Accident#08

27.3K 577 8
                                    

Hindi makatingin ng diretso si Amy sa lalaking kanina pa nakangisi. Anlakas talaga nito mang-asar. Malay ba nyang yun pala ang tanong?.

                  "Ok na sana pag-arte kaso 'di ka pala marunong tumanggi" nakangisi pa ring pang-aasar nito.

Kung malaya pang sya nilukumos na nya ang mukha nito, nakakabwisit. Pinagsisisihan na nyang nagka crush sya rito, anak pala ni Satanas sa pandedemonyo.

                  "Malay ko bang yun yung tanong!?" Sigaw nya.
Malakas itong natawa kaya lahat ng tauhan sa labas ng mansyon ay napatingin sa kanila.

                  "Tama na nga, masasapak kita sige ka!" Pananakot nya rito pero hindi ito tumigil sa kakatawa.

                  "Buntis ka pala?" Pang aasar pa nito na ikinakulo ng dugo nya. Bwisit talaga 'to.                  

                  "Tango pa" pahabol pa nitong ginigigil talaga sya nito.

                  "Ayaw mo tumigil ah!" Sigaw nyang babatukan sana ito pero isang hakbang lang nito paatras ay malayo na agad sa kanya. Good for his long legs. Shete! Ba't ang haba ng paa nito?.

                  "Ano? Di mo abot? Ang ikli kase ng binti mo!" Pang-aasar pa nito kaya lalong umusok ang ilong nya. Bwisit! Isa itong malaki at mahabang bwisit!

Nakagat nya ang loob ng pisngi sa naisip. Bakit ba bigla-bigla yung pumapasok sa isip nya!? Niyugyug nya ang sarili at binura ang mahalay nyang isip.

                  "Hindi ko kasalanang may lahi kang kapre, matangkad ako fyi lang!" Dipensa nya na sinagot lang nito ng kibit balikat.

                  "Anak ka talaga ng tokwa!" Sigaw nya't hinabol ito.

Mabilis itong nakalayo dahil nakasuot sya ng takong kaya mabilis syang naghubad ng sapatos at akala mo'y isang sports runner sa bilis tumakbo.

                  "Pagnaabutan kita puputulan kita ng paa!" Sigaw nya pero sa kasamaang palad ay hindi nya ito nahabol. Grabe to tumakbo, pag naging runaway groom to 'di to mahahabol. Bwisit!

Dalawang beses na sya nitong nainsulto for freakin sake!.

Lumipas ang mahigit isang buwan ganun pa rin ang nangyayari sa araw -araw. Magigising sya't magbibreakfast tapos bubwisitin ng animal nyang asawa. Lumilevel up, una anghel, sunod manhid, sunod bwisit, at ngayon animal na.

Walang araw na hindi sya nito naiinsulto, walang araw na hindi kumukulo ang dugo nya sa pambu-bwisit nito and you know what's funny?. She can't still forget the scene cause of that freakin 5 peso coin.

Hanggang ngayon nananatili yung bangungot, bangungot na natutuwa syang balikan kapag sinusumpong ng kahalayan ang utak nya.

And there's more, even how she hate her husband, she's excited to see him in every seconds, she's mad when he's teasing her but she likes it thinking how her husband enjoying to tease her made her more happy. She's mad and, just one stare of his fascinating hazel brown eyes she'll fall in just a snap. Mahigit isang bwan lang nya itong nakasama pero ganun karami ang nagbago sa buhay nya.

Hindi na rin nya mabilang sa daliri nya ang mga event na pinuntahan nila kaya kung may makakakilala sa kanyang mayamang tao ay hindi na sya magugulat, her husband is a freakin billionaire afterall.

Tinignan nya muna ang sarili sa screen ng cellphone nya bago sagutin ang video call ng mama nya. Halos dalawang bwan na itong hindi nagvi-video call kaya nakaka-curious kung anong sasabihin nito at bigla itong napatawag. Alasais na ng hapon at nakaupo sya sa sofa habang ang asawa nya, hayun nagtitipa nanaman sa laptop nito.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang