Chapter 21

1.5K 47 1
                                    

It was ten-forty-five in the evening but until now I'm just gawking at the screen of my laptop, I can't even start typing any words for my lesson's PowerPoint.

Sumandal ako sa upuan na gawa sa semento, napahilot ako sa aking sintido at napatitig sa madilim na kalangitan. Jranillo's eyes flashed in my mind again. Napahawak ako sa aking dibdib upang damhin ang mabilis na tibok nito.

"I shouldn't let myself feel this," bulong ko sa aking sarili, but then seeing him again made a lot of questions awaken in my mind again.

Ano kaya ang mga ginawa niya sa buhay niya sa mga nakalipas na taon? Oh! he's out of the province. Nasapo ko ang aking noo, it so frustrating, sana ay hindi ko na lamang siya nakita kanina.

"Hulya, anak." Napalingon ako kay Nanay.

"Sinilip ko ang kwarto mo, pero hindi ka pa pala natutulog, ang sabi ko na nga ba at nandito ka sa rooftop. Ano ba iyang ginagawa mo?" Lumapit siya sa akin, ngumiti naman ako sa kaniya.

"Powerpoint po, para sa bagong lesson ng mga estudyante ko." Napatitig siya sa laptop.

"Wala ka pa nauumpisahan, mahirap ba?" Napakagat ako sa ibaba ng aking labi.

"H-Hindi naman po, hirap lang ako makapag-focus," tugon ko, hinaplos niya ang aking buhok.

"It is because of him? Nagkita ba kayo?" Hindi ako nagsalita.

"Maybe the reason why you can't focus on what you're doing is that your mind is not here, dahil siya ang ini-isip mo."

"I can't understand my own feelings. Sagad sa buto ang galit ko sa kaniya, pero nang makita ko siya kanina, bakit ganoon 'Nay?"

"Bakit iyong pakiramdam ko ay parang wala siyang nagawang mali?"

"It's already four years, but why can't I forget the man who broke me so much?"

"Siguro dahil ang totoo naghahanap ka pa din ng mga kasagutan, why don't you talk to him and let him answer your question? Baka sakali kapag nalaman mo, maka-move on ka na anak." Napatitig ako sa kaniya, bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Dalawa lang iyan Hulya, it's either you'll let him give you an explanation because you really want to be free from your past or you're just going to avoid those questions of yours, because deep inside, you're still not ready to erase him in your heart?"

Nakatingin ako sa mga estudyante na aking nadadaanan, this is my daily routine now. Going to NEUST Sumacab in an early time because of my schedule, riding in a tri-bike.

"Good Morning, Ma'am," bati sa akin ng ilang estudyante na aking nakakasalubong habang naglalakad na ako papasok ng COED building. Tama pala sila, it's really good on the feelings being called like this.

"Good Morning," tugon ko sa mga ito.

Everytime I'm walking on this building's corridor I chose not to look around. The time I decided to apply in this University I know it will not going to be easy for me, dahil kahit saan parte ako tumingin dito mayroon kaming ala-ala, ngunit ito ang isa sa mga Unibersidad na gusto kong paggamitan ng aking propesyon, kahit na hindi na ako dito nagtapos.

One thing I realized in life, is you should know how to prioritize something, that it's not always about love. I realized that it's a mistake to sacrifice your desire, just because you want to run away from someone, from the memories that keep on haunting and hurting you. Sa buhay kahit alam mong masasaktan ka, kailangan mong harapin, dahil kung hindi, mas lalo ka lamang mahihirapan umusad.

Nang makarating na sa Faculty ay naabutan ko ng naga-ayos ng kaniyang gamit si Jen.

"Pupunta ka na sa klase mo?" tanong ko, matapos kong ibaba ang aking gamit sa tapat ng aking table.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now