Chapter 23

1.5K 41 1
                                    

Maaga akong natapos na i-convert ang mga naging grades ng ilan kong estudyanteng tapos na sa demonstration nila, ngunit nandito pa din ako sa rooftop habang dahan-dahan na pinapaikot ang cellphone sa aking kamay.

Nang pasado alas-nuebe na ay itinabi ko na ang mga gamit na dinala ko dito at balak ko nang bumalik sa aking kwarto ng umilaw ang aking cellphone, tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit unknown number ito.

"Hello. Sino po ito?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag.

"Hulya..." My mood plummeted when I noticed who's the owner of this voice.

"Where did you get my number?" malamig na tanong ko.

"Hiningi ko kay Jen, pero huwag ka magalit sa kaniya."

"Of course, I will not, compare to what you've done to me, it's just nothing." Naging tahimik sa linya niya, akmang puputulin ko na ang tawag ng magsalita siyang muli.

"Bigla ka nalang hindi pumasok noon, we're so worried about you, tapos nang magpasya ako na pumunta sa inyo, nasampal pa ako ng Ate mo." Hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi, hindi iyon nasabi sa akin ni Ate.

"Hindi ka na daw babalik, at dahil daw sa akin iyon, dahil sa amin ni Jranillo, then your sister told me the reason why you leave. Hulya, please let me tell you the truth." Mabilis na nagsalubong ang aking kilay.

"Oh, come on! It's been four years, hindi ko na kailangan ang katotohanan na sinasabi mo. Alam niyo parehas kayo ng Jranillo na iyon, para kayong kabute na bigla nalang sumusulpot."

"I was always trying to contact you with your number back then ngunit bigo ako, hanggang sa nalaman ko na madalas na ulit kayo nagkakasama ni Jen, hiningi ko sa kaniya ang number mo pero ngayon niya lang binigay dahil ayaw niyang magalit ka sa kaniya." Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"I'm already here in the Philippines Hulya, actually with Paul and please, magkita tayo." Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang sinabi niya na magkasama sila ni Paul. Madalas kasi kapag maganda ang isang tao, lahat ng may gusto sa kanila papatulan na nila, papalit-palit, ginagawa lang laro, hindi sinerseryoso, at labas na ako kung sakali man na pagsabayin niya iyong dalawa.

"Stop calling me Hulya, we're not close anymore. Stop bothering me, baka hindi ko makontrol ang sarili ko at kung ano pa ang masabi ko sa iyo," pagkatapos ko itong masabi ay kaagad ko ng pinutol ang tawag.

Kaagad ko ng kinuha ang aking mga gamit at mabilis na tinungo ang aking kwarto at isinusi ito. Umupo ako sa aking kama at mahigpit na hinawakan ang unan. Mas lalong nabuhay ang galit sa akin, mas lalo lamang bumabalik ang lahat sa akin. Bakit kailangan pa niya paabutin ng halos magda-dalawang taon, kung sa dulo, lolokohin niya lang naman ako?

Marahan akong pumikit, dumaan sa akin ang mga tagpo namin kanina sa Unibersidad, napayukom ako ng aking kamay.

"You're still too weak, Juliana," bulong ko sa aking sarili, dahil ito ang totoo. Hindi ko man lang maipakita na labis ang galit ko sa kaniya, na halos paulit-ulit akong dinu-durog sa tuwing nakikita ko siya, but I'm look like a teenage girl, avoiding the boy she admire when we're near with each other.

Kinabukasan halos hindi ako makapunta sa aking lamesa sa faculty ng makita kung sino na ang nagmamay-ari ng katabing lamesa ko sa bandang kaliwa.

"Mr. Jranillo Dred G. Esguerra." Ito ang nakalagay na pangalan. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo, at nagtuloy-tuloy na lamang sa aking lamesa, hindi na nagtagal sa faculty at pumunta na agad sa aking unang klase.

"Hello Hulya, nasaan ka ba?" bungad sa akin ni Jen, mula sa kabilang linya.

"I'm already here at the canteen, sa may gubat," tugon ko.

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now