Forbidden

99.3K 2.3K 86
                                    

5

Nagising ako sa mabangong amoy ng kung ano man ang nailuluto sa kusina. Sinubukan kong tumayo at ganun na lang ang luwag ng paghinga ko noong hindi na kumirot ang balakang ko. Naglakad na ako palabas noong makita ko ang likod ni Iñigo na abala sa pagluluto. Napalunok ako dahil wala siyang kahit na anong suot na pang itaas. Iyong muscles niya sa likod ay nadedepina sa bawat galaw niya sa sandok.

Humarap siya sa akin bago umirap. "Wag kang tumanga dyan. Tumulong ka nga." Utos niya. Napanguso ako. Sayang naman. Ganda na ng likod pero yung ugali naman, wala na. Ang sama kasi eh.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang pinggan at dalawang piraso ng baso bago iyon inilagay sa lamesa. Hinintay kong umupo muna siya bago ako sumunod. Binuksan ko ang kaserola pero napangiwi ng makita ang chop suey doon.

"Ano?" masungit niyang tanong. Tinakpan ko ang ilong ko bago umiling.

"Bakit gulay? Ayaw ko ng gulay." Sagot ko. Tumaas lamang ang kilay ni Iñigo bago kinuha ang pinggan ko at tinambakan iyon ng ulam. Nanlaki naman ang mata ko at napasinghap na lamang ako sa ginawa niya.

"Iñigo! Hindi nga kasi ako kumakain ng damo! Kadiri ka, hindi ako kambing!" naiiyak ko ng sabi. Walang pakialam niyang inilapag ang pinggan sa harap ko bago ako tiningnan.

"You have to eat. Bugbog ka sa trabaho kaya kailangan mo ng lakas." Aniya. Napanguso na lamang ako at tinitigan iyong gulay na nagmamakaawang kainin ko. Tiningnan ko lang muli si Iñigo bago napangiwi.

"Bakit ang bait mo bigla sa akin? Crush mo na ba ako?" gulat kong sabi. Nanlaki ang mata niya bago napabuga sa kanyang kinakain. Ngumiwi pa siya na para bang may nasabi akong nakakadiri.

"Nahihibang ka na ba?!" sigaw niya. Tinuro pa niya ako gamit ang kanyang tinidor habang hindi pa rin makapaniwala sa nasabi ko.

"Hindi ah. Sa ganda kong ito, hindi ako bagay sa mental." Sagot ko. Napailing na lamang si Iñigo na para bang hindi siya naniniwala sa akin.

"Bigla ka kasing bumait sa akin! Gusto mo na ba ako? Ay nako Iñigo Shaw wala kang mapapala sa akin. hindi ako nakikipagrelasyon. Gusto ko munang magpayaman bago ako mag boyfriend—"

"Ang bobo mo talagang babae ka. Grabe. You are really amazing in terms of stupidity Iris." Mayabang niyang sabi. Napatanga na lamang ako at hindi makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Amazing daw ako? Sabi ko na nga ba at gusto niya ako eh.

"Sobra bang taas ng lagnat mo kagabi at umabot na yung init sa ulo mo? Naluto na ba yung utak mo?" aniya. Binuka ko ang bibig ko at hindi sana magpapatalo sa labanan ng salita noong biglang may nag doorbell sa pad niya. Siya na ang naunang tumayo at pinagbuksan ang kanyang bisita. Habang wala siya ay nagmamadali kong kinuha ang pinggan ko.

Binuhos ko lahat ng laman ng pinggan ko sa kanyang pinggan. Wala akong tinira na kahit na anong bakas ng gulay sa aking plato.

Noong matanggal ko na ang lahat ng kampon ng kadiliman sa pinggan ko ay uminom ako ng tubig at nagkunwaring ngumuya. Sakto naman ang pagpasok muli ni Iñigo sa kusina kasama ang isang babae.

"I already told you, bibisita ako kapag hindi na ako abala." Madiin niyang sabi. Ngumuso lamang iyong babae sa likod niya. Hindi pa rin nila ako napapansin kaya pasimple na akong iiexit.

Girlfriend ba siya ni Iñigo? Aba, may nagtangkang magkamali sa demonyong iyon? Sama kaya ng ugali niya.

"Aw.. Iñigo naman eh. Ako papagalitan ni Mama kapag hindi ka umuwi." Maktol noong babae. Kumapit pa siya sa braso ni Iñigo habang pumapadyak.

"Ate! Tss." Bwisit na sabi ni Iñigo. Napatingin ako sa kanilang dalawa at doon ko lamang napansin ang pagkakahawig nila. Ate? Kapatid siya ni Iñigo?

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon