Accident#15

25.8K 499 3
                                    

Kagat-kagat ang ibabang labi na tinitigan ni Amy ang tulog na asawa. Hindi naman sya nalasing dahil halos hindi naman sya uminom. Nagkwentuhan lang silang magkakaibigan at kung ano-ano pa.

Alasingko pa lang ng umaga kaya hindi pa sumisikat ang araw pero gising na gising na sya. Ang asawa nya naman ay tulog na tulog, napagod siguro ito kaya hinayaan nya na lang itong sulitin ang tulog nito. Akala talaga nya ay maninibago syang matulog na katabi ang asawa nya pero mas naging kumportable ang tulog nya kaya maganda ang gising nya.

Walang ingay syang bumangon at kumuha ng damit na isusuot, balak nyang maligo sa baba. Ilang minuto lang ang tinagal at natapos na syang maglinis ng katawan. Naabutan nya sa kitchen ang kanyang ina na naghahanda ng almusal, kaya tumulong na sya.

                   "Maaga ka yatang nagising?" tanong nito sa kanya habang pareho silang naghahanda ng mesang kakainan.

                   "Nga pala, magdagdag ka ng upuan dahil para sa asawa mo" bilin pa nito. Tumango sya't sinunod ang utos nito.

                   "Nakatulog kasi ako nung hapon kaya maaga akong nagising" sagot nya sa unang tanong nito.

                   "Andyan na pala Papa mo" imporma sa kanya ng ina. Binalingan nya ng tingin ang direksyong itinuro nito at sinalubong ang kararating lang sa dinning na ama saka humalik sa pisngi nito.

                   "Good Morning pa" bati nya ritong tinanguan nito. Inaantok pa siguro ito kaya tipid itong magsalita.

Ilang sandali lang ay nagsimula nang bumaba ang mga kasama nila sa bahay. Puro matatanda lang dahil yung mga bata ay 7 ang oras ng pagkain. Hindi pa sya makapaniwala nang makita ang oras na alasais na agad. Ang bilis talaga umandar ng oras.

                   "Kumpleto na ba lahat?" Tanong ng kanyang ina kaya tinignan nya lahat ng nakaupo. Kumpleto na, pati kuya nya na half close pa ang mata ay nakaupo na. Natawa sya nang makita kung paano ito gisingin ng asawa nito, ang tyaga talaga ng asawa ng kuya nya.

                   "Anong tinatawa-tawa mo? Porket wala kang jowa!" Pang - aasar nito. Lahat ay natigilan at napatingin sa kanya. Oo nga pala, wala yung kuya nya nung dumating si Weyn.

                   "Nasaan ka kahapon kuya?" Tanong nya kaya tumingin ulit sa kanya ang kapatid.

                   "Sa campo, pinatawag ako ni Sergeant" sagot ng kuya nya. Sundalo kasi ang kuya nya kaya kapag pinatawag ay kailangan agad pumunta. Kawawa naman, ito ang nakaisip ng reunion pero di nakarating. Pigil nya ang matawa.

                   "Bakit mo tinatanong?" tanong nito bago ibalik ang tingin sa kinakain.

Pumwesto na sa kanya-kanyang upuan ang lahat at nagsimula nang kumain. Sya lang ang nanatiling nakatayo at nag-iisip ng isasagot pero baka pwede namang wag nang sagutin ang tanong ng kuya nya?.

                   "Wala lang" sabi nalang nya't uupo na sana sa upuang para sa kanya nang may humawak sa braso nya.

                   "Morning" bati ng asawa nyang kakagising lang.

Tinignan nya lang ito at hinayaang yakapin sya nito mula sa likod. Bakit ba napakalambing nitong kumilos?. Hindi naman nito kailangang gawin yun sa harap ng mga magulang nya. Mas lalo lang nagiging kumplikado ang lahat para sa kanya.

                   "Kanina ka pa ba gising?" Tanong nitong nakayakap pa rin sa kanya.

Tumikhim ang ama nyang kumakain kaya nabaling sa pamilya nya ang pansin nya. Nakatingin na sa kanila ang lahat, pati ang kuya Ethan nya na nabitawan ang hawak na kutsara.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon