Chapter 23

7.3K 246 2
                                    

Zenjie POV

Habang palabas kami sa supermarket hindi mawala ang ngiti ko.

Hawak hawak kasi ni My angel ang kamay ko at isa pa hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya kanina

My price. .

Oh diba? Kahit lalaki kami alam rin namin kung paano kiligin.

Lalo na kung ang taong nagsabi sayo ay taong mahal mo.

Kanina hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ko ulit sya, Oo inaamin ko nang makita ko sya naandon parin ang kakaibang pakiramdam lalo na ng yumapos sya sa akin

Pero hindi na noon mas matimbang na ang nararamdaman ko para sa babaeng higit ako

Nabigla ako ng biglang hawakan ng mahigpit ni my angel ang kamay ko.

"A-aray My-my angel A-aray masakit"

Grabe babae ba talaga tong si my angel? Parang puputok ang litid ko sa kamay sa higpit nyang humawak.

"Tss malandi"

Tapos binitawan nya ang kamay ko.

Ang pula. Tumingin ako kay my angel na ngayon ay pasakay na ng kotse nya.

"Wait my angel. .hindi naman ako malandi eh. Ikaw lang tlaga ang nilalandi ko."

"K."

Maikling sagot nya. At pinaandar ang engine.

"My angel wait! Ikaw ang magdadrive? Tsk! Ako ang magdadrive!"

Sabi ko at tinignan nya lang ako.

"Sasakay ka o iiwan kita?"

"Pe-pero ka---"

"Tsk"

Iritadong sabi nya pagkatapos ay lumabas ng kotse at lumipat sa passenger seat kaya naman dali dali rin akong pumasok sa driver seat.

Handa na sana kaming umalis ng may pansin ako. Si Coleen nakatingin sya sa direksyon namin at nakangiti siguro alam nyang nakikita namin sya at alam nyang dito kami sumakay. Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ng pinaandar ang kotse.

Buong byahe tahimik lang si my angel. Sanay nanaman ako sa kanya pero ewan ko ba ngayon parang may iba.

"Ahm my angel about kani--"

"Shut up just drive"

"But my angel I need to explain"

"Nothing to explain so shut up"

Napabuntong hininga nalang ako. At nagdrive pero lagi ko paring tinitignan si my angel. Diretso lang syang nakatingin sa daan.

May iba talaga. At kaylangan kong malaman kung tama ang hinala ko. Dahil pagnagkataon.

Hindi na ako matatakot na mahulog ng tuluyan sa kanya.

Nang malapit na kami sa building ng condo namin. Sakto dahil malapit ang tambayan ko dito. Inihinto ko ang kotse narinig ko pa ang tanong ni my angel pero hindi ko na pinansin.

Umikot ako at binuksan ang pinto ng passenger seat at hinigit ang kamay nya pero dahil si my angel to at hindi katulad ng ibang babae. Wala syang imik na sumama sa akin

Hawak ko ang kamay nya at ramdam ko ang pilit nyang pagtanggal sa kamay nya kaya mahigpit ko itong hinawakan.

11 na pero hindi naman ganung kainit katunayan masyadong mahangin ngayon. Nadaanan namin ang mga batang naglalaro hanggang makarating kami sa favorite spot ko.

Isa syang malaking puno na napapalibutan ng ibat ibang bulalak. Binitawan ko ang kamay nya at umupo ako sa damuhan kinuha ko ang panyo ko at inilatag sa tabi ko para maupuan ni my angel. Wala kasi akong dalang blanket.

Tinignan ko si My angel nakatayo lang sya at blanko parin ang mukha. Pinaupo ko sya nung una ayaw nya pero dahil gwapo nga ako napapayag ko. Anong konek? HAHA Gwapo ako.

"Explain"

"About kanina my---"

"Anong ginagawa natin dito?"

"Hehe wala lang. Para mag relax? Ang init kasi ng ulo mo"

Tinignan ko sya nakatingin lang sa sa langit habang nililipad ng hangin ang buhok nya. Mukha talaga syang anghel.

Anghel na malungkot.

"Peaceful"

Sabi nya. Ngumiti ako.

"This is my favorite spot. ."

"Favorite?"

Tanong nya. Pero nakatingin parin sa langit.

"Oo at ikaw lang ang babaeng dinala ko rito"

I said.

"Who is she?"

Tanong nya at tumingin sa akin.

"Huh?"

Tumaas ang kilay nya. Bkit ganun kahit saang anggulong tignan ang ganda nya parin.

"That girl"

Sabi niya at tumingin sa langit.

Tinignan ko sya at ngumiti mukhang tama ang hinala ko.

"My angel selos ka?"

Tinignan nya lang ako. Kaya tumingin din ako sa kanya.

Sana tama ang hinala ko dahil kung oo hindi na ako matatakot na ipagpatuloy ito,hindi na ako matatakot na masaktan at hindi na ako matatakot na mahalin ka.

A/N: sorry po kung maikli :)
Thank you for reading.
Please vote and comment ♥

-YummyPandaBear

My world is HELL.Where stories live. Discover now