His Noob

95.5K 2.5K 132
                                    

22

"Iris please. It won't hurt you. Sige na." pagpipilit ni Leria sa akin. Napanguso lamang ako habang tinitingnan ang storyboard na bigay niya.

"Leria—"

"Malaki ang ibabayad namin sayo. Iris, just do the music video." Aniya. Ibinaba ko iyong storyboard bago nagkamot ng batok. Napanguso na lamang ako at napipilitang tumango. Mabilis siyang napatalon at agad na hinawakan ang aking kamay.

"You will do it?" excited niyang sabi. Bumuntong hininga na lang ako.

"Oo na. Malaki ang bayad ha?" sagot ko na lamang. Lalong naglululundag si Leria bago ako niyakap ng mahigpit.

"Oh my gosh. This will be exciting." Tuwang tuwa niyang sabi. Ngumiti na lamang ako sa kanya bago napadako ang tingin ko kay Athan at sa anak nila na si Caius na naglalaro sa sala.

"Here, fetch." Tuwang tuwang sabi ni A bago binato ang bola kay Caius. Iyong bata ay tinitigan lamang ang bola at hindi man lang gumalaw sa kanyang pwesto.

"Sleep." Cute na cute na sabi nito bago humiga sa may throw pillow at pinaglaruan ang kanyang mga binti. Tumingin lang sa amin si Athan bago napailing.

"Ang tamad ng anak mo Ri." Reklamo nito.

"Wag mo kasing gawing parang aso si Caius. May fetch ka pa kasing nalalaman." Iritadong sagot ni Leria bago nilapitan iyong bata at kinarga para ilipat sa kanyang kama.

Tumabi lamang si Athan sa akin habang pinapanood si Ria na patulugin ang bata.

"Kailan kayo magaanak ni I?" anas ni A. Agad akong napaharap sa kanya bago natawa na lamang.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Athan."

"Seryosong tanong? Matinong tanong? Dalawang tao na kayong kasal. Hindi ba dapat ay magsisimula na kayo ng pamilya?" sagot niya. Nagkibit balikat lamang ako bago ko kinuha ang aking purse.

"I don't plan on having a child with Shaw, Nathaniel." Malamig kong sabi. Ngumiti na lamang ako at kaagad na naglakad palabas.

I really don't get it. Bakit ba itinutulak ako ng mga tao pabalik kay Shaw? Didn't they know the pain I experienced when I was with him? I didn't want to move on from him but I was forced because he doesn't love me enough to treat me as an equal.

It's not that I don't want to be together with him back then because I do, but it's just that things weren't the same anymore and no matter how long I waited for things to get better, no matter how hard I tried to make things work, it just wasn't happening.

One thing that I learned, if somebody treats you like a joke, then leave them like it's funny. Hindi mo kailangang ipakita na nasaktan ka.

--------------------------------

"Camera on three, two, one. ACTION!"

'You and I,

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.'

Pinanood ko ang eksena kung saan kukuhanan si August habang nakasakay ng kanyang skateboard. Ang ibang AEGGIS ay nasa likuran ko at tinitingnan ang pagtatape kay Augustine.

Sumandal ako sa director's chair habang nakatingin sa storyline. I immediately shook my head and stopped the filiming. Mabilis na naglakad si August sa pwesto namin bago ako tiningnan.

"May mali ba sa ginawa ko?" aniya. Umiling lamang ako bago napabuntong hininga.

"This is not working. Walang magkakagusto ng ganito. This is a freaking love song. Where is the romance here?" naiinis ko ng tanong. Walang kahit na anong kulay sa pagbubunot ng damo ni Ethan o ang pagtingin sa bintana ni Athan. Wala ring sense ang skateboard o ang pagbabasa ng libro ni Greg. The AEGGIS seem unattached to the story.

Tinitigan ko ang anim na nakikinig lamang sa akin.

"How did you fall inlove?" tanong ko. Matagal walang nagsasalita sa anim and I am grateful for that. Ibig sabihin noon ay sineseryoso nila ang pag iisip nila kung paano sila natutong magmahal.

My gaze lingered at Iñigo. Siguro ay iniisip niya kung paano sila nagkakilala ni Lily. Well, I can't wait to hear their story. Mukhang magiging maganda iyon kung sakali.

'Without you, I feel broke.

Like I'm half of a whole.

Without you, I've got no hand to hold.

Without you, I feel torn.

Like a sail in a storm.

Without you, I'm just a sad song.

I'm just a sad song.'

"Well, I fell inlove with a toothless girl." Natatawang sabi ni Stanley. Napangiti rin ang iba habang ako ay naiisip na ang itsura ni Toryang noong wala pa siyang ngipin. Agad ko iyong sinulat sa notepad ko bago nilingon si Athan.

"Leria's a stalker before. Palagi niya akong sinusundan hanggang sa kinidnap niya ako. That's the time I fell for her."

'With you I fall.

It's like I'm leaving all my past in silhouettes up on the wall.

With you I'm a beautiful mess.

It's like we're standing hand in hand with all our fears up on the edge.'

Isa isang kinwento ng AEGGIS ang kanikanilang mga lovestory. Sa huli ay napapangiti na lamang ako habang ginagawan ko sila ng sketch. I never thought that these boys have these kind of heartwarming stories. Kung sanang lahat na lang ng kwento nila ay happy ending.

"Hindi mo ba ako tatanungin?" biglaang sabi ni Iñigo. Napalingon ako sa kanya at napansin na iyong kahon niya na lamang ang walang laman. I have Greg's story about the bench, Ethan's meeting in the bar, August watching Shana on her birthday party. Kay Iñigo na nga lang talaga pala ang wala.

'So stop time right here in the moonlight,

Cause I don't ever wanna close my eyes.'

Pinaglaruan niya iyong labi niya habang nakatitig lamang sa akin. "Don't you want to know how I fell inlove babe?" aniya. Sinara ko ang notepad ko bago napalunok.

"Paano nga ba I?" si Greg na ang nagtanong. Ngumisi lamang si Iñigo. Iyong ngiti niyang pangmayabang.

'You're the perfect melody,

The only harmony

I wanna hear.

You're my favorite part of me,

With you standing next to me,

I've got nothing to fear.'

"Well, let's start with this. Nahulog ako sa babaeng tanga para magpasagasa." Aniya. Marahas ang ginawa kong paglingon sa kanya bago siya pinanlakihan ng mata.

"And up until now, I am still inlove with her. She is still my noob."

-----------------------

Song Used:

Sad Song – We the Kings ft. Elena Coats

Thank you for all the birthday greetings and gifts. Mwaah!

*pen<310

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon