ITOCY 2

5.6K 143 0
                                    

Alec's POV

Pasado alas syete na ako nakauwi ng bahay. Nakakapagtaka, bakit nakapatay ang ilaw ng bahay? Hindi naman ako sinusunod ni Hannah at hinihintay parin ang pag-uwi ko. May nangyari kaya?

Kinakabahan man ay tinungo ko ang pintuan at tahimik itong binuksan. Nakapatay ang ilaw sa sala maliban nalang sa kusina. Wala ba talagang tao dito! Saan naman nagpunta ang babaeng yun?

"Nay Linda?" Wala akong narinig na sagot. Umuwi ba sila ni nanay sa bahay ng mga Carson? Hindi pwede, imposibleng mangyari yun.

Pinuntahan ko ang kwarto ng matanda at naabutan itong mahimbing na natutulog. Tulog na rin kaya si Hannah? Nasanay siguro akong siya ang unang naaabutan pagkagaling sa trabaho kaya ko siya naiisip.

Nagugutom na ako, nag-iwan naman siguro siya ng pagkain sa kusina. Nakaugalian na ni Hannah ang mag-iwan ng pagkain sa kusina kahit na sinabi kong hindi ako uuwi kaya imposibleng walang nakahain na pagkain doon.

Pakanta-kanta akong naglakad papuntang kusina pero walang pagkain sa mesa. Tiningnan ko ang ref at ang mga pinagtataguan niya ng pagkain pero wala akong nakitang pagkain maliban sa instant noodles na palagi kong kinakain.  Nakalimutan ba niya akong lutuan? Nasaan ba si Hannah?

Hindi na ako nag Abalang kumain at agad na dumeretso sa ikalawang palapag ng bahay namin. Katok ako ng katok sa pinto ng kwarto niya pero walang sumasagot, ilang sandali pa dumating si nanay Linda na bagong gising.

"Nakauwi ka na pala hijo, kumain ka na ba?" Nakangiting tanong nito.

"Hindi pa po, ang asawa ko po nay, si Hannah po nasaan?"

"Hindi ba nagpaalam sayo ang batang yun? Mauuna na daw siya sa campus. Umalis siya kaninang hapon. Halika na at kumain para makapagpahinga ka ng maaga."

"May importante daw po ba siyang lakad kaya siya nauna, siya kasi ang palaging nagpupumilit na sabay kaming pumasok."

"Ang sabi ng asawa mo hindi ka daw uuwi ngayon, ewan ko hindi ko rin maintindihan ang batang yun."

Hindi naman ganito si Hannah, kahit anong pagtutulakan ang gawin ko sa kanya, hindi naman yun umaalis sa tabi ko eh. Hindi ko alam kung anong nangyayari, mas lalo akong naguluhan.

Bumalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin tatlong araw na ang nakakaraan. Hindi ko sineryoso ang sinabi niya ng umagang yun. Pero ramdam ko ang pagbabago niya nitong mga nakaraang araw.

"Alec, paano kung ayaw ko nang maging asawa mo. Pagbibigyan mo ba ako kung gusto kong makipaghiwalay sayo?" Nakangiting tanong niya.

"Bakit naman hindi, kung yun ang gusto mo. Hindi kita pipigilan." Pagsasawalang bahala ko

Anong ibig sabihin ng mga sinabi ni Hannah? Bakit ba ngayon ko lang napagtanto na seryoso siya! Anong nagawa ko!

"Nay Linda, pumasok ba si Hannah sa kwarto ko?"

"Inayos na niya ang mga maleta mo. Sigurado akong nasa loob na ng lalagyan ang mga gamit mo."

Patakbo kong pinuntahan ang kwarto ko at nakitang nakaayos na nga ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kahit kailan hindi ko naisip na isang araw ay iiwan ako ng asawa ko. Hindi pa naman niya ako hinihiwalayan. Pero pakiramdam ko doon na papunta ang sitwasyon ko.

Maaga pa akong nakarating sa dorm namin dito sa loob ng campus. Wala pa masyadong tao dito dahil may tatlong araw pa bago ang pasukan. Papunta na sana ako sa dorm namin nila Hannah ng may marinig akong tumatawag ng pangalan ko.

"Alec!"

Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

"Jacob, anong ginagawa mo dito?"

"Pare, break na pala kayo ni Hannah, eh. Hindi mo man lang pinaalam!" Nagtatampong sabi nito.

Ha? Ano? Break? Paano naman kami magbe-break kung kasal kaming dalawa! Ano ba ang nangyayari?

"Pinagsasabi mo dyan? Alam mong kasal kaming dalawa."

"Seryoso, pare di mo alam ang kumakalat na chismis sa school forum? Agaw pansin ang misis mo kahapon. Ang sexy ng suot niyang damit, nagulat nga ako ng makita siya dito ng wala ka."

"Nasaan na si Hannah ngayon?"

"Nasa loob ng banyo sa dorm room, pinipigilan ni Meryl na lumabas."

Hinayaan kong si Jacob nalang ang magdala ng mga bagahe ko at patakbong tinungo ang dorm naming apat. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong narinig ang palitan nila ng sigaw. Kinakalampag ng asawa ko ang pinto ng banyo habang nakaupo naman sa mesa si Meryl na nakaharap sa naka-lock na pinto.

"Meryl! Ano ba palabasin mo ako dito!"

"Hindi ka pwedeng lumabas ng ganyan ang suot mong babae ka! May asawa ka nang tao, ano ba ang ginagawa mo?"

"Palabasin mo na ako dito, Meryl… palabasin mo ako dito."

"Umayos ka nga Hannah, hindi kita papalabasin diyan hanggang hindi dumadating ang albularyo. Hindi ikaw ang espiritu ng kaibigan ko."

"Tigilan mo na nga ang kalokohan mo! Meryl, palabasin mo na ako dito. Paano ka ba natitiis ng asawa mo?"

"Ikaw paano mo natitiis si Alec?"

"Kung ang amo ko nag tinutukoy mo, syempre dahil may sweldo. Ngayon palabasin mo na ako dito."

Napapailing na kinatok ni Meryl ang pinto.

"Alam mo Hannah, kung hindi lang talaga kita pinsan. Hahayaan kitang maglakad sa hallway ng campus ng ganyan ang suot. Hintayin mong dumating si Alec. Hindi ka makakalabas hanggang hindi dumadating ang asawa mo"

Nakarinig siya ng pagkabasag mula sa loob ng banyo at patakbong pinuntahan ito. Bukas na ang pinto at nakita niyang tinaasan sila ng kilay ni Hannah bago dumeretso sa kwarto nila.

"Hannah, bakit ganyan ang suot mo?"

Kimi lang siyang ngumiti bago ako nilagpasan.

"School uniform natin to Alec."

I'm Tired of Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon