Only You

97.7K 2.5K 160
                                    

23

Iñigo Yoseff Shaw is the weirdest person I have ever known. Ngayon ay sobrang tahimik na naming pito matapos ng sinabi niya tungkol sa pagkakasagasa niya sa babaeng di umano ay mahal niya.

"Dude, tinatawag mong noob si Iris?" natatawang sabi ni Ethan. Sumandal lamang si Iñigo bago tumango.

"Endearment Ethan." Aniya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Yumuko na lamang ako at agad na inayos ang kanilang storyboard. Hindi ko mapigilang tingnan ulit si Iñigo.

He grinned at me before standing. Lumapit ang kani kanilang mga PA at inayusan sila. Si Iñigo ay nanatiling nakatingin sa kanya habang nilalagyan siya ng foundation.

Napaupo ako sa may lamesa habang nakatingin sa kawalan. Should I add his scene? Hindi ba magiging awkward kung sakali?

"It's hot." Biglaang sabi ni Iñigo. Hinarap ko siya at muntik na akong mapamura noong makita kong inalis niya ang kanyang tshirt. Sa ilalim noon ay wala siyang suot na kahit na ano kaya nakita ko na naman ang abs niya na lagi niyang ibinabalandra sa akin.

"Oh my god." Gulat kong sabi. Agad kong naramdaman ang pagpula ng pisngi ko lalo na noong maalala ko kung paano gumalaw iyong muscles niya sa katawan noong naghubad siya.

"Kung makaarte ka, parang hindi mo pa ito nakita. You even traced my abs with your fingers back then Iris Shaw." Aniya. Mabilis ko siyang hinarap habang siya ay lalong dumikit sa akin.

"Iñigo!" sigaw ko. Halos hindi na ako makahinga sa mga bagay na ipinapaalala niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko habang si Iñigo ay kumuha ng tubig sa dispenser na nasa likuran ko.

"Totoo naman ah." Inosente niyang sabi. Uminom siya at iilang butil ng tubig ang kumawala mula sa bibig niya pababa sa kanyang leeg.

"Ewan ko sayo." Inis ko ng sabi. Kinuha ko na ang gamit ko at agad na bumalik sa director's chair. Noong paupo na ako ay nakakita ako ng styro foam roon. Kinuha ko iyon at binuksan para makakita lamang ng pagkain.

"Hey, eat." Ivan suddenly said.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko at mabilis siyang niyakap. He hugged me back before shrugging.

"Wala. Hindi ka kasi kumain ng almusal kaya pinagdala na kita dito ng makakain mo." Malambing niyang sinabi. I smiled at him bago ko siya binitawan. Noong nilingon ko ang mga staff ay nagtaka ako noong lahat sila ay nakatingin sa amin ni Ivan.

Ivan raised his hand. "Ivan." Simple niyang sabi. SIna Greg ay mabilis na lumapit sa amin at nakipag apir kay Ivan.

"Long time no see dude. Kamusta ka na?" Stan greeted. Sinagot ni Ivan lahat ng tanong nila habang ako ay nagtataka kung bakit sila magkakilala.

"What are you doing here?" biglaang sabat ni Iñigo. Naroong lumapit siya sa akin at agad niya akong hinila palayo kay Ivan. Noong tiningnan ko siya ay nalaman kong wala pa rin siyang suot na pang itaas.

"Magkakasipon ka nyan bro." natatawang sabi ni Ivan. Tiningnan niya ako bago kumindat.

"Let's eat lunch first. Okay lang ba direk?" tanong niya sa akin bago dinutdot ang aking ilong. Napahagikgik ako at tumango.

"Sure." Sagot ko. Mabilis akong humiwalay kay Iñigo at sumunod sa tent kung saan nakalatag ang mga biniling pagkain ni Ivan.

Umupo ako sa tabi ni Ivan habang si Iñigo ay nasa harapan ko pumwesto. Si Ivan ay abala sa pagsasandok ng aking kanin habang si Iñigo ay nananatiling nakatitig sa akin.

"Kuya." Biglaang pagsasalita ni Iñigo. Tumingin ako sa paligid at hinahanap ang sinasabi niyang kuya.

"Ano?" sagot ni Ivan. Tiningnan ko ang katabi kong hanggang ngayon ay pinagkukuha ako ng pagkain.

"They're brothers. Hindi mo alam Iris?" sabi sa akin ni Greg. Umiling ako at pinadilatan si Ivan.

"Why didn't you tell me?" I hissed. Inilapag niya ang aking pinggan.

"You didn't ask. Akala ko naman ay nalaman mo na na magkapatid kami dahil nga sa apelyido ko." Paliwanag niya. Pinalobo ko ang aking pisngi bago tiningnan si Iñigo na nakatitig pa rin sa aming dalawa.

"Galit ka na niyan Babe?" tanong ni Ivan sa akin sabay haplos ng aking pisngi.

"Maraming Shaw sa mundo Ivan." Akusa ko. Ginulo lamang ni Ivan ang buhok ko habang ang isang kamay niya ay inilagay niya sa aking likuran. Lalong tumalim ang mata ni Iñigo bago ibinagsak ang kanyang baso.

"Kuya! Kinakausap kita." Aniya. Natawa lamang si Ivan bago siya tiningnan.

"Ano nga?" tanong ni Ivan bago uminom ng tubig.

"Can I kill you now?" seryosong sabi ni Iñigo. Sa narinig ay nabuga ni Ivan ang kanyang iniinom.

"What the fuck?" gulat na sabi ni Ivan. Mabilis akong kumuha ng tissue at iniabot iyon kay Ivan. Pinunasan ko rin ang braso niyang nabasa dahil sa gulat niya kanina.

"Tangina talaga." Pagmumura ni Iñigo. Mabilis siyang tumayo at umikot sa lamesa. Hinablot niya ang braso ko bago ako hinatak palapit sa kanya.

"Iñigo Shaw—" protesta ko pero tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang tent. Pagkapasok roon ay pabagsak niyang isinara ang cover bago ako hinarap.

"Damn fucking shit." Bulong niya. Palakad lakad lang siya sa loob habang nagmumura ng malulutong.

"Ano bang problema mo?" iritado ko na ring sabi. Tumigil siya sa paglakad at napasabunot na lamang.

Inilang hakbang lamang niya ang pagitan namin hanggang sa napasandal na ako sa pader. Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang braso habang ang mukha niya ay inilapit niya sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang init sa hininga niya. Ang dibdib niya ay patuloy sa pagtataas baba habang ako ay hindi mapakali sa aking pwesto.

"Iñigo, lumayo ka nga." Utos ko. Hinawakan ni Iñigo ang aking baba at tiningnan ako.

"Madamot ako." Aniya. Napalunok ako habang siya ay tumitig na sa aking labi.

"Iris, I don't share. Mamamatay muna ako bago ko hahayaang may makahawak kahit na dulo lang ng daliri mo." Aniya. Iyong daliri niyang nasa baba ko ay pinadaan na niya sa aking labi. Idinikit niya ang bibig niya sa akin at sinundan ang dinaanan ng kanyang daliri. Bahagya akong napasinghap.

"How long will you let me suffer huh? Papatayin mo ba ako sa selos? Papatayin ko na ba ang kapatid ko dahil sa selos? Tell me Iris. What should I do, damn you." Hinihingal niyang sabi. Pinagparte ko ang labi ko at agad niya akong hinalikan. Madiin at mapagparusang halik. Noong humiwalay siya sa akin ay naramdaman ko na naman ang lasa ng dugo.

"Y-you don't love me. You never said I love you na hindi ako nilalait muna." Anas ko. Tinitigan niya ako bago napailing. Kinuha niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang dibdib.

"I don't love you." Aniya. Sa narinig ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lahat ng bagay na inaasahan ko ay nagkatotoo na nga. Iñigo never loved me.

Idiniin niya lalo ang katawan niya sa akin.

"I love only you Iris. Only you. I am so inlove with only you." Aniya. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig.

"Sobra sobra na pakiramdam ko ay sasabog na ako. Iris, I am getting crazy but I don't care. I love only you." Bulong niya at sinakop muli ang aking labi.

--------------------

HAPPY FATHER'S DAY!

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon