Chasing The Rude Boy

293K 3.6K 97
                                    

A.E.G.I.S Fourth Installment: Iñigo Shaw (Chasing The Rude Boy)

"Mahuhulog ka sa  lalaking wasak."

"Magmamahal ka ng babaeng kulang."

Destiny is just a childish whim. Tadhana? Mapapakain ka ba niyan kung sakaling maniniwala ka? Hindi ka magkakapera kung magiilusyon ka at maghihintay sa Prince Charming na hindi naman totoo. Magsasayang ka lang ng oras sa ganon.

Para sa hopeless romantic na umaasa ng forever.

Para sa mga taong naghihintay ng 'the one'.

Para sa mga umaasang totoo ang fairytales.

The above mentioned things are never proven to be true. No amount of data or research had said that these beliefs are factual. Tanga ka na lang kung maniniwala ka sa isang bagay na kinakapitan ng mga taong desperado sa kaligayahan.

Come on. If you want to be happy, mag-ipon ka. Pera ang nagpapatakbo sa mundo. Hindi pag-ibig o pagmamahal o pangarap. Pera. Pera. Pera.

Pamela Iris Regala knows this. Alam niyang ang takbo ng mundo ay magsisimula at magtatapos sa pera. Everything in between, family, love, happiness, contentment, lahat ng mga ito ay walang silbi kung ikukumpara sa halaga ng yaman. She knows this. Kaya nga nagsusumikap siya para maabot ang tuktok.

Pero habang lumalaban siya para makuha ang yaman na inaasam, hindi niya akalain na mahaharap siya sa isang manghuhula na magbibigay sa kanya ng isang parusa. And the name of the punishment? Iñigo Shaw.

So, just like the way her life is eversince she was born, lalaban siya. Tatanggapin niya ang parusa na nagawa niya sa pinakamamahal na sasakyan ng pinakamalupit na taong nakilala niya.

She will be Iñigo, AEGIS' keyboardist, slave. For now.

Habang hindi pa siya mayaman.

-------------------------------------------

Meron na rin si August at Greg. :)

Kumpleto na sila.

January 25, 2015

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora