Accident#34[UNEDITED]

23.5K 489 27
                                    

Kinusot-kusot ni Amy ang mga mata nang maalimpungatan sa mahinang paggalaw ng kama. Babangon na sana sya nang maramdaman ang isang kamay na nakayakap sa kanya. Dahan-dahan syang pumihit paharap sa asawa nyang mahimbing na natutulog, anong oras kaya itong dumating?.

Bago sya makatulog ay kumukulo ang dugo nya rito pero nang makita ito ay wala na lahat ng inis nya. Nakaka-curious tuloy kung ano ba ang sikreto ng asawa nya. Napangiti sya nang gumalaw ito matapos nya itong dutdutin sa ilong. Nanggigil sya sa gwapo nitong mukha kaya wala sa sariling pinanggigilan nya ang pisngi nito.

" It hurts, Wife" mahinang daing nito habang unti-unting iminumulat ang mata. Natatawa syang naupo sa kama at hinawakan ang tumutunog na tyan. "Gutom na ako, magluto ka bilis" nagtataka ito sa sinabi nya pero hindi nya ito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita dahil hinila na nya ito patayo.

Wala pa itong suot na damit pantaas na bumababa ng hagdan habang hindi maipinta ang mukha. Lalo syang natutuwa kapag nakikita ang kusot nitong mukha, ang gwapo pa rin kasi.

" Are you sure, you want to eat the foods i will going to cook?" Kunot na kunot ang noo nito na hindi makapaniwala sa iniuutos nya. "I will call manang para ipagluto ka ng masarap—"

" Ikaw gusto kong magluto" nakangusong aniya na ikinatigil ng asawa nya. Napapailing ito at hindi malaman ang gagawin. Nakanguso nyang niyugyog ang paa at nang mabaling ang tingin sa ref ay malawak syang napangiti.

" Steam this for me" utos nya rito inaabot ang may karamihang strawberry. Lalong nakusot ang mukha nito, para itong nagku-compute ng pag-agos ng tubig mula sa malawak na ilog sa paraan ng pag-iisip nito.

" Baby, may lagnat ka ba?" Tanong nitong inilapat ang kamay sa noo nya. Sinamaan nya ito ng tingin, bakit ba ayaw nitong sumunod sa utos nya. "Wala ka namang— aray!" Daing nito nang malakas nya itong hampasin.

Nanubig ang mga mata nya habang matatalim ang tingin sa asawa nya. "Bakit ayaw mo akong sundin? Ano ayaw mo na ba sakin? Gusto mo na ba ako paalisin? Ayaw mo na akong alagaan? Sabihin mo lang kung sawa ka na sakin!" Umiiyak na tanong nya rito. Sunod-sunod itong napamura at natatarantang niyakap sya.

" Shhh, Sorry, wife. Don't cry, I'm sorry, baby. I'm so sorry, sige na gagawin ko na. Wag ka lang umiyak" pag-aalo nito sa kanya.

Suminghot-singhot sya't tinuyo ang luhang naglandas sa kanyang namumulang pisngi pagkatapos ay malapad ang ngiting umangat ang tingin nya sa asawa. Ipagluluto na sya nito ng steamed strawberry!.

" Lutuin mo na ito lahat, dali!" Excited na sabi nya't inilagay ang may karamihang strawberry sa kamay ng asawa nya pagkatapos ay pinaharap nya ito sa stove. Nakangiwi ang asawa nya habang hinihintay na kumulo ang tubig na lulutuan nya habang sya ay dinuduyan-duyan ang paang kumakain ng strawberry.

" Gusto mo?" Alok nya rito. Kumurap-kurap ito saka napagpasyahang lumapit sa kanya para kainin ang strawberry na inaabot nya. "Masarap di ba?" Tanong nya pang malapad ang ngiti. Para pa rin nitong pinoproseso ang mga nangyayari na tumango sa kanya.

Muli nyang ibinaling ang tingin sa ini-steam na strawberry, amoy pa lang nanunubig na ang bagang nya. Excited na syang makain yun.

" Wife, talagang kakainin mo yun?" Naguguluhang tanong nito na tinanguan nya. "Gusto mo rin ba?" Tanong nyang ikinangiwi nito. Mukhang ayaw nito pero mabuti nalang dahil ayaw naman nyang mamigay.

" Ano ba iyang niluto nyo?" Tanong ni Manang Tilda nang makarating ito sa kusina. "Ay dios ko, anong experimento iyan!?" Gulat na tanong ni Manang habang nakatitig sa steamed strawberry na kinakain nya.

" Hindi ko rin alam Manang" sagot ni Weyn na nakatitig sa kanya habang manghang pinapanood ang pagkain nya.

" Ang sarap kaya" sabi nalang nya't inubos lahat ng strawberry na nasa harap.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon