Chapter 12

1.6K 67 2
                                    

Huminto ako bago kami makarating sa classroom namin para sa subject na mayroon kami ngayong araw na ito.

"Mauna na kayo sa classroom. I'm just going to restroom, tutal ang sabi niyo ay wala naman iyong unang Professor namin." Tipid ang aking naging pag-ngiti.

"Samahan na kita, labs." Umiling ako kay Chelsea, nagtama pa ang paningin namin ni Jranillo, bumilis ang tibok ng aking puso, kasabay ng pag-kirot nito. Nag-iwas ako ng tingin. I waved my right hand and start to stepped forward away from them.

Pagdating ko sa second floor, sa restroom ng COED ay walang estudyante doon, naisip ko tuloy kung alam ba ng pagkakataon ang aking nararamdaman ngayon.

Binuksan ko ang gripo, sumahod ng tubig doon at hinilamos sa aking mukha. Napatitig ako sa salamin, my throat tightened, pain gripped my heart.

"It's fine," I whispered, but as I tried to explain to myself that there's no wrong, I felt more that I'm not good enough.

Why people love to judge someone? Hindi ba nila alam kung gaano maaaring sirain ng simpleng salita ang buhay ng isang tao?

Nang makarating na ako sa aming classroom ay kaunti lamang ang nakita kong mga kaklase ko, marahil ay nasa canteen ang iba dahil wala naman kaming Professor.

"Hulya!" Kumaway sa akin si Chelsea, nagtungo ako mula sa kaniyang kinau-upuan.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya, napalunok naman ako.

"Ang dami kasing estudyante." pagsisinungaling ko, bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata.

"Umiyak ka ba?"

"Umiyak? Sino ang umiyak?" Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang presensya ni Jranillo mula aking likod.

"Itong si Hulya, tingnan mo namumula ang ilong." Pumunta sa aking harapan si Jranillo, he tilted his head and leaned closer to me, he has this blank expression, tila ba nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Umiyak ka ba?" Mariin ang tingin niya sa akin, iniwas ko ang aking mukha, nahagip ng aking paningin si Chelsea na nagpipigil ng ngiti.

"Hindi, minsan talaga namumula ang ilong ko, kumakati kasi siguro ay dulot ng hangin." Hindi niya tinanggal ang tingin sa akin. I don't even know how to avoid his gaze, kaya naman labis ang aking pasasalamat kay Paul.

"Hulya, do you want to come with me? Pupunta akong library." Hindi na ako nag-isip pa, tumango na ako agad bilang pagsang-ayon.

"Hindi pwedeng kayo lang, sasama ako," kaagad na sabi ni Chelsea.

"Ikaw Jandred, sasama ka din?" Napalingon ako kay Jranillo ng hindi ko kaagad narinig ang tugon niya.

Their both expression hardened, Jranillo's muscle in his jaw twitched, habang tumatagal naman ay nagsasalubong ang kilay ni Paul. Nagpabalikbalik ang tingin namin ni Chelsea sa dalawa.

"Ano ba iyan, ang init!" Chelsea fanned herself, tila may ibang laman ang kaniyang mga salita.

"T-Tara na," pagsasalita ko naman, tsaka palang tila nawala ang tensyon na tila meron sa pagitan ng dalawa.

Uwian na ng magpasama muna sa akin si Chelsea dahil nai-ihi na daw siya. Nakasandal ako malapit sa pintuan ng restroom, sa hindi kalayuan ay si Jranillo, hinihintay namin lumabas si Chelsea. Naglakad siya palapit sa akin, bahagya akong ngumiti sa kaniya, para naman hindi niya masiyado mahalata na iwas ako sa kaniya.

"Hintayin sana ulit kita bukas." I took away my sight at him.

"H-Hindi naman na kailangan, tsaka huwag mo na sana ako hintayin." Mabilis ang tibok ng aking puso ng ibaling ko muli ang paningin ko sa kaniya. Itinikom niya ang kaniyang labi ng mariin, tila may gustong sabihin ngunit ngumiti na lamang.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now