Chapter 41

555 13 3
                                    

Satanly POV

Matapos ang nangyari sa laban namin ng prinsipe ay agad akong hinigit ni Drave palabas. Pansamantala ako natulala. Anong nangyari sakin? Muntik na yon Satanly! Bakit di ka nag iisip? Shit lang.

Agad kaming sumakay sa sasakyan na agad dumating ng makalabas kami, sumakay ako sa backseat, hindi parin ako nagsasalita. Hinilig ko ang ulo ko sa likod ng upuan ng kotse at mariin napapikit ng maalala ko ang mukha ni Zenjie, ang kakaibang kaba sa aking dibdib ay muli nanaman nagparamdaman, ano ba itong nararamdaman ko? Anong kabaliwan to?! Muntikan ko ng ilaglag ang sarili ko kanina dahil lang sa mga tingin nya sakin. Damn Zenjie umalis ka sa sistema ko!

"Ly?"

Nagmulat ako para bigyan pansin si Drave na nakatingin sakin gamit ang rearview mirror.
Malamig ko lang syang tignan, kahit papano ay natuwa ako sa ginawa nya kanina.

"Nandito si Dad"aniya.

Nabigla ako dahil sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. Anong ginagawa nya dito? Paano ang kompanya kung nandito sya sa pilipinas?
Hindi ako sumagot kay Drave, naghihintay sa susunod nyang sasabihin.

"Gusto ka nyang kausapin"
Dagdag nya. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas, samantalang ang tingin ni Drave ay sakin parin nakatuon.

"Stop staring"
Malamig kong sabi, nakita kong mabilis syang tumingin sa unahan.

"Sorry" aniya

"-your neck, its bleeding" dagdag nya. Pasimple kong hinaplos ang leeg ko at nakita ko nga ang dugo nito sa kamay ko. Nakalimutan ko na nasugatan nga pala ako kanina, hindi naman malalim dahil hindi naman ganon kasakit kaya pinunasan ko nalang ito gamit ang panyo na binigay nya.

Nakarating kami sa bahay nila. Mula ng umuwi ako ng pilipinas ay ngayon lamang ako nakapunta dito. Bumaba ako sa sasakyan ng tumigil ito at pasimpleng sinuri ang bahay. Malaki ito, ngunit mas malaki parin ang mansyon ng mga Velardez. Napansin ko ang ilang lalaking nakaitim sa paligid at pinakiramdaman ko rin ang ilang presensya na nakatago sa bawat madidilim na bahagi ng buong lugar.

Brent Yu, bumaling ako sa lalaking nakatayo din sa tabi ko, Drave yu. Sa kanila na ko lumaki pero kahit ganoon hindi ako nagkaroon ng interest na alamin ang buong pagkatao nila at sa tingin ko mali na hindi manlang ako nag usisa sa kanila.

"Let's go, Ly"
Pinutol ko ang tingin sa kanya at nauna nang maglakad. Malaki ang bahay, maganda at moderno, pero hindi naman ako basta namamangha sa mga ganitong bagay kaya wala ako pakielam.

Nagtungo ako sa 2nd floor dahil malakas ang pakiramdam ko nandon si Brent yu.
Isang silid ang binuksan ko at tumambad sakin sya sakin, komportableng nakaupo at hindi manlang nagulat sa pag dating ko.

Nakangiti sya sakin pero ako nanatiling malamig ang tingin. Ganito naman talaga ako sa kahit kanino.

"My dear Satanly, how are you?"
Hindi ko sya sinagot at umupo sa sofa.

"Cold as ever hahaha" aniya, sabay tingin sa lalaking pumasok din sa kwarto. Si Drave. Umupo din sya sa sofa na katapat ko.

"Why are you here?"
Malamig ko sabi.

"Well, -" tumayo sya at umikot para makapunta sa unahan sa tapat ko, uminom muna sya sa hawak nya paring wine glass.

"-I got bored, so I came here"
Hindi ako kumbinsido sa sagot nya. Hindi ako kumibo, malamig ko lang syang tinignan.

"Ly, Gamutin muna natin ang sugat mo"
Bumaling ako kay Drave na ngayon ay may dala ng first aid kit galing sa isang lalaki na hindi ko namalayang pumasok kanina. Lumapit sakin si Drave at umambang dadampian ng bulak ang sugat ko sa leeg, mabilis ko iniwas ito sa kanya. Nabigla sya sa ginawa ko kaya tumayo sya ng ayos. Pansin ko ang panonood samin ni Brent yu.

My world is HELL.Where stories live. Discover now