ITOCY 8

3.9K 109 7
                                    

Alec's POV

Nagising ako dahil sa araw na nagmumula sa bintana. Umpisa ng klase ngayon, ano kaya ang nilulutong pagkain ni Hannah? Hindi ko mapigilang isipin ang mga pagkaing nakahain sa mesa, saktong pagtunog ng tiyan ko ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin. Agad akong nag angat ng tingin expecting to see my wife early in the morning when I saw my girlfriend's smiling face.

"Venus?"  Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hi babe, breakfast is ready. Tara kain na tayo." She give me a chaste kiss before exiting the door of my room.

Naguguluhan man ay pinilit kong tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang nakabusangot na mukha ng mag-asawang Ibañez habang nakatingin sa pagkaing nakahain sa lamesa.

"Good morning Meryl, Jacob." Nakangiti kong bati sa kanila.

Tiningnan lang ako sandali ni Meryl bago tahimik na lumabas ng dorm daladala ang mga gamit niya.

"Jacob, anong nangyari? Day of the month na ba niya?"

"Hindi mo na kailangan mag maang-maangan pa, Alec. Your beloved girlfriend took care about your wife issue already, expect the your divorce letter to arrive anytime soon." Tinapik nito ang balikat ko at walang imik na tinungo ang pinto.

Ano ba ang nangyari kagabi? All I could remember is... Oh, no. Anong pinagsasabi ni Jacob na inasikaso na ni Venus ang lahat? Wala ba silang gagawin? Nawawala parin ang asawa ko pero hindi na nila ito hinahanap. Dapat na ba akong magtaka?

"Babe, let's eat na. Nasaan na sila Meryl?" Tanong ni Venus na kalalabas palang ng kusina.

"Babe, I'm sorry. I have to go, hindi muna ako papasok ngayon, eh. See you in three days?" Ngingitian ko ito at hinalikan sa gilid ng labi bago pumasok ulit ng kwarto.

Nahanap na ba nila si Hannah? Saan ba kasi nagpupunta ang babaeng yun.

Nakarating ako sa mansion ng mga magulang ko ngunit ganoon nalang ang pagtataka ko ng makita ko ang kotse ng abogado ng daddy ni Hannah. Pagkapasok ko ng bahay ay agad na sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng mga magulang ko.

"I have to go Mr. And Mrs. Anderson, I hope you can complete the documents ASAP. My client are in a comma so her siblings are going to be her representative in court. Have a nice day." Sabi ni Attorney Velasco.

Tinanguan lang ako ng matandang abogado bago umalis ng bahay. Nagtatakang linapitan ko sila mommy. Namumula ang mukha ni daddy, halatang nagpipigil ng galit samantalang wala namang emosyon ang mukha ni mommy.

"Dad? Mom? What happened?"

Tinapon ni mommy ang brown envelope sa coffee table bago walang imik na pumanhik paitaas. Nakasalubong pa nito si Karisha na pababa sa hagdanan. May sinabi ito sa kapatid ko bago ito umalis ng bahay.

"Read the files, Alec. Baka sakaling matauhan ka kapag binasa mo ang laman ng envelope na yan." Malamig na sabi ni daddy.

Kinakabahan kong inabot ang file at nanginginig ang mga kamay na binuksan ito. "Divorce letter? Dad ano 'to?" Hindi makapaniwalang napatingin ako kay daddy.

Hindi! Hindi pwedeng mangyari 'to. Akala ko ba importante sa kanya ang kasal, bakit gusto niya akong hiwalayan ngayon! Ano ba ang pumasok sa utak ng babaeng yun. This is not her, this is not the Hannah I grow up with.

"Dad? Hindi 'to nangyayari di ba?" Nagbabadyang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Face the truth, son. Ito ang consequence sa lahat ng mga desisyon mo. Just let Hannah go, she deserves a better person."

"Nasaan ang asawa ko, dad? Saan nagpunta ang asawa ko?"

My father sigh sadly, eyes full of sorrow and disappointment. "I guess you still didn't know what happened to her. Hindi ko naman masisisi ang daddy at mga kapatid ni Hannah, kung ako rin ang nasa posisyon nila mas pipiliin kong hindi sabihin sayo ang katotohanan."

"Damn, sabihin mo na dad. Nasaan ang asawa ko?" Galit na galit na sigaw ko.

"Hannah is in the state of coma right now. Hindi namin alam kung kailan siya magigising. Papunta doon ang kapatid mo ngayon."

Patakbo kong tinungo ang pinto ng mansion ngunit agad akong hinawakan ni daddy sa dalawang kamay.

"Dad, bitawan ninyo ako! Kailangan kong puntahan si Hannah!" Sigaw ko habang pilit kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin.

"Your not going anywhere, Alec. Hannah doesn't need you. You don't deserve her. The past two years is enough for you to let her go." Sabi ni mommy habang dala-dala ang mga gamit ni Hannah pababa ng second floor.

"No! Hindi. Mahal ako ni Hannah, hindi niya ako kayang iwan. Bitawan ninyo ako… bitawan ninyo ako. Pupuntahan ko si Hannah, bitiwan niyo ako."

Nasuntok ko na si daddy pati na rin ang driver at mga bodyguards namin habang pinipigilan nila akong umalis. Kahit anong gawin nila hindi ko pipermahan ang divorce agreement. Hindi ako papayag na maghiwalay kami ng asawa ko. Natigil lang ako sa pagwawala ng sinalubong ako ng sampal ni mommy.

"Ano ba Alecxander! Hindi pa ba sapat ang pagpapamukha, pangre-rape, pang-aalipusta at pananakit mo sa kanya? Hannah suffered enough." Umiiyak na si mommy habang pinagsusuntok ang dibdib ko.

"Alam mo ba kung ano ang pinaggagagawa mo sa kanya kapag nakauwi ka ng lasing? Ramdam mo ba ang sakit na dinaranas niya habang iniinsulto mo siya kahit na inaalagaan ka niya. Even I can't take it anymore. Mag pasalamat ka at nagtagal pa ang pagsasama ninyo ng dalawang taon."

I'm completely speechless. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Inutusan nila mommy ang mga bodyguards na dalhin ako sa kwarto at wag hayaang lumabas hanggang hindi pa ako kumakalma.

I'm Tired of Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon