Accident#11

25.3K 613 23
                                    

Matapos ang gabing yun na maraming bisita ay bumalik na sa normal ang lahat maliban nalang sa araw - araw may dinadalang lalaki ang papa ni Amy na ipinapakilala nito sa kanya. Gustong-gusto na syang ipaasawa, feeling nga nya isa syang reject na gulay na ibinibigay na libre sa mga bumibili.

Isang linggo na rin sya sa probinsya at ngayong araw ang birthday ng papa nya. Abala sila sa pagluluto ng handa at si Kiel? Kararating lang pero paalis nanaman dahil mali ang rekadong binili. Hindi nito alam ang pagkakaiba ng papaya sa sayote, ang sitaw sa bagyo beans, ang langka sa durian tapos marami pang iba.

Natatawa syang napailing ng sa dami ng pinamili nitong gulay ay dalawa lang ang tumama, ang belt pepper at ampalaya.

                   "Aanuhin natin ito?" Tanong nang mama nya na problemado kung saan gagamitin ang mga maling nabili ni Kiel. Natatawa lang syang nagkibit balikat.

                   "Tumatawa ka pa dyan, sayang yung pera" galit na sabi sa kanya ng ina pero hindi sya nahinto sa pagtawa.

                   "I warned you Ma, sabi ko wag nyong uutusan mamalengke si Kiel. Hindi sya pamilyar sa palengke, pwede pa sa MOA mo pabilhin okay pa yan!" Natatawang sabi nya. Ngayon alam na nya, Kiel was born rich kid.

Hindi nya alam kung paanong naging bodyguard ito but with his answer 'a priceless bodyguard' at ang nangyari ngayon, 100% rich kid nga ito.

                   "Babayaran ko nalang" tumaas ang kilay nya nang magsalita si Kiel. Ito na, lumalabas na ang pagiging anak mayaman nito.

                   "Ah, wag na Ijo. Si Ethan dapat mamamalengke eh" sabi nalang ng mama nya't naghanda.

Ito na lang daw ang sasama kay Kiel sa pamamalengke. At dahil may dala silang sasakyan, mabilis lang daw yun. Walang angal na sumunod lang si Kiel sa mama nya, natututo na rin itong makisama sa magulo at maingay nyang pamilya. Sanay na ito sa bahay at tumutulong sa mga gawaing bahay.

                   "Anong lulutuin natin?" Ang ate ni Amy na si Aerha ang nagtanong. Kararating lang nito nung nakaraang araw dahil nahirapan itong magfile ng leave sa trabaho.

                   "Amn, wala pang ingredients. Luto tayo cookies habang wala pa si Mama" suhestyon nyang sinang-ayunan ng ate nya.

Nagtulungan silang magluto at dahil daw palpak sya sa pagtitimpla ng sangkap ay pinatabi sya nito. Ang ginagawa nya?. Taga shape ng cookies tapos taga salang.

                   "Amy, tignan mo nga yung mga bata kung anong pinapanood nun" utos sa kanya ng ate nya na hindi nya tinanggihan.

                   "Ay! Bastos yan!" Sigaw nya't humarang sa TV kung saan may rated spg na pinapakita. "Ako nalang panoorin nyo" sabi nya't sumayaw, kumanta at kung ano-ano pa.

                   "Tita, tapos na" imporma sa kanya ng mga batang pamangkin nya. Lima ang mga bata. Dalawa sa panganay nyang kapatid, dawala rin sa pangalawang kuya at isa sa ate nya. Sya wala pang asawa, gusto rin nya ng baby!.

Malulungkot na sana sya pero tinawag sya ng Papa nya sa labas. Kainuman nito ang lalaking mga nasa 30s ang edad.

                   "Bakit Pa?" Bungad nya rito. Tumayo ito at iginiya sya paupo.

                   "Nak, si Engineer Arvie" pagpapakilala ng papa nya sa lalaki.

Hindi naman ito pangit, syempre 'di naman pipili ng pangit na manugang ang Papa nya pero ayaw nya rito. Wala nga itong panama kay Kiel lalo pa kaya sa asawa nya?. Nakagat nya ang loob ng pisngi sa naalala, asawa nanaman nya.

                   "Ayusin na natin ang kasal nyo hanggang nandito ka pa" napatayo sya. Ano? Kasal?.

                   "Pa! Kasal? Ni pangalan lang nya alam ko!" Pasigaw na kontra nya.

                   "Oo nga po uncle, bigyan natin sya ng panahon mag-decide." sabi naman ni Engineer Arvie.

                   "Anong panahon? Nakapagdecide na 'ko" mataray na sabi nya. "Ayaw ko!. Papayag lang ako pag mas gwapo ka na kay Kiel" pagdadahilan nalang nya.

Nagtatanong na tumingin si Arvie sa Papa nya kaya napangisi sya. Nag-aalangang sumagot ang papa nya, pano ba naman alam nitong gwapo si Kiel.

                   "Miss, Amy. Ang bilis namin"

                   "Kiel!" Sinalubong nya si Kiel at tinulungan ito sa pagdala ng pinamili.

Ang bilis talaga ng Mama nya pagdating sa pamamalengke. Natawa sya nang bumagsak ang balikat ni Arvie tapos ang Papa nya ay pinapagaan ang loob nito.

Bala ka dyan Papa, ge lang pamigay mo pa ako. Aniya sa isip na may malokong ngiti

                   "Anong ginagawa nyo?" Tanong ng mama nya, sa kanila ng ate nya.

                   "Nagluluto ng cookies, malapit na ito maluto" sagot ng ate nya't nagtanggal na ng apron. "Ikaw na magbantay Amy, tutulong ako kay mama mag hiwa ng gulay" tumango lang sya't sya na ang nagsalang sa oven ng cookies.

Sumasayaw-sayaw pa sya nang lapitan ni Kiel.

                   "Miss Amy, may susunduin ako sa-"

                   "Sige lang, take your time" hindi na nya ito pinatapos at pumayag na sya. Hindi kasi ito tumitigil sa pagtatanong kung anong pwede nitong gawin kaya pag wala ito ay medyo magaan sa isip nya.

Hindi alam ni Amy kung ilang minuto ang lumipas basta huling tray na lang ng cookies ang iluluto nya. Malamig na rin ang unang naluto nya kaya naibigay na nya sa mga bata. Nakikipagkwentuhan pa sya sa mama nya habang nagluluto.

                   "Ate Amy!" Ngumunguya pa sya ng kinakain na cookies nang binalingan nya ng tingin ang bunsong kapatid na si Aenah "Hinahanap ka ng asawa mo" imporma nito na tinanguan nya.

                   "Saan?" Tanong nyang chinicheck ang temperature ng oven.

                   "Nasa sala" sagot nito. Tumango sya't kumain ulit.

                   "Sige, sabihin mo lalabas na ako" sagot nyang hindi ito tinatapunan ng tingin.

                   "Ate Aerha, pabantay nito ah, hinahanap daw ako ng asawa ko-" natigil sya sa pagsasalita. Anong ngang sinasabi nya?.

Kumurap-kurap sya, pati pagtanggal ng apron ay hindi nya naituloy. Tinignan nya ang ina at kapatid na natigil rin sa ginagawa, pati si Aenah ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

                   "May asawa ka talaga teh?" Si Aenah ang unang natauhan at nagtanong sa kanya.

                   "A-asawa ko?" Pati sya ay 'di makapaniwala saka wala sa sariling napatingin sa direction kung nasan ang sala. Hindi pa rin nagpoproseso sa isip nya ang nangyayari pero nang makita ang lalaking tinutukoy ng kapatid ay huminto ang pag-ikot ng mundo nya.

                   "Hi Wife" he greeted her with his most amusing and addictive smile. He is freaking here for fuckin real!?.

                   "W-Weyn?" She uttered with shock.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon