Accident#13

25.7K 580 23
                                    

Hindi mapigilan ni Weyn ang mapangiti nang magising sa tabi ng asawa. Akala nya ay umalis ito nung nakatulog sya pero hindi dahil mahimbing pa ang tulog nitong nakayakap sa kanya.

Hinawi nya ang iilang hibla ng buhok nitong tumatakip sa maganda nitong mukha. He can't explain how happy he is right now while just staring at his wife peacefully sleeping. This is not the first time he woke up with the woman sleeping beside him but this is the first time he enjoyed it.

Ilang ulit nyang sinubukang iiwas ang tingin pero hindi nya magawa, pakiramdam nya ay kapag pinalampas nya ang pagkakataong matitigan ito ng ganto kalapit ay hindi na ulit ito mauulit. He's just enjoying watching his sleeping wife when his eyes landed to her lips, another first time of him.

Ito ang unang pagkakataon na natutukso syang halikan ang labing tinututukan ng mga mata nya. Binasa nya ang nanunuyog labi gamit ang dila, he cant control it anymore, maslalo syang nalalasing sa nakikita sa bawat segundong lumilipas.

Hindi na sya nagpigil at hinayaan ang sariling angkinin ang mga labi ng asawa. Bahala nang masampal mamaya basta hindi nya sasayangin ang pagkakataon.

Nagulat nalang sya nang maramdaman ang pagtugon nito sa halik nya. Tulog pa rin ba ito?. Gusto nyang tignan kung tulog ba ito pero hindi nya ginawa. Masyado syang nalulunod sa tamis ng halik nito.

Naramdaman nyang bumuka ang bibig nito kaya wala syang sinayang na pagkakataon, sinunggaban nya ang pagkakataong iyun para ipasok ang dila sa makipot nitong bibig, he heard her moaned and it made him happy.

                   "Ate Amy" mabilis nyang pinutol ang halik na iyun nang bumukas ang pinto.

Nakita kaya nito?.

Napalunok sya nang makitang gumalaw si Amy pero nakahinga rin sya ng maluwag dahil hindi ito nagising. Humigpit ang yakap nito sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib nyang malakas ang pagkabog dahil sa puso nya.

                   "Ay, tulog pa?" Mahinang sabi ng bunsong kapatid na babae ni Amy. He knows her because she was the first person he talked to when he arrived.

                   "Yeah, mahimbing pa tulog nya" kinakabahan sya sa isiping baka nakita nito ang ginawa nya sa kapatid nito.

                   "Ok, ikaw kuya matulog ka pa kung pagod ka. Pag-gutom na kayo baba nalang kayo" paalala nito saka sinara ulit ang pinto.

Sa tingin nya hindi nito nakita, mabuti nalang. Natatawa syang napailing, what's that?. Nananaginip ba ang asawa nya?. Hindi manlang ito nagising? Halikan kaya nya ito ulit?.

Pati sya ay hindi maintindihan ang sarili, kailan pa sya naging excited humalik ng paulit-ulit?. Kasalanan ito ng babaeng nasa harap nya, wala naman itong ginagawa pero bakit parang sobrang ganda nito sa paningin nya?. Pinisil nya ang tungki ng ilong nito.

                   "Ang cute mo" nakangiting turan nya't pumikit na. Baka matukso nanaman syang halikan ito kapag hindi pa sya tumigil sa pagtitig rito.

                   "Ijoh, buti at gising ka na. Si Amy, nasaan?" Tanong ng ina ni Amy pagkababa palang nya ng hagdan. Tinulungan nya ito sa pagbubuhat ng mga pagkaing dadalhin nito sa labas. Madilim na dahil mag-aalasyete na ng gabi.

                   "Natutulog pa po, ayaw ko gisingin mahimbing kasi yung tulog" sagot nyang tinanguan ng ginang.

                   "Ikaw, nakatulog ka ba?" tanong nito sa kanya at sinenyasan sya kung saan ilalapag ang dala nya.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Where stories live. Discover now