Accident#10

26.5K 547 4
                                    

Inaantok na bumangon si Amy dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Kumunot ang noo nya nang bumungad sa kanya ang napakaraming pagkain, case ng alak at mga bisita. Anong meron? Hindi pa naman birthday ng papa nya ah?.

                   "Ma, anong meron?" Tanong nya sa inang abala sa pagpupunas ng mga plato. Inilapag muna nito ang platong napunasan na saka sya binalingan ng tingin.

                   "Maraming pumunta para makita ka nung nabalitaan nilang dumating ka na" Tumaas ang kilay nya sa sinabi nito, sa haba ng panahon na tumira sya sa probinsya nila ay hindi nya akalaing ganun sya kasikat para dayuhin ng mga tao kapag nakauwi na.

                   "Tita, kami na po dyan" halos mawala na sa balat nya ang kilay sa sobrang taas nang marinig ang hindi pamilyar na boses.

                   "Amy!" Tawag nito sa kanya atsaka sya agad na niyakap. "Na miss kita, Gaga!"

                   "Cassandra?" Hindi na nya ito makilala pero dahil sa paraan ng pagsasalita nito mukhang alam na nya.

                   "Di mo ko nakilala? Ganda ko na noh" tumawa lang sya't niyakap ulit ito.

                   "Shia!" Baling naman nya sa isa pang kaibigan.

                   "Amy!" Bulalas rin nito at inagaw sya nito mula kay Cassandra.

                   "Reunion na ba this?" Sabay -sabay silang natawa sa sinabi ni Cassandra.

                   "Amy, alam mo bang nandito sina, Dion, tapos yung mga famous nung high school tayo?" pagbabalita ni Shia.

                   "Luh, anong ginagawa nila dito?" Tanong nya dahil sa pagkakaalam nya ay hindi naman nya close ang mga iyun.

                   "Ewan, halika" hihilahin na sana sya nito palabas pero binawi nya ang kamay nya.

                   "Wait lang, bihis lang ako. Gaga ka, wala akong bra" nagtawanan ang dalawa saka ito na ang nagtulak sa kanya papuntang kwarto nya.

                   "Dito, bilis." Gusto nyang matawa sa ginagawa nila, akala mo'y mga agent silang minamanmanan ang mga suspect.

                   "Ayun si Dione" tumingin sya sa tinuro nito at totoo nga naruon si Dione na dating presidente ng school nila na super famous. Ano kayang ginagawa nito rito?.

Naalala pa nya kung gaano ito ka epal at kontrabida sa highschool life nya. Di na nga nya mabilang kung ilang ulit sya nitong sinumbong na maagang nagre-recess. Ito rin yung bugok na nasa eleksyon debate ng school nilang namimilosopo, ano kayang naisipan nito at dumayo pa rito?.

                   "Si Raine yun 'di ba? Kanina wala sya" mabilis nyang sinundan ng tingin ang tinuturo ni Shia at tama nga si Riane nga.

Anong ginagawa ng babaeng yun? Wow, namiss din ba sya nito?. Anong ginagawa ng mga kontrabida sa highschool life nya sa bahay nila ngayon?.

Lumapit sila sa table kung saan naruon ang mga kaklase nila nung grade 10 and there narinig nila ang mga pinag-uusapan ng mga ito.

                   "Sabi nila maganda na raw si Amy" ano ba namang pinag-uusapan yan, dati na syang maganda! Di lang nila matanggap.

                   "Naniwala naman kayo?" si Riane yun. "Kung maganda sya ba't hanggang nyayon wala pa rin syang boyfriend?" Tignan mo talagang kahit kailan ay kontrabida sa buhay nya ang babaeng ito.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Where stories live. Discover now