Too Much

97.2K 2.2K 121
                                    

24

Iñigo's lips are wild against mine. Sa halik niya ay ramdam ko ang pagiging desperado niya. Hinawakan niya ng mariin ang pisngi ko habang patuloy lamang siya sa paghahalik sa akin. Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang aking sarili. Ang braso ko ay nagkaroon ng sariling isipan at yumakap sa batok ni Iñigo.

"I love you." Bulong niya sa pagitan ng aming halikan. Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko dala na rin ng aking luha. Oh, how I have always dreamed of hearing that from Iñigo back then. Kung noon ay baka nakipagpatayan pa ako mara masabi lang niya sa akin ang mga salitang iyan.

But now? Ngayong narinig ko na mula sa kanya iyon ay nanginig ako sa takot. Natatakot akong baka isa lamang itong palabas. Natatakot ako sa dahilan niya, sa katotohanan sa likod ng sinasabi niya. Paano na lang kung naglalaro lang siya ulit? Ano na lamang matitira sa akin kapag binasag niyang muli ang pagkatao ko.

'Tonight I believe

That you are the reason I dream

Wrapped up in sheets

I'm wrapped up in everything'

I don't want to lose myself again. Minahal ko siya ng buong buo pero dinurog lamang niya ako at natatakot na ako. Natatakot na ako na mahalin muli si Iñigo. Ayaw ko ng maranasan ang umasa at lumapagapak. I don't want to dream only to realize that it is a nightmare.

Dumako ang kamay niya sa butones ng aking blouse bago iyon dahan dahan na inalis. Ang palad ko naman ay naglakbay sa katawan niyang nakabalandra sa akin. Bahagya pa akong napaungol habang ang halik ni Iñigo ay napunta na sa aking leeg.

"My Iris." Aniya. Napalunok ako habang siya ay nakapikit lamang habang hinahalikan ako.

"Iñigo.." tawag ko sa kanya. Iniangat niya ang aking katawan at ipinatong ako sa lamesa. His eyes are clouded with passion, his lips swollen from kissing me. Noong akmang hahalikan na niya ako ay bigla akong natigilan.

'But here comes the light,

Stealing me back from you

Leaving the night

Leaving me so confused'

"This is not right." Biglaan kong sabi. Itinulak ko siya at muling sinara ang mga butones kong nakalas niya. Noong muli kong hianrap si Iñigo ay nakita ko kung gaano siya kagalit.

"Anong mali dito?" tanong niya. Napailing na lamang ako at tinuro ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"This. Us. Iñigo this is wrong." Madiin kong sabi. Nagtiim ang bagang ni Iñigo sa sinabi ko. Pinadaan niya ang daliri niya sa kanyang buhok bago napapikit na lamang.

"I already said I love you Iris. Ano pa bang gusto mong gawin ko ha? Tell me?" halos magmakaawa na niyang sabi. Yumuko lamang ako, iyong braso ko ay iniyakap ko sa aking sarili.

"Nothing—"

"Then why don't you want to go back with me?!" sigaw niya. Tumulo na ang luha ko sa nangyaring pagsabog niya. Noong tiningnan ko siya ay namumula na ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ilang beses siyang pumikit na para bang pinipigilan niya ang mapaiyak.

But I doubt it. Iñigo Shaw never cries. He is uncapable of crying.

'Cause I want to close my eyes and sleep

Run to the place we used to meet

'Cause I'd rather have you in my dreams

Than wake up without you'

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon