Accident#33[UNEDITED]

23.6K 456 9
                                    

One month had passed simula nang una silang magtalik ng asawa ay walang masasabi si Amy kundi napakaswerte nya. Walang araw na hindi sya inaasikaso at inaalagaan ng asawa nya, and about their cooking lesson?. Masasabi nyang medyo nag improve na ito dahil hindi nito nasunog ang niluto nitong pancake na kinain nila nung breakfast.

Wala nang mahihiling pa sa Amy sa sayang natatamo sa piling nang asawa. Kung gaano sya nito alagaan at pasayahin, hindi man nya rito naririnig ang salitang I love you ay nararamdaman naman nya mula sa mga pinapakita nito pero meron pa rin talagang kulang. Action is better than words, yeah right but action without a word can't be trusted. Hangga't walang salita hindi makakasigurado.

" Wife, ako maghahatid sayo sa trabaho mo" nakangiting turan ng asawa nyang kakatapos lang hugasan ang pinagkainan nila. Isang ngiti ang mabilis na gumuhit sa labi nya pagkatapos ay humawak sa matigas nitong braso.

" Gusto ko yang naiisip mo. Halika na" aniyang iwinakli lahat ng gumugulo sa isip.

Ang 1 month vacation nya na para sa honeymoon kuno ay naging 2 months dahil na rin sa ayaw pa syang payagang pumasok ng asawa nya, wala ring choice si Mayumi kundi ang pumayag and speaking of honeymoon vacation ay sa tingin nya naman ay  nagamit nya ng tama.

Nakagat nya ang ibabang labi nang maalala ang mga maiinit na gabi pati umagang pagtatalik nila ng asawa. Sa loob ng mahigit isang buwan ay hindi na nya maalala kung ilang ulit na ba silang nag-isa ng asawa.

Tahimik lang sila sa byahe at dahil sa mga naiisip na kahalayan ay hindi nya magawang lingunin si Weyn na abala sa pagmamaneho. Sandali syang hindi nakahinga nang maramdaman ang kamay nito na inabot ang kamay nyang nakapatong sa hita nya at pinagsiklop iyun.

" Hindi ka pa nakakaalis namimiss na agad kita" isang ngiti muli ang kumawala sa kanyanang sabihin nito iyun pagkatapos ay saka sya nagkaroon ng lakas na balingan ito ng tingin.

" Magkikita naman tayo mamaya pag uwi" pinisil nito ang kamay nya pagkatapos ay sandali syang tinignan at bumalik ulit ang tingin sa daan.

" Kahit na, namimiss pa rin kita. Mas mabuti sana kung sa kumpanya ko nalang kita ihahatid" tumirik ang mata nya sa sinabi nito pagkatapos ay mahina itong hinampas sa balikat.

" Ayusin mo pagmamaneho mo at ihatid mo na ako sa trabaho" nakangusong wala itong ibang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nya. Napapailing nalang syang bumaling sa pinto. Kahit naman sya, namimiss na nya agad ito.

Gusto pa sana syang ihatid hanggang sa office ng asawa nya buti na lang at may tumawag na rito. Kailangan na nitong pumunta sa trabaho dahil may mahalaga itong dapat gawin kaya heto sya kumakaway sa papalayong sasakyan ng asawa. Nang mawala sa paningin ang sasakyan ay bumuntong hininga sya saka nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng building. Napairap sya nang pumulupot sa braso nya ang malambot at maputing kamay ng kaibigan nyang si Mayumi. Ang aga-aga ay mambubwisit nanaman ito.

" Kumusta ang honeymoon?" Bungad nito na inaasahan na nya. Ngumiti sya't pinanggigilan ang malambot nitong pisngi.

" Okay na okay" sagot nya saka sya na ang humatak rito papunta sa opisina. Tumatawa lang ito atsaka paminsan minsan ay nanunukso. Tinatanong na rin sya nito kung gwapo ba ang asawa nya na proud naman nyang tinatanguan.

" Aahhh, gusto ko syang mameet" umirap ulit sya't pinagtulakan na ito papunta sa sarili nitong opisina, ang ingay pero namiss na nya ito. "Kwentuhan mo ako mamaya ah" nakangiti pa nitong sabi bago kumindat at tumalikod na. Natatawa syang naiiling na naupo na sa cubicle nya. Nasisense na nya ang mga makikichismis na katrabaho maya-maya lang at ilang minuto lang ang lumipas ay pinagkukumpulan na sya ng mga ito. Mga katrabaho nya nga naman.

Mabilis na umandar ang oras gaya ng nakasanayan at nagsisimula na syang magligpit ng gamit para makauwi na. "Hoy babae!" Halos mapatalon sya sa gulat nang marinig ang sigaw ng babaeng may matinis na boses. "Haha Gulat ka girl?" Natatawa pang pang-aasar ni Mayumi sa kanya kaya isang nakamamatay na tingin ang ibinigay nya rito. Umirap ito saka tumuwid ng tayo.

" Hindi ako makakachika sa honeymoon mo dahil may dinner ako with may korean boyfie." nakangiting anito bago sya talikuran. Natawa nalang sya sa isiping may bago nanaman itong boyfriend.

" Ang harot mo talaga!" Sigaw nya para marinig nito pero ang gaga ay kumaway lang sa kanya. Pinangatawan na talaga nito ang titulo bilang isang pinakamaharot na babae.

Nakagat nya ang ibabang labi nang maalala ang text sa kanya ng asawa, hindi sya nito masusundo kaya si Kiel ang susundo sa kanya. Bumuga sya ng marahas na hangin saka nagsimulang lumakad palabas ng opisina.

" Good Morning Madam" nginitian nya lang si Kiel saka sumakay na sa sasakyan. Hindi nya alam kung bakit mabigat ang loob nya habang iniisip na hindi si Weyn ang sumundo sa kanya. Alam naman nyang busy ito at naiintindihan nya ito pero may bahagi talaga sa puso nya na naiinis at nagtatampo rito.

" Madam, okay ka lang po ba?" Bumaling kay Kiel ang tingin nya nang magsalita ito pero walang salita ang lumabas sa bibig nya. Pumikit nalang sya't nagpalamon sa antok na kanina nya pa nararamdaman. Mas mabuting matulog kesa isipin ang nakakairita nyang asawa.

Hindi alam ni Amy kung ilang minuto syang nakatulog pero pagkagising nya ay nasa mansion na sila. Pagpasok pa lang nya sa mansion ay nagkusa ang mga paa nyang humakbang papunta sa kwarto nya dahil pakiramdam nya'y pagod na pagod sya.

" Ija, hindi ka ba kakain muna?" Pasigaw na tanong ni Manang Tilda dahil medyo nakakalayo na sya at nasa kalagitnaan na sya ng hagdan. Tinatamad na talaga sya pati magsalita pero kailangan nyang sumagot para matahimik na ang matanda.

" Hindi na po" tipid pero magalang nya pa ring sagot sa matanda.

" Ah ganun ba? Sayang naman yung niluto kong strawberry cake" nang marinig ang strawberry cake ay mabilis syang pumihit paharap sa matanda at mabibilis ang hakbang na bumaba ng hagdan. Nanunubig ang bagang nya marinig pa lang ang strawberry cake.

" Nagugutom po pala ako" aniyang sya na ang humila sa matanda. Natatawa ang matandang nagpatangay sa kanya pagkatapos ay nagtungo ito sa kusina. Naamoy nya ang mabangong amoy ng strawberry cake na bagong luto, gustong gusto na nyang kumain. "Manang, bilis po" hindi makapaghintay na sabi nya na tinawanan lang ng matanda.

" Hindi ko alam na mahilig ka pala riyan, Ija" malapad ang ngiting sabi ng matanda habang pinapanood syang maganang kumakain. Ngumiti lang sya habang nginunguya ang napakasarap na strawberry cake. Ang lasa nito ay para bang nilikha para sa dila nya, saktong-sakto ang lasa at mas lalo iyung sumasarap sa tuwing nginunguya nya sa bibig. Sa tingin nya ay kaya nyang ubusin ang isang buong round cake na ginawa ni Manang Tilda. Ito lang ang kakainin nya ay tiyak na buo na ang araw nya. Napakasarap talaga.

" Okay na po, busog na ako" nakangiti nyang anunsyo sa matandang laglag ang pangang nakatingin sa kanya. Hindi ito makapaniwala sa hindi nya maintindihang dahilan. "Manang?" Naguguluhang tanong nya rito pero umiling ito saka sa lagayan ng cake na wala nang laman naman nabaling ang tingin nito.

" Ija, naubos mo talaga yan?" Kumunot ang noo nya sa tanong ng matanda. Kung hindi sya ay sino ang umubos. Umiling nalang sya't nginitian ang wirdong matanda, kakaiba ito ngayon. Hinihimas nya ang tyan na naupo sa couch saka inaantok na isinandal ang likod sa back rest. Ngayon naman ay inaantok nanaman sya, kailan kaya darating ang asawa nya?.

Kumunot ang noo ni Amy nang magising at makita ang oras na alas dose na ng madaling araw, wala pa rin ba ang asawa nya dahil nasa sofa pa rin sya?. Umakyat sa ulo nya ang lahat ng dugo nya nang isiping baka dumating na ito at hindi manlang sya ginising. Mabibilis ang hakbang na tinungo nya ang kwarto nitong tinutulugan nya na rin pero wala ruon ang asawa nya. Hindi pa ba ito umuuwi? Napaka busy naman nito? Argh! Nakakainis!. Mabibigat ang hakbang na pumasok sya sa kwarto at mainit ang dugong natulog ulit, mabuti nalang at madali syang nakatulog ulit.

Billionaire Series#01: Accidental Marriage Husband Where stories live. Discover now