Accident#31[UNEDITED]

26.6K 531 6
                                    

A|N: Magbibigay ako ng warning sa gitna nitong chapter kung saan naruon ang warning. Btw, lablats!

"Weyn, akin na yan!" Sigaw nya nang agawin sa kanya ng asawa ang cellphone nya.

" Naka leave ka sa trabaho di 'ba?" Kunot ang noong tanong nito nang mabasa ang convo nila ni Kimie. Nag-uusap sila ng mga bagay-bagay na nangyayari sa opisina. At yung client nilang VIP na saksakan daw ng arte yung bride. Papalit - palit ng gusto, yung venue yung theme ng kasal at kung ano-ano pa.

"Oo, nagkukwentuhan lang naman kami eh" katwiran nya't pilit inaaagaw sa kamay nito ang cellphone nyang hindi nya maabot. Konting-konti na lang ay maagaw na nya ang cellphone pero nahuli sya dahil na buksan ni Weyn ang convo nila ni Josh. Hindi naman sa naga-ssume syang magseselos ito sa mababasa pero bigla syang kinabahan. Si Josh naman kasi eh, kung ano-anong sinasabi sa chat.

Nakagat nya ang ibabang labi nang magdilim ang mukha ng asawa nya. Nag-angat baba ang adams apple nito pati dibdib. Sa lakas ng pagbuga nito ng hangin ay naaabot sya ng hininga nito. Nakakatakot ang mga matang tumingin ito sa kanya at ipinakita ang convo nila ni Josh sa screen ng cellphone nya.

" Kayo ni Josh, nagkukwentuhan rin ba?" Paulit-ulit syang lumunok bago nakaipon ng lakas na sumagot.

" Na...ngangamusta lang sya" ngumisi ito ng naiinis saka sya pinakatitigan.

" Nangangamusta? Eh araw araw nga kayong magka chat oh, kahapon, mula good morning hanggang sa goodnight, pati nung nakaraan, tapos nung nakaraan pa!. Tapos ano to? I love you, take care babe, basta mahal pa rin kita, nangangamusta? Pangangamusta ba yun ha?" Napakurap-kurap sya't hindi makapaniwalang  napanganga. Nabasa nito agad lahat yun?.

" What?" Bakas pa ang inis at pagkairita sa tono nitong tanong kaya napailing nalang sya. Nasa interrogation room ba sya?. Umirap sya't nag cross arm. Kinuha nya ang unang nasa pagitan at nahihiwalay sa kanila saka sya mataray na pumihit paharap rito.

" So what?" Matapang na aniya na hindi makapaniwalang tinawanan ni Weyn. Patapangan sila ngayon. Tatlong araw itong naging mabait sa kanya kaya hindi sila nag-aaway kaya ngayon susulitin nya, nakakamiss rin kasing makasagutan ang gwapong lalaking nasa harap nya eh.

" So what? So what talaga?" Hindi makapaniwalang ulit nito na tinaasan nya lang ng kilay. " Tumatanggap ka ng I love you ng iba tapos, so what?. Hindi mo manlang ba naisip na may asawa ka!? Hindi mo ba ako naisip?" Nag chin up sya, bakit masama bang makatanggap ng I love you sa taong nagmamahal naman talaga sa kanya?, wala syang kasalanan!.

" At bakit naman kita iisipin? Bakit magsiselos ka ba? Huh, nagseselos ka ba kaya ka nagagalit!? Ano?" Mataray na aniyang hinawi pa ang buhok.

" Oo!" Naiwan sa ere ang kamay nyang ipinanghawi nya ng buhok nang sumagot ito. Hindi nya inaasahan ang sagot nito ni hindi nga pumasok sa isip nyang sasagutin sya nito. " Nagseselos ako na may ibang lalaki na naga- I love you sayo"

Namagnet nito ang mga mata nya, hindi nya naiiwas ang tingin rito. Hindi nya maprosesa ang mga narinig mula rito o mas magandang sabihing hindi sya makapaniwala. "Block him" napakurap-kurap sya nang nag-uutos nitong iniabot ang cellphone nya sa kanya.

"B-bakit?" Utal nyang tanong. Ipinilig nito ang ulo saka binawi ang inaabot nitong cellphone. Nagtipa ito sa cellphone pagkatapos ay inilapag nito ang cellphone sa mesa. Mabilis syang kumilos para kunin ang cellphone nyang nilapag nito at tignan kung ano ang ginawa nito sa cellphone nya pero patayo pa lang sya ay natigilan ulit sya nang magsalita si Weyn.

" Subukan mong hawakan yan" may pagbababalang anito na seryosong nakatingin sa kanya. Sandali syang nakipagtitigan rito bago tumikhim at isawalang bahala ang sinabi nito. Nagpatuloy sya sa pagtayo kasabay nun ang paghawak at paghila ni Weyn sa kanyang palapulsuhan.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Where stories live. Discover now