Stupid

101K 2.4K 105
                                    

4

Napanganga ako pagkarating ko sa tinutuluyan ni Iñigo. Halos kulay puti ang pinakadominanteng kulay sa kanyang bahay. Mistulang anghel ang nakatira kung pagbabasehan ang linis at ayos ng buong lugar. Lahat ng kasangkapan ay may kanya kanyang lugar at mukhang krimen kung iibahin mo ang ayos ng bahay.

But what struck me most is the floor to ceiling window. Kitang kita ko ang buong Maynila mula rito sa bahay niya. Lumapit siya sa isang tea table at may kinuha na remote control. Awtomatikong bumaba ang mga blinds at natakpan ang bintana. Napanguso na lamang ako dahil inienjoy ko pa ang view.

"Maupo ka." Aniya. Pasalampak akong umupo sa kanyang sofa, namamangha sa sobrang lambot niyon. Magkano kaya ito? Mukhang galing pa sa ibang bansa ah? Kulay krema ang sofa at mapaghahalataang mamahalin iyon. May pawnshop kayang tumatanggap ng sofa lang? Pupusta akong malulula ako sa presyo nitong sofa kung sakali.

"Iris!" sigaw niya. Doon pa lamang napahiwalay ang tingin ko sa sofang mamahalin. Kunot na kunot na ang noo niya habang nakatitig sa akin. Iyong singkit niyang mata ay lalo lamang naningkit dahil sa inis sa sa akin.


"Bingi ka ba? Kanina pa kita kinakausap." Masungit niyang sabi. Umayos na lamang ako ng upo at tiningnan din siya.

"Ano ba kasing gusto mo?" bwisit ko ring sabi. Itong lalaking ito, napakasuplado. Kung makaasta akala mo sobrang gwapo naman. Di hamak na mas cute si Gusting sa kanya. Atleast si August ngumingiti, hindi katulad nitong si Iñigo. Gwapo rin si Stanley. Bad boy talaga kaya mas nakakaatttract. Pero hinding hindi ko talaga magugustuhan si Iñigo.

"Kailangan ko ng maid." Diretsyo niyang sabi. Nalalaglag ang panga ko sa mga salita niya.

"Gagawin mo akong maid mo?!" pasigaw kong sabi. Ako? Sa ganda kong ito, gagawin lang niya akong katulong niya? Ang kapal ng mukha. Bwisit talaga siya.

Humalukipkip siya at ngumisi. Natigilan ako noong makita ang ngiti niya. Napalunok ako at yumuko na lamang. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Oo. Isa pa, kalat na sa media ang tungkol sa ating dalawa. Mas magandang sumakay na lang tayo sa issue para wala ng gulong madagdag. Kung magdedeny tayo ay papatagalin lang natin ang balita. If we will agree, then the news will be forgotten. Ilang buwan lang naman ang pananatili mo dito sa bahay. Mas magandang nakikita kita lagi dahil baka may gawin ka na namang kabaliwan. Mahirap na." mahaba niyang litanya. Itinaas niya ang paa niya at ipinatong iyon sa center table.

"Pero bakit kailangan kong maging maid mo?!" frustrated ko ng sabi. Hindi ko talaga maisip na mangangatulong ako sa demonyong ito. Naku, baka mamatay ako dahil sa atake sa puso at highblood sa pag uugali niya. Kahit kailan ay hindi kami magkakasundo ng lalaking iyan.

Nag-inat siya. Iyong mga muscles niya sa braso ay lalong nadepina sa ginawa niya. Bahagyang tumaas ang shirt niya at bahagya kong nasulyapan ang tyan niya. Naramdaman ko ang pagakyat ng dugo sa pisngi ko at agad akong nag-iwas ng tingin.

The devil has abs! inalog ko ang ulo ko para mabura sa isipan ko ang imahe ng muscles niya at ng katawan niya. Remember Iris, abs are dangerous to a woman's health.

"Because I am bored. Wala akong laruan." Sagot niya. Sinindi niya ang TV niya at pinaglaruan ang remote. Tanging ang mga patalastas lamang ang pinapanood niya habang ako ay pinapanood naman siya. Pakiramdam ko ay ilegal ang pagmumukha niya. Masyado siyang gwapo para sa ugali niya. Matangos ang kanyang ilong habang ang mata niya, bagama't singkit ay mapupungay naman. Iyong panga niyang laging nakatiim ay mas lalong nagbigay ng awra ng awtoridad sa kanya.

At may abs siya. Naku. Ayaw ko ng abs. Nakakatakot ang mga abs. Dapat na iyan mawala sa mundo. Maraming nagkakasala at nawawala ang prinsipyo dahil sa abs.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon