Wildest Dreams

97.3K 2.3K 150
                                    

19

"Patigilin mo ito, tatalon ako!" galit na galit kong sigaw. Tinitigan lamang ako ni Iñigo at hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Tumalikod ako sa kanya at tinanggal ko ang sapatos ko bago ako tumahak papunta sa railings.

"Iris naman!" inis na niyang sigaw. Noong pasampa na ako sa railings ay agad niya akong hinila. Hinawakan niya ang braso ko at halos alugin na niya ako.

"Will you just listen?!" iritado na niyang sabi. Tinitigan ko lamang siya bago tinabig ang kanyang kamay. Lumayo ako sa kanya at pumunta sa gitna ng deck. Inilagay ko ang palad ko sa aking noo bago huminga ng malalim.

"Hindi ako makikinig sayo. Wala akong balak makinig sayo. At kahit na anong sabihin mo, hinding hindi kita papakinggan!" galit na galit ko ng sabi. Napahilamos sa mukha si Iñigo bago lumapit sa akin. Napahakbang naman ako palayo pero mabilis na naman niya akong binuhat.

Ngayon ay para na akong sako na nakabaligtad habang siya ay naglalakad. Kinatok pa niya ang kapitan sa deck bago binuksan ang pinto.

"Go faster." Utos niya. Sumaludo lamang ang kapitan at naramdaman ko ang pagbilis nga ng yate.

Patuloy ako sa pamamalo sa kanyang likod pero hindi naman ito iniinda ni Iñigo.

"Ibaba mo nga ako!"

"No. Iris, shut up. Ang ingay mo na naman."  Reklamo niya. Napangiwi ako at lalo lamang nagwala sa balikat niya. Ang binti ko ay winawagyway ko pa at muntik na kaming matumbang dalawa kung hindi lamang siya nakahawak sa pader.

"Iris! Shit, masasaktan ka niyan sa ginagawa mo eh!" galit na niyang sabi. Narinig ko ang pagclick ng pintuan at doon ay pinasok niya ako. Agad niyang nilock ang kwarto at humarang sa may pinto.

"Mag-uusap tayo." Utos niya sa akin. Umupo siya sa may pinto habang ako ay nakatayo sa kwarto at hinihingal pa sa ginawa kong pamamalo sa kanyang likod.

Kung makapag utos  siya ay parang hari. Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya at tinitigan lamang siya. Umupo ako sa may kama at hinintay siyang magsalita.

"Hindi mo ba ako minahal Iris?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko at halos mahulog ako sa kinauupuan ko. I thought he will say sorry. I thought he will explain. Akala ko ay sasabihin niyang mali  siya at gusto niyang magsimula ng bago.

"What?"

"Did you really love me?" Aniya. Natawa na lamang ako habang umiiling sa kanya. I bit my lip, trying to contain the words I wanted to tell him. Pero hindi ko nakaya. Parang dagat na lumabas sa bibig ko ang mga salitang inipon ko noon.

"Alam mo bang mahal na mahal kita. Noon. Hindi na ngayon. Wag kang assuming." Mabilis kong sansala sa sinasabi ko. Napayuko si Iñigo at hindi ako tiningnan.

'He's so tall and handsome as hell

He's so bad but he does it so well

I can see the end as it begins

My one condition is'

 

Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana kung saan nakikita ko ang alon sa kabila ng dilim ng gabi. Tumayo ako at lumapit doon.

"Tinanong ako ni Augustine noon, kung masaya ba ako dahil nakasal ako sayo. Masaya ba ako na misis mo na ako. I said yes Iñigo. Kasi kahit na may agam agam ako noon, kahit alam kong may mali, sa pinakalalim ng puso ko, alam ko, masaya ako." Anas ko. Nabasag ang boses ko at hinarap siya.

'Say you'll remember me standing in a nice dress,

Staring at the sunset, babe

Red lips and rosy cheeks

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon