Chapter 3

3.2K 123 10
                                    

I was waiting for my sister, now that we are here in NEUST General Tinio Campus.

"Hintayin mo na lang ako dito Hulya, baka madaming bumibili ng logo para sa uniporme nila, mahinhin ka at alam ko na hindi ka makikipagsiksikan kung sakali. Para makauwi na tayo kaagad," sabi niya, hindi naman na ako tumutol pa, kabisado niya na talaga ako at ayoko naman na ako pa ang masisi kung sakaling mahuli siya sa date nila mamaya ni Kuya John.

Hindi ko iniikot ang aking paningin, pinagmamasdan ko na lamang ang pusa na padaan-daan sa aking harapan kung saan ako naka-upo. Tiningnan ko ang aking cellphone, dalawampung minuto na simula ng iniwan ako dito sa gilid ng gymnasium ni Ate.

Tumalon ang pusa sa aking gilid kaya nalaglag nito ang plastic bottle na may lamang tubig na binili ko kanina. Kailangan ko iyong kunin dahil bukod sa kaunti pa lang ang bawas nito ay baka akalain na nagkakalat ako dito. Kaya naman kung kanina ay nakatalikod ako sa mga naglalaro sa gymnasium ngayon ay napaharap ako sa kanila para makuha ang nahulog ng pusa.

Dali-dali ko iyong kinuha, at bago pa bumalik sa dati kong pwesto ay nahinto ang aking paningin sa mga naglalaro ng basketball.

Ang isang lalaki doon ay may kasama pa na bata. Ipinasok ko na sa loob ng aking bag ang plastic bottle at lumingon muli sa mga naglalaro, ngunit napalingon ako sa bata na katabi ng lalaki na siyang may hawak na bola ng magsalita ito.

"Hoy, panget!" Tumawa ito, nagtama ang paningin namin ng lalaki na kaniyang kasama.

Malapit ito sa akin, ngunit hindi ko na nakita pa kung ano ang reaksyon niya, kahit ang kaniyang mukha ay hindi malinaw sa akin.

Madalas ganito ang ginagawa ko, I'm going to made them blurred in my sight, pagkatapos ay iiwas ako ng tingin, aalis, pipilitin ngumiti.

Nang umuwi kami ng araw na iyon ay halos hindi ako kumibo, ang pakiramdam na magkulong na lamang sa kwarto ay mas lalo kong pinili. Kung tutuusin ay mas gusto ko pa na maging isang parang hangin, marahil kung hindi nila ako nakikita o napapansin ay hindi masasaktan ang aking damdamin, hindi ko iisipin na magkulong na lamang sa bahay, at ilayo ang sarili sa karamihan.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay itinatak ko sa aking isipan na walang magkaka-gusto sa akin, na hanggang sa imahinasyon na lamang siguro talaga matutupad ang mga bagay na nais ko sa reyalidad, na kailangan ko tanggapin na mas maririnig ko madalas ang panghuhusga kaysa sa papuri.

Nag-umpisa ang pasukan, sinubukan kong limutin ang mga nakaraan, ang mga pangungutya, ang lahat ng bagay na ayaw ko ng maulit pa, ngunit siguro ganito talaga, kapag nasugatan mo ang isang tao ay mananatili na ang gasgas nito sa kaniyang pagkatao, mahirap hilumin, posibleng hindi na nga mawala pa.

Ganoon pa man naging maganda ang unang mga linggo ko sa kolehiyo, nakilala ko kaagad ang dalawang taong naging aking kaibigan, sina Chelsea at Jen.

"Kaniya-kaniyang groupings na lang kayo, o magka-countings tayo?" tanong ng teacher namin.

"Kami na lang po Ma'am!" Halos sang-ayon ng lahat.

"Okay, group yourselves then I'm going to explain what you're going to do about your roleplay." Nagkatinginan kaming tatlo at sa dulo ay kinausap pa namin ang iba namin na kaklase para maging ka-grupo rin namin.

They say, highschool life is the best, but I wonder now if it's really the best one? Mahirap daw ang kolehiyo, marami ka kasing makikilala na sa harap mo ay maamo ngunit taksil din pala pagtalikod mo, ngunit ngayon wala pa puwang ang mga salitang ito sa akin.

Meeting Chelsea and Jen made me remember my first friend, Raldon. Akala ko noon hindi na ako muling makakatagpo ng katulad niya. They made me laugh, and noisy at the same time. They accept me for who Am I.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now