Regrets

85.9K 1.9K 50
                                    

31

Hindi ko halos malunok ang kinakain ko habang nasa hapag kami kasama ang Ate at ang Mommy ni Iñigo. Si Lily lamang at si Mrs. Shaw ang nag uusap, kaming dalawa ni I ay hindi man lang nagsasalita. Binagsak ni Iñigo ang kanyang baso kaya napatingin kami sa kaniya.

"Can you please go away now? The two of you?" asik nito. Natigilan ako habang si Lily naman ay napanganga.

But Iñigo's mom is a different case.

Tumaas lamang ang kilay nito bago ako tiningnan. Mabilis akong yumuko at ang kamay ko ay nanlamig. "Where are your manners Iñigo Yoseff? Hindi kita tinuruan maging bastos."

"I am not rude Ma. Kung bastos man ako, dapat kanina ko pa kayo pinagtulakan palabas ng bahay namin." Ganting sagot ni Iñigo. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya mula sa ilalim ng lamesa at pinisil iyon.

Naglaban lamang sila ng titigan habang ako ay hindi na makahinga, Pinunasan ng Mama niya ang gilid ng bunganga nito bago umiling.

"I saw divorce papers in your room Iñigo, anong ibig sabihin noon?" tanong ng kanyang Mama. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Iñigo sa aking kamay.

"That is none of your business."

"Is it?" patuyang sagot naman ng kaniyang Mama.

Napapikit ako ng mariin. Nawala na sa isipan ko ang iniwan kong divorce papers sa kwarto ni Iñigo. Ilang beses ko rin naman kasi siyang pinilit na pirmahan iyon para mawalan na kami ng koneksyon pero matatag ang desisyon niyang hindi niya gagawin iyon. Sa sobrang inis ko sa katigasan ng ulo niya ay naglagay na ako ng kopya sa kanyang kwarto.

"She signed it." Dagdag pa ng Mama niya. Iyong mata niya ay tumalim sa pagkakatingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko habang siya naman ay sumandal lalo sa upuan, ang braso niya ay nakakrus sa kanyang dibdib.

"I'm sorry for my sister's behavior Tita. Baka hindi lang siya sigurado sa relasyon nila ni Yoseff—"

"We're not talking to you Lily." Naiirita ng sabi ni Iñigo. Tumayo na siya at muntikan pang matumba ang kanyang upuan sa pwersa ng ginawa niya.

"I agree with Lily. Baka hindi nga seryoso sa iyo ito Iñigo."

"Her name is Iris. You are talking to my wife Ma. Respect her." Madiin ng sabi ni Iñigo. Tumayo na rin ako at inilapat ang palad sa dibdib ni Iñigo para kumalma ito.

"Igoy." Tawag ko dito. Naramdaman ko ang paghinay ng hinga niya sa tabi ko.

"She will never be your wife unless I say so Iñigo Shaw. Why would you settle for her when you have Lily here?" galit na galit na sabi ng kanyang Mama. Napanganga ako at tiningnan ang aking kapatid.

"Lily's raised as a Racini. Bata pa lamang siya ay alam na niya kung paano gumalaw sa mundo mo. She is perfect for you. Bakit ipagpapalit mo siya para sa isang babaeng teleserye lamang ang buhay? Lumaki iyang babae mo sa hirap Iñigo. I even wonder if she knows how to use a spoon—"

"Enough!" sigaw nito. Pumaikot ang braso ni Iñigo sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa galit. Napatalon pa ako dahil sa sigaw niyang iyon pero ang Mama niya ay nanatiling walang reaksyon.

"Get out. Leave." Turo ni Iñigo sa pintuan. Kinuha ng Mama niya ang kanyang bag at inayos ang nagusot niyang damit bago tiningnan kaming dalawa. Walang sabi saing lumabas sila ni Lily sa unit ni Iñigo. Noong wala na sila ay niyakap ako ng mahigpit ni Igoy.

"Sorry." Bulong nito. Umiling lamang ako at sinagot ang kanyang yakap.

"Bakit ka naman nagsosorry?"

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon