Accident#28

24.5K 499 2
                                    

"Ay Dios ko!" Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila ng asawa nang narinig ang gulat na sigaw ni Manang Tilda. Bakit ba kasi bigla nalang dumating si Manang?. Naghahanap ng masisisi si Weyn dahil sa inis at pagkabitin, hindi nya masolo ang asawa nya dahil may kasama sila sa bahay.

"Manang, bakit kasi bigla kang dumating!?" hindi nya naiwasang maging walang galang ang tono kaya ang matanda ay sumama ang mukha pati ang asawa nyang kanina lang ay nag-iiwas ng tingin ay bumaling sa kanya.

Pinapangaralan sya nito gamit ang uri ng pagtingin nito sa kanya kaya bagsak ang balikat na napayuko sya.

"Aray! Manang" daing nya nang tumama sa kanya ang hawak nitong hunger dahil likas itong malakas pumalo.

"Ikaw bata ka talaga, bakit kasi dito mo pa ginagawa yang dapat sa kwarto lang!?" pangaral nito sa kanya kaya nahihiya syang tumingin sa asawa. Si manang talaga walang preno ang bibig.

"Pati asawa mo dinadamay mo dyan sa kamanyakan mo! At aba, kailan ka pa naging mahalay?" Naubo ang asawa nya at mabilis ang kilos nyang inabutan ito ng tubig.

"Manang-"

"Oh ano?!. Sasagutin mo nanaman ako?" matapang na putol ni manang sa sasabihin nya. Halos magmakaawa na sya para lang tumigil ito sa walang bwelong pagsasalita pero di ito mapigil.

"Ija, hindi sa lahat ng oras ay papayag ka sa gusto nyan. Pwede kang tumanggi tapos pag pinipilit ka sipain mo ganun"

"Manang naman!" pagsusumamo nya pero inirapan lang sya nito pagkatapos ay tinapik nito sa balikat ang asawa nya.

"Isumbong mo sa akin Ija pag sobra na" bilin pa nito kay Amy bago tuluyang umalis.

Naiwang walang masabi ni Amy at sya naman ay nakangusong bumaling rito. Sinira ni manang ang pagkakataon nya.

"Wife-"

"Ano, nood tayo TV?" Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil nauna na itong pumuntang living room. Nakakaasar naman! Napasuntok sya sa mesa sa sobrang inis, Bakit kasi si Manang eh!?.

"Amn, Wala pang CD's" pagsisimula nya ng topic nang makaupo sa tabi ng asawang tahimik lang na naka indian sit sa sofa habang yakap-yakap ang unan. Sa posisyon nito ay wala syang pagkakataon na mayakap o kaya naman ay mahawakan ito. Umusog sya papalapit rito pero lumayo ito kaya lalong nadagdagan ang init ng ulo nya.

"Sige, bukas na lang tayo manood. Akyat lang ako sa taas" bago pa ito makatayo ay inagaw nya rito ang hawak nitong unan at hinila ito patayo pagkatapos ay pinaikot ito paharap sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo!?" madiin at may pagbababalang tanong nito pero wala syang pakialam. Hindi sya magsasayang ng kahit anong pagkakataon. Hanggang malapit ito sa kanya hindi nya ito hahayaang makalayo.

"Aakyat ako sa - Weyn!" naisigaw nito ang pangalan nya nang hilain nya ito pababa sa kanya.

Nasubsob ito sa dibdib nya na mahina nalang dahil inalalayan nya ito. Hindi na nya ito hinayaang makapagsalita pa at sya na ang umayos sa posisyon nito. Nakaharap ito sa kanyang nakaupo sa kandungan nya.

Nakaupo ito sa hita nya na nasa pagitan ng hita nito kaya halos magkapantay lang ang mukha nila.

"Weyn, ano bang ginagawa mo?" madiing anito na tinaasan nya lang ng kilay. Sinusunod ba nito ang sinabi ni manang na pwede itong umayaw?. Tsk, wrong move dahil hindi ito makakatanggi.

"You can't say no to me, honey" nakangising aniya ng maalala ang pinangako nito.

"Remember our deal?. Gagawin mo lahat ng gusto ko" may tagumpay na ngiting aniya kaya bumagsak ang balikat ng asawa nya. He won!.

"A-ano ba kasing gusto mo?" Nakababa ang tingin nito kaya medyo naiirita sya, he wants her to look at him, only him.

"Honey, wag kang titingin sa baba. Sige ka baka may mabuhay dyan" mabilis pa sa kidlat ay umangat ang tingin nito sa kanya kaya sya natawa. Hindi halatang kabado ang asawa nya, pero ayaw ba talaga nito?. Disappointment ate his whole system with that thought. Baka nga ayaw nito.

"B-bakit ganyan itsura mo?. Anong problema?" Pilit syang ngumiti at sinalubong ang tingin nito. Ang maganda nyang asawa na lagi syang sinasaktan, sana lagi itong ganito kalapit para nang sa ganun ay lagi syang kampante. "Tell me"

Umiling sya't inabot ang kamay nitong nakahawak sa balikat nya. Binuka nya ang palad nito saka iyun buong pusong hinalikan.

"Nothing" ipinatong nya ang baba sa palad nito at muling sinalubong ang mga mata ng asawa. Ngumiti rin ito sa kanya at ang isa nitong kamay ay humaplos sa pisngi nya.

"Okay, hindi na ako mangungulit" sabi nitong may ngiti sa mga labi.

Muli nya itong hinalikan sa palad saka hinawakan ito sa batok at mahinang hinila para maabot nya ang mga labi nito. Maikling halik lang iyun pagkatapos ay yumakap sya rito at muling isinubsob ang mukha sa leeg nito. This is the most relaxing place for him to rest, with his wife's warmth.

"I'm tired. I want to rest" nakapikit na aniya habang unti-unting hinihigpitan ang pagyakap sa asawa.

"Then rest, I'm just here" rinig nyang sagot nito na nagpangiti sa kanya. Later on he feels her hand combing his hair while humming an unfamiliar song. This is heaven.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Where stories live. Discover now