Chapter 22

1.8K 49 0
                                    

Bago ako tuluyan umidlip sa jeep ay nagtipa muna ako ng tugon ko sa mensahe sa akin ni Jen.

"Nasaan ka na? Kakatapos ko lang sa first subject ko." Ito ang kaniyang mensahe. Tuwing martes ay ala-otso na ako kung bum'yahe dahil alas-nuebe pa naman ang una kong klase.

"Matagal pa ako, nasa tapat pa lang ako ng Villa Risa Resort," tugon ko sa mensahe, ilang sandali lamang ay nagreply siyang muli.

"Lagyan mo na kaya ng pakpak iyang jeep na sinasakyan mo, para makarating ka na agad dito. Nakita ko na iyong ilang bago na teacher."

"You know I can't do that." Kinagat ko ang pang-ibaba ko na labi upang mapigilan ang aking pa-tawa ng walang kausap dito sa jeep.

"Talagang magigimbal ka kapag nakita mo na iyong isa sa mga bagong teacher." Napa-isip naman ako sa kaniyang sumunod na mensahe.

"Let's see! Iidlip muna ako sa jeep. I'll text you later." Itinago ko na sa dala ko na bag sa aking cellphone, pagkatapos ay kinuha ang panyo sa aking uniporme at itinakip iyon sa aking mukha.

Pagdating ko sa Faculty ay sinalubong ako ni Jen, may ilan din akong napansin na mga bagong mukha, marahil isa sila sa mga bagong teacher.

"Sayang hindi pa kayo nag-abot kakaalis niya lang, patungo na sa klase niya." Ibinaba ko ang aking bag sa lamesa na katabi ng sa kaniya, mahina akong natawa.

"Sino ba ang tinutukoy mo?" Her mouth is already half-open, ngunit bigla niya din iyong itinikom.

"Ikaw na ang tumuklas." Kinuha niya ang ilang papel na nakaibabaw sa kaniyang lamesa, pagkatapos ay nagmamadali ng lumabas ng faculty.

I looked at my wristwatch, I still have twenty-five minutes before my class, at dahil sa wala pa akong magawa ay naisipan ko muna makipagkilala sa ilang bago na mga teacher, at isa sa kanila ang mabilis kong nakagaanan ng loob.

"So, what's your name Ma'am?" Ngumiti ako.

"I'm Juliana, my close friends called me by my nickname, Hulya. And you?"

"Oh, so you're Hulya, by the way, I'm Emmalyn." We extend our arms for a shake hand. She smiled and I can't help to imagined pinching her chubby rosy cheeks, she looked adorable with his small pointed nose, round eyes, with long eyelashes, and bow-shaped lips, bumagay ang lahat ng ito sa bahagyang hugis puso na kaniyang mukha, with a skin color like a cocoa, she has this black beauty.

Kahit pagmasdan ko ang buong katawan niya ay masasabi ko na marahil ay palagi itong nagiging lakambini sa kanilang klase. Samantalang ako, kahit lumipas na ata ang taon ay walang makikitang malaki sa aking dibdib, even my butt didn't grow a little.

"Why, chuckling?" Napa-kurap ako ng aking mga mata, hindi ko namalayan na may kumawala na palang mahina na tawa sa aking bibig dahil sa aking mga nai-isip.

"Hmm, nothing." Tumawa siya. Mabilis na lumipas ang nalalabing minuto bago ako pumunta sa unang klase ko ngayong araw.

I was so excited going on my class now, because they going to perform the demonstration, and that's the one part I love the most in teaching. I like to criticize student not in a way that I'll push them down, instead I want to judge them in a right way, kung saan marahil may ilan man masasaktan ng kaunti sa kanila ay magiging dahilan iyon upang matuto sila at mas mapabuti pa.

I have my full energy now, papasok na ako sa pintuan ng classroom ng mapansin kong mayroon pang nagtuturo. I winced while looking at my wristwatch again, I'm ten minutes late actually. Ibinalik kong muli ang tingin ko sa loob ng classroom, at mula sa pagkakatalikod kanina dahil sa may isinusulat ito sa white board ay dahan-dahan itong humarap muli sa mga estudyante.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon