Chapter 11

1.7K 73 8
                                    

Sa maingay na classroom namin ay inayos ko ang mga test paper na ipina-check sa akin ng isa sa aming Professor. Nilingon ko si Chelsea na nasa banda nina Jranillo at nakikipagbidahan doon. Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone.

"Hulya, saan ka pupunta?" tanong ni Chelsea, napalingon din sa akin si Jranillo.

"Pupunta ako sa Faculty, ibibigay ko lang ang mga ito kay Ma'am Shane."

"Samahan na kita." Mula sa aking gilid ay naramdaman ko ang presensya ni Paul, kasabay ng pagtayo mula sa kaniyang kinau-upuan ni Jranillo.

"Ano kayo, bodyguard ni Juliana?" natatawang sambit ni Liah, si Chelsea naman na nahagip ng aking tingin ay malaki ang ngisi sa kaniya labi.

"Ako na lang ang sasama sa iyo, tutal dadaan din naman akong restroom," pagsasalita muli ni Paul. I saw Jranillo's brows knitted, magsa-salita pa sana siya ng humarang na sa kaniyang paningin si Eileen. Iniwas ko na rin ang aking paningin sa kanila.

"S-Sige Paul, tara na." Ngumiti naman siya, at ako ay hindi na nilingon pa ang banda kung saan nandoon si Jranillo.

"Dapat iyong quiz na lang natin iyong ipina-check sa iyo ni Ma'am, para sana nakita namin." Bahagya siyang tumawa, ganoon din ako.

"Sinadya siguro ni Ma'am na sa ibang section ipa-check iyong sa atin, baka na-sense niya na titingnan mo kasi iyong score mo." Pinagtaasan niya ako ng kaniyang kilay. Bahagya ko naman tinakpan ng panyo ang kalahati ng aking mukha dahil natatawa ako sa kaniya.

"You know, you look like a modern Maria Clara." Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa Faculty. Nakita ko rin kaagad ang Professor namin kaya hindi rin kami nagtagal.

"Mauna na ako sa classroom?" tanong ko, umiling naman siya.

"Akala ko ay pupunta ka sa restroom?" Ngumisi siya sa akin.

"Sino nagsabi na totoo iyon?" Mahina siyang tumawa, bahagya naman naningkit ang aking mga mata.

"Sadyang kumakalat na talaga ang mga baliw ngayon." Humalakhak siya at dahil nga hindi naman pala siya pupunta talaga sa restroom ay dumiretso na kami pabalik sa classroom. Kapwa pa kami tumatawa ng maka-balik, paano ba naman kasi puro biro ang nalalaman nitong si Paul. Now, I can surely say that first impression is not really last.

My eyes first darted on Jranillo's side, he's leaning at the back of his chair, while his right hand's playing the tip of its finger on the desk. Our eyes met, and I noticed the frosty look he has now. Napalunok ako sa hindi malaman na dahilan, tila nataranta pa akong bumalik na kaagad sa aking upuan.

"Lagot ka!" pabulong na salubong sa akin ni Chelsea.

"Huh?"

"Bakit hindi mo isinama si Jandred?" tanong niya.

"What's wrong with that? It's not my responsibility to take him with me all the time, and he's busy with Eileen, why bother him right?" Bahagya niya akong siniko, gumuhit muli ang ngisi sa labi niya, the corner of her eyes crinkled when she giggled.

"Someone's being jealous here."

"Dapat nga ay ini-iwasan ko na lang siya, napa-paasa niya ako ng hindi niya nalalaman."

"Napaka-negative mo naman Hulya, alam mo ikaw lang ang nagi-isip na hindi magkaka-gusto sa iyo si Jandred, hindi mo ba napapansin?"

"Stop giving me false hope, Chelsea." I forced myself to smile. It's easy to think that the person we like admires us too. But then, when reality slaps you, it hurts everytime you realized that it's impossible, na sa panaginip lang pala tila magkakagusto sa iyo ang tao na matagal mo ng hinahangaan.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now