Alexis Matthew Shaw

99.6K 2.4K 119
                                    

34


Nagmamadali kaming umalis sa bahay ni Mayor para mapuntahan si Lily. I am shaking from head to toe as worry consumes me. Hindi ko na alam kung ano bang dapat isipin.


Naramdaman ko ang paghaplos ni Iñigo sa aking kamay bago siya ngumiti.


"She'll be fine noob."


Kinagat ko ang labi ko. "I feel that it is my fault."


Hindi sumagot si Iñigo. Malamig lamang ang tingin niya habang nakatutok sa daan. Siguro ay pareho kami ng naiisip. Malamang ay sinisisi rin niya ang sarili niya sa nangyari kay Lily.


Noong makarating kami sa ospital ay agad kaming dumiretsyo sa kwarto ng kapatid ko. Pagkabukas namin ng pintuan ay tumambad sa amin si Lily na nakasuot ng hospital gown, sa kanyang pulso ay may malaking benda at natutulog sa kama. Sina Mama ay agad akong sinalubong.


"How is she?" I asked. Nagkibit balikat si Mama.


"Hindi ko alam. She opened a vein Iris. Muntik na niyang mapatay ang sarili niya, ano bang iniisip ng ate mo?"


"Ma."


"Ngayon pa talaga niya gagawin iyan? Kung kailan nabuo na tayo ay doon siya magtatakangkang magpakamatay?!" histerikal na nitong sabi. Pinaupo ko siya sa tabi ni Lily. Umiyak lamang ng umiyak si Mama at hinaplos ang kamay ng kapatid ko.


"I can't lose my child again." Basag ang boses nitong sabi. Tumabi ako kay Mama at pinatahan siya. Patuloy siya sa pag iyak habang sinasabi ang kinatatakutan niya.


Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon noong maramdaman namin ang paggalaw ni Lily sa aming tabi. Mabilis na tumayo si Mama at nilapitan ito.


"Anak, how are you?"


"I'm going to call her doctor." Sabi naman ni Iñigo at mabilis na lumabas. Sinundan ko lamang siya ng tingin.


"Anong ginagawa mo dito?"


Marahas akong napatingin kay Lily. Matalim ang tingin niya sa akin habang nakakuyom ang kamay niya sa pinipigil na galit.


"Huwag kang ganyan makipag usap sa kapatid mo Lily. She cares for you that is why she's here."


"Dad's not here. Ibig sabihin ay wala siyang pakialam sa akin. I wonder, paano kung si Iris ang nasa posisyon ko ngayon, baka mabilis pa sa alas kwatro ay nandito na siya." Sabi niya. Nagkatinginan kami ni Mama sa hinanakit ni Lily.


"Papunta na si Papa Ate." Sabi ko na lamang para gumaan ang pakiramdam niya. Instead, Lily just scoffed. Umiling siya bago natawa na lamang.


Saktong dumating ang kanyang doktor. They examined her for few minutes habang kami ay nasa iisang tabi lamang. Si Iñigo ay agad ng nasa gilid ko, hinahaplos ang aking braso para makalma ako.

Chasing The Rude Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon