Chapter 10

1.8K 82 3
                                    

Maga-alas kwarto na ng makarating ako sa bayan ng Zaragoza. Pinahinto ko na ang tricycle ng makita ko si Kuya John na nakatayo hindi kalayuan sa aming bahay.

"Kuya John?" Napalingon siya sa akin, napansin ko ang hawak niyang bulaklak.

"Si Ate ba ang sadya mo rito?" Tumango siya.

"Pero, break na kayo hindi ba?" Lumapit siya sa akin.

"Please, Juliana tulungan mo ako na maka-usap ang Ate mo, I need to explain." Napatitig ako kaniya. I seen the frustration in his face. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung 'di ang isama siya sa bahay.

"What are you doing here?!" bungad ni Ate, nilingon niya ako, nagtatanong ang kaniyang tingin.

"Ano ito, Juliana? Huwag mo sabihin na ikaw ang nagdala rito sa lalaki na iyan?"

"N-Naki-usap kasi siya, gusto ka niyang maka-usap." Her annoyance flared all over her face. And I know that it's not a good sign.

"Pumayag ka naman!" sermon niya sa akin.

"Huwag ka magalit kay Juliana, wala naman siyang kasalanan, ako lang talaga ang nagpumilit."

"Hulya, pumasok ka na sa loob!" I immediately obeyed her, as she already simmered in anger. Mula sa loob ng bahay ay rinig na rinig ko ang galit na boses ni Ate, hindi ko tuloy maiwasan na sumilip. Mabait naman kasi si Kuya John, hindi ko nga lang alam kung bakit kailangan nilang humantong sa ganito.

"Flowers." Inabot niya kay Ate ang dala niyang bulaklak, ngunit tinabig lamang iyon ni Ate Marih.

"What the heck Jomar Hans! Flowers? Katulad lang naman iyan ng mga mabulaklak mong kasinungalingan!" Napaigtad pa ako sa lakas ng boses ni Ate, sana lang ay hindi na sila maabutan pa ni Tatay.

"Oh! Can you count those flowers you bought? Ganiyan na rin ba kadami iyong natikman mong bulaklak?" napaawang ang aking bibig sa sinabi ni Ate.

"Marih, please just let me explain." Ginulo ni Kuya John ang kaniyang buhok, tila nahihirapan sa pagu-usap nilang ito ni Ate. Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang mga paghikbi.

"Kitang-kita ko kung gaano mo ako pinagtaksilan, you're such a pain in my life!" Kuya John's eyes turned into bloodshot. Kung totoo man na nambabae siya, bakit iba pa rin ang nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"Pakinggan mo muna kasi ako, please!" Napahilamos na si Kuya John sa kaniyang mukha, umiling naman si Ate, marahas na pinunasan ang kaniyang luha, bago magsalitang muli.

"What is obvious doesn't need an explanation anymore! Sinaktan mo ako, isa kang malaking gago, tapos na ang usapan na ito!"

"Leave! I don't need a jerk in my life." Dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto ng makita na papasok na si Ate sa loob ng bahay, kinabahan na ako ng marinig ko ang malakas na pagsara niya ng aming pintuan.

"Hulya!" rinig kong sigaw niya sa aking pangalan, isinarado ko naman agad ang pinto ng aking kwarto.

"Hulya, open the door!" Maya-maya ay kumakatok na siya, tila pinagsisisihan ko na ngayong isinabay ko sa pag-uwi sa bahay si Kuya John, tiyak na mapag-iinitan ako ngayon.

"Ate, nagbibihis kaya ako," kabado ko na pagda-dahilan.

"Bilisan mo at buksan mo ang pintuan nitong kwarto mo, magu-usap tayo." Napa-simangot ako habang nagbi-bihis ng pambahay, at wala rin naman akong nagawa kun'di ang pagbuksan siya ng pintuan. Bumungad sa akin ang kunot niyang noo, namumula pa rin siya, dahil na rin siguro sa galit na kaniyang nararamdaman.

"Hindi mo ba alam iyong salitang pagtanggi?" She glared at me, napangiwi naman ako.

"Alam," mahinahon na tugon ko sa kaniya.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon