MARRIED TO THE RUDE BOY SC#2

93.6K 1.6K 131
                                    


MARRIED TO THE RUDE BOY SC#2


"God, Matthew." Nanghihinang sabi ni Serise habang nakatitig sa sugat sa labi ko. Sasagot pa sana ako noong naglagay si Illea ng betadine sa bulak at idinampi iyon sa bibig ko.


"Aaw."


"Ngayon aaray aray ka. Kanina ang tapang mo noong inaaway mo yung mga lalaki tapos bulak lang gumaganyan ka." Sagot ni Illea. Napangisi na lang ako. Ang taray ng magpinsan na ito.


"Our dads will not allow this to happen Matthew. Nambugbog ka ng tatlong estudyante ng Music A—"


I just sighed. Hinawakan ko ang kamay ni Illea at pinilit itong lumayo. "Se, hindi ko sila binugbog. Kasalanan ko bang lampa sila? I just punched them, that's all." Paliwanag ko. Serise opened her mouth but I raised my hand to stop her. Seriously? Ang labo ng problema nito sa akin.


"The three of them mocked you and Illea. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Niloloko na kayong dalawa, alangan naman na tumayo lang ako doon at makinig lang hindi ba?"


"Pero hindi mo sila dapat binugbog Matt. Masususpend ka niyan eh." Sagot ni Illea sa akin. Napangisi ako. Mas gusto ko nga iyon eh. Kapag nasuspinde ako ay sa bahay lang ako noon. No homeworks, no classes, no worries. That's life.


"Hindi lang siya masususpend. Baka maexpel pa siya." Dagdag ni Serise. Ngumuso lang ako. Hmmn... maeexpel? Ako? Anak yata ako ni Iñigo Shaw. No one can harm me in this school.


"Akala mo Matt, hindi pa kayo ayos ng Papa mo noh? You pierced your ear without his permission tapos ngayon eto na naman." Pagod na pagod na sabi ni Illea. I straightened my back.


"Hindi naman tenga ni Papa itong tenga ko kaya hindi ko kailangan ng permiso niya para magpapierce. And come on, I protected the two of you." Dipensa ko sa sarili ko. Narinig ko iyong tatlong binugbog ko na pinagtatawanan sina Serise at Illea. They said my friends are both flirts because Illea kept on running after Rome and Serise kept on pushing herself to Noah. Nainis ako dahil wala namang alam iyong tatlong iyon sa sitwasyon. I punched them because of my anger. Hindi ko naman kasalanan iyon.


Biglang bumukas ang pintuan ng clinic at tuloy tuloy pumasok ang Papa ko. Sa likuran niya ay naroon sina Noah, Rome, at Caius. Umupo ako ng maayos habang nakatingin kay Papa.


"Sup?" tanong ko dito. Lalong kumunot ang noo ni Papa.


"Ano na namang ginawa mo Matthew?" asik ni Papa. Umiling na lang ako at ngumisi.


"Sorry po Tito. Kami po ni Illea yung may kasalanan." Si Serise ang sumagot. She glared at me before looking back at my father.


"Niloloko po kasi kami nung mga lalaking sinuntok ni Matt. Pinagtanggol lang po kami ni Matthew. Diba Noah?" tuloy tuloy niyang sabi. Kinamot lang ni Noah ang kilay niya bago tumango.


"Opo Tito." Sagot ni Noah pero kay Illea ito nakatingin. Ayan si Serise sa harapan niya pero lantaran naman itong makatingin kay Illea.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon