ITOCY 10

4.1K 87 0
                                    

Flashback

Naglalakad sa loob ng village ang batang si Hannahria habang papauwi ng bahay nila ng may makita siyang batang lalaki na pagtawid ng kalsada. May sasakyang malakas ang takbo sa hindi kalayuan at masasagasaan nito ang lalaki kung hindi ito aalis kaagad. Nanlalaki ang mga matang tumakbo si Hannah papunta sa bata at hinatak ito papalayo sa daan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya

Isang ngiti lang ang sinukli ng lalaki bago siya niyakap ng mahigpit. "Thanks, I'm Alecxander Joshua Anderson. You what's your name?"

Inilahad ng batang si Alec ang kamay nito na malugod namang tinanggap ni Hannah. "I'm Hannahria Crystalline Carson."

"Nice to meet you Hannah."

Nakangiti niya lang itong tinanguan, inalok ni Alec si Hannah na ihahatid ito sa bahay nila, ilang beses na siyang tumanggi ngunit napapayag din siya ni Alec kinalaunan. Nagkukwentuhan lang silang dalawa hanggang sa makarating sila sa bahay nila Hannah na katabi lang rin pala ng bahay nila Alec.

"Hannah! Anong nangyari? Ba't ngayon ka lang nakauwi? It's nearly five young lady!" Salubong sa kanya ng kanyang kuya Sanril.

"And who's fault is that? Who told you to leave me to clean your classroom, huh? Don't talk to me." Humalukipkip si Hannah at sinamaan ng tingin ang kapatid.

Tatlong taon ang agwat nila sa isa't-isa. Nasa grade 4 na si Sanril samantalang nag-uumpisa palang sa grade 1 si Hannah. Tatlong taong gulang rin naman noon si Avrila, na palaging naiiwan sa bahay kasama si nanay Linda.

"Sino naman yang lalaking kasama mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Si Alec nga pala, bagong lipat sa kabilang bahay. Alec ang kuya kong tamad, si kuya Sanril." Walang pakialam niyang sabi bago nagpaalam sa dalawa na naiwan sa gate ng bahay nila.

Pagkatapos umalis ni Hannah ay pinandilatan ni Sanril si Alec na agad tumakbo pauwi ng bahay nila.

Mula ng araw na iyon ay naging magkaibigan sila Hannah at Alec. Magkasundo ang pamilya nilang dalawa kaya palagi silang magkasama, close ang mga kapatid nila sa isa't-isa kaya hindi sila nagkakailangan sa tuwing bumibisita sila sa kapit bahay.

Grade 6 na si Hannah ng magkaayaan silang magkakaibigan na pumunta sa isang man made lake sa club kung saan naglalaro ng golf ang kanilang mga ama. Kasama nila si Venus at Gio na kakauwi lang mula America para sa bakasyon habang naglilibot. Sa araw ding iyon nangyari ang aksidenteng nagpalayo ng loob ni Alec kay Hannah.

Their family members concealed the truth due to Hannah's request. She didn't want Alec to hate Venus, even though it's just an accident, Hannah had to be hospitalized for a week. Venus used this chance to turn the events and pretend that she saved Alec from drowning.

Since that day Alec treated Hannah coldly, he is not the same Alec as he is before, their relationship change drastically in just a week. Even Avrila is confused of what's happening with her older sister. Isa rin yun sa dahilan kung bakit naging matigas ang ulo ng pinaka-bunsong kapatid nila Hannah.

Walong taong gulang palang noon si Avrila pero nahahalata na niya ang tinginan ng dalawa. It's normal for her to know such things because of Sanril. Pero ng ma-ospital si Hannah at sinigawan ni Alec dahil sa maling akala nito ay mas lalong naging observant si Avrila hanggang sa malaman niya ang buong katotohanan.

"Kuya!" Avrila squeaked.

Napapakamot ng ulong binalingan siya ni Sanril na kausap si Gio sa telepono.

"Ano na naman, Avi?"

"Si ate ba uuwi? Mula ng malaman niyang sila na ni Venus at kuya Alec, bihira nalang siyang umuwi dito." Nakanguso niyang sabi habang nakayuko. "Can you call her and tell her to go home?"

Hannah is at tenth grade that time when she stop going home. Mas pinipili niyang magstay sa dorm nila Meryl at umiyak maghapon. Years passed and Hannah recovered from the heart ache, umuuwi na siya sa bahay nila at nakikipag-usap sa mga magulang ni Alec. Until the day when their parents announced that they have to marry each other.

Sobrang saya ni Hannah ng mga panahon na yun, pero ang kapalit naman nito ay ang paghihirap niya. Mula ng ikasal sila ni Alec ay palagi nalang siyang may pasa. Kapag umuwi naman si Alec na lasing ay may naririnig si nanay Linda na mahihinang hikbi sa kwarto niya. Tatlong oras lang ang tulog ng dalaga at maagang magigising para ipagluto ang asawa.

Mula ng ikasal ang dalawa ay hindi nila narinig na nagreklamo si Hannah, ayon pa nga kay nanay Linda ay palagi itong nakangiti. Kahit ang mga kapatid niya ay pinapagalitan siya sa pagiging martyr niya. Pinauwi ni Sanril ang kakambal niya para bantayan ang kapatid, alam nilang matigas ang ulo ni Hannah at hindi sila nito susundin kahit ano ang sabihin nila. Kaya sila na ang gumawa ng paraan.

Parang katulad lang ng daddy nila, kahit anong sabi nilang kung ano-ano tungkol sa mommy nila hindi parin nito binibitiwan ang asawa, kahit na makailang ulit na siya nitong niloko hindi parin hihiwalayan ng daddy nila ang mommy nila. Hannah is like their father, stubborn and had her own resolve for such situation. May isang paniniwala rin ang kapatid nila na kahit kailan ay hindi nila mababago, kahit bata pa sila ay yun na ang sinasabi nito sa kanila. 'Marriage is Sacred'.

Their marriage last for two years until Hannah became tired of chasing over him. Unti-unting tinigilan ni Hannah ang mga karaniwang ginagawa niya, hanggang sa umabot na sa puntong tinanong niya ang asawa ng tungkol sa hiwalayan.

"Alec, paano kung ayaw ko nang maging asawa mo. Pagbibigyan mo ba ako kung gusto kong makipaghiwalay sayo?" Nakangiting tanong niya.

"Bakit naman hindi, kung yun ang gusto mo. Hindi kita pipigilan." Pagsasawalang bahala ng asawa niya.

Nang gabing iyon ay nakatulugan lang ni Hannah ang pag-iyak hanggang sa nagdesisyon siyang tawagan ang abogado nila para sa annulment nila ni Alec.

I'm Tired of Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon