ITOCY 7

4K 108 0
                                    

Giovanni's POV

Malapit na akong mahuli ng mga lalaking nakabantay sa pinto kung saan nila ikinulong si Hannah. Hindi ko alam kung makakaya ko pang tawaging mommy ang babaeng nagluwal sa amin sa mundong ito matapos ng ginawa niya sa kapatid ko. Sa pagkakatanda ko, kahit kailan ay hindi namin naranasang alagaan niya.

"Ang ganda ng anak ni ma'am ano, bakit kaya niya pinadukot?"

"Tandaan mo ang sinabi ni ma'am Janina, kapag daw ginalaw natin yung babae, tapos na ang buhay nating lahat."

Rinig kong usapan nila. Gusto ko silang sugurin at patumbahin habang hindi pa sila tinatakasang ng ulirat, but I know better than anyone that my sister's life is on the most risk here.

"Meryl, nasaan na kayong dalawa? I can't stand seeing Hannah in this room right now." Naiirita kong tanong habang hawak-hawak ang earpiece ko.

"Chill kuya, hindi kami kagaya mo na nag-training muna bago bumalik ng Pilipinas." she said with sarcasm.

"Medyo matatagalan lang kami ni Jacob dito sa daraanan natin paalis."

Wala akong ibang nagawa kundi ang bantayan at pag-aralan ang kilos at pwesto ng mga kalaban hanggang makarating dito ang bungangera kong pinsan. Napangisi ako ng makita kong nag-uumpisa na silang mag-pustahan, kung sinuswerte ka nga naman, o. Habang abala ang mga bantay ay tahimik at maingat akong pumuslit papasok ng maliit na kwarto. Napangiti ako ng tuluyan na akong nakapasok, ngunit agad din itong napalitan ng pagkagulat ng makita ko ang sitwasyon ng aking kapatid.

"Hannah..."

Halos hindi na ako makahinga, nakagapos si Hannah sa isang kadena habang walang awang pinapalo ng latigo at baseball bat. Halos hindi ko na makilala ang mukha ng kapatid ko. Our mother is staring at her with guilt in her eyes, nakita ko pa ang pagngiti ni Hannah kay mommy before she mouthed a silent I love you, mom.

Nilingon ko ang pintuan at nakita ang gulat na mukha nila Meryl at Jacob. Huli na ng makita kami ni mommy, nakalapit na ako sa walang malay kong kapatid habang tumakbo palabas ng abandonadong warehouse si Venus hila-hila ang kamay ni mommy. Hinabol sila nila Meryl at Jacob ngunit wala silang naabutan.

"Hannah... Hannah, gumising ka na! Please, wag naman ganito, oh. Alam mo ba na uuwi na si Avrila dito? Princess, wake up."

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang kapatid ko. Takot na takot ako ng mga sandaling yun.

"K- uya G- Gio. B-banta-tayan mo s-si Avi... M-mahal na ma-hal ko k-kayo." She breathlessly said before losing consciousness.

"Em, ang kotse. Dalhin natin siya sa pinakamalapit na ospital. Em, bilis."

My mind is blank, hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kapatid ko ang sinabi ng doktor saamin kanina pagkatapos lumabas ng ICU. Isang araw na ang nakalipas at hindi man lang dumalaw ang walanghiyang Alec na yun. Kahit naman pumunta siya ng ospital ay hindi ko siya hahayaang makalapit sa kapatid ko. Bakit ko nga ba siya hinayaang pumasok sa buhay ng kapatid ko?

"Kuya Gio, si Ate Hannah?"

Hindi ko alam kung makakapagsalita pa ako ng maayos kaya itinuro ko nalang sa kanya ang ICU room. Nakita kong napasalampak ng upo si Avrila sa sahig. Mula ng ipasok sa loob ng kwartong iyon ang kapatid ko ay hindi ko pa nagagawang silipin siya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag makita ko ang mga benda at tubong nakakabit sa katawan niya.

"Kuya?" Rinig na rinig ko ang nanginginig na boses ni Avrila habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya.

Nang malaman niyang nasa ospital si Hannah ay walang pagdalawang isip na umuwi dito si Avrila. Mabuti nalang at wala pa silang pasok dahil kalagitnaan ng winter break nila.

"Avi, magiging maayos din ang lagay ni Hannah okay? Fighter ang ate mo. Hindi siya mawawala sa tabi mo hanggang kailangan mo siya."

"Kagaya noong mga bata pa tayo?"Inosente niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa sintido. Avrila is hard-headed, pero pagdating kay Hannah ay para itong inosenteng bata. Hannah is the most precious possession of our family, siya lang ang may lakas ng loob at determinasyon na kalabanin at sawayin si daddy pati na rin kaming mga kuya niya.

Hannah can always find our vulnerable spot that makes us emotionally dependent on her, hindi namin alam kung ano ang takbo ng buhay namin ngayon kung wala ang palangiti at responsable naming kapatid.

"Dito na ako mag-aaral sa susunod na pasukan." Sabi ni Avrila na sinuklian ko lang ng isang malungkot na ngiti.

Ayaw niyang malayo kay Hannah. Kita ko sa mga mata na nakakabata kong kapatid ang takot at galit. Hannah always adore and priorities Avi more than anything.

"I'll just enroll you in for the next week's classes. Doon ka na muna sa dorm ng ate Mich mo. Ako na muna ang bahalang magbantay kay Hannah."

"Ayaw ko, I want to stay with ate. Your the one who need rest, ate Hannah might be in a coma right now but you still had to take care of yourself."

Sasagot pa sana ako when she look at me sternly. Mapait akong napangiti at walang nagawa kundi ang bumalik ng campus. Alam niyang hindi ako makakatanggi lalo na at tama naman ang pinagsasabi niya.

"Magbibihis lang ako, babalik rin ako mamayang hapon."

Humalukipkip ito at tinaasan ako ng kilay. "Hindi ka babalik, uuwi ka ng dorm at magpapahinga. Isusumbong kita kay ate kapag nagising na siya."

Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Hannah's Stern and angry face is much worse than having a hand on hand combat with this brat. I can't handle her anger when that time comes.

I'm Tired of Chasing youNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ