako nandito.

Palihim kong kinapitan ang ilang kutsilyo ko na nagtatago sa suot kong jacket na dala ko kanina.
Buti nalang ay hindi ko ito iniwan.

"Hindi mo yata naintidihan ang tanong ko hija,"
He smiled devilishly.

"Who are you?"

"Satanly Gomez"
Sa puntong ito ay ako naman ang ngumisi.

Tumawa sya ngunit walang bahid ng saya, mas lalong naging demonyo ang ngisi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My world is HELL.Where stories live. Discover now