ITOCY 6

4.5K 104 2
                                    

Giovanni's POV

I felt so useless. Nawawala ngayon si Hannah at hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Nag-aalala na ako para sa kapatid ko, kung pwede ko lang sanang gawing punching bag ang katawan at pagmumukha ng pesteng asawa niya ay ginawa ko na. Akala mo si Hannah ang gumagawa ng katarantaduhan kahit siya naman ang nagloloko sa kanilang dalawa.

"Giovanni, kumalma ka nga!" Sigaw ng kakambal ko mula sa nakabukas na laptop. Nag videoconference kaming tatlo ng makarating sa kanila ang balita na nawawala si Hannah.

"Alam niyo na ba kung sino ang dumukot kay Hannah?"

"Si Alec naman ang punterya nun. Malamang ang baliw na anak ni mommy sa labas ang may kasalanan."

Inirapan lang kaming dalawa ni Avrila bago nakabusangot na nagsalita. "Don't call that woman our mother. Hindi nga niya tayo inalagaan, paano natin siya naging mommy? Besides, she just wants dad's wealth and a good fuck."

"Mind your words young lady." Sanril reprimanded her.

Inaamin kong sa aming apat ako ang pinaka lapitin ng gulo samantalang ang nakababata naming kapatid ay parang laki sa kanto. Ako ang mahilig makipag suntukan, si Sanril ang gastador, si Avrila ang pinakamasungit at ma-attitude, samantalang si Hannah ang pinaka responsable at mabait.

Namana yata naming tatlo nila Sanril at Avrila ang ugali ng ina namin habang ibinigay ng buo kay Hannah ang ugaling meron si dad. Kaya nga nagpa-pakatanga yan sa asawa niya, eh.

"Totoo naman di ba? Ipagpapalit ba niya si daddy sa ibang mga lalaki kung hindi lang sex ang habol niya?"

"She's still our mother!"

Napahilot nalang ako ng aking sintido. Kahit kailan hindi talaga kami nagkakasundo kapag ang problema na ng pamilya namin ang pag-uusapan. Except for my father and siblings. I don't consider others to be part of our family.

"Paano natin mahahanap si ate Hannah, kuya Gio? And please, once na makuha mo na si ate. Immediately file an annulment, better yet a divorce letter. Anderson doesn't deserve my sister."

Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ako sa tono ng pananalita ni Avrila. Pero alam kong tama siya. Hindi ko na hahayaang bumalik pa ang kapatid ko sa puder ng lalaking yun.

"Let's focus on finding her first."

As if on cue pabalyang bumukas ang pinto ng student council office at humahangos na pumasok si Mich. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Na-trace na ng mga hacker ang plate number ng kotseng ginamit sa pagdukot kay Hannah. Sangkot ang mommy ninyo dito, huling nakita ang kotse papalabas ng Edsa toll plaza."

"That bitch, humanda siya pag nakita ko siya!" Mariing sigaw ni Avrila bago pabalang na pinatay ang camera.

"Kuya, I have to go. Babalitaan ko nalang kayo sa lagay ni Hannah."

"Please, siguraduhin mong ligtas si Hannah."

Tanging tango lang ang naisagot ko bago patakbong umalis at tinungo ang parking lot. Papalapit na ako doon ng makasalubong ko si Meryl at Jacob na nakasuot ng battle armor. Mukhang mas malala pa 'to sa inaakala ko.

Meryl's POV

Sinigurado namin ni Jacob na tulog na si Alec habang papalabas kami ng dorm. Hindi namin siya maaasahan ngayon, lalo na at wala siyang pakialam sa pinsan ko. Lahat ng inaakala niyang utang na loob niya sa girlfriend niya ay dapat niyang ipagpasalamat sa asawa niya.

"Em, you okay. Nanginginig ang kamay mo. Nilalamig ka ba?" Nag-aalalang tanong ng asawa ko.

"Gusto ko talagang sakalin ang kaibigan mo, bakit ba ang manhid at bulag ng isang yan!"

"Sa susunod na natin intindihin si Alec, kailangan natin ngayong hanapin ang pinsan mo. Speaking of pinsan, bakit nga ba hindi parin umaalis ng university si Gio. Ang alam ko matagal na siyang graduate."

"Bantay ni Hannah." Simpleng sagot ko at nauna nang pumunta ng parking lot. Hindi rin naman kami naghintay ng matagal dahil nakahanda ng umalis si kuya Gio.

Iniwan namin ang student council sa pangangalaga ni Mich bilang sekretarya nila. Sinabihan din namin ang lahat ng myembro na wag ipagkakalat ang balita na dinukot si Hannah. Alerto ang mga miyembro sa pagbabantay sa CCTV at gate ng campus.

Nagdadrive si Jacob habang binubuo namin ni kuya Gio ang plano. Iilan lang ang nakakaalam na kapatid ni Hannah si Gio, isa sa mga walang alam ay ang mismong asawa ni Hannah.

"Anong balak ninyo pagkatapos nating makuha si Hannah?" Tanong ko habang seryosong nakatitig sa kulay berde niyang mga mata.

"Inaasikaso na ni Avrila ang divorce papers nila Hannah, pirma nalang ni Alec ang kulang. Plano kong ilayo ang kapatid ko sa lugar na ito sa lalong madaling panahon."

Alam kong labag sa loob ni Hannah ang pakikipaghiwalay lalo na at napakaimportante ng kasal para sa kanya. Pero kailangan ko siyang kontrahin at piliin ang sitwasyong mas makakabuti para sa kanya.

Sana lang maayos ang lagay ni Hannah ngayon. Alam kong walang alam sa mga nangyayari dito ang daddy nila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-alala.

"Guys, we finally reached our destination."

Isang abandonadong warehouse sa Batangas ang nasa harapan namin ngayon. Naunang pumasok si kuya Gio sa loob habang maingat na pinagmamasdan ang paligid.

"Jacob, ang bonet at ang tranquilizer ihanda mo na." Utos ko na agad rin naman niyang sinunod. "Position Ibañez, papasok na tayo in 3…2…1."

Dahan-dahan kaming naglakad papasok. Alertong nakatingin si Jacob sa paligid habang diretso lang akong naglalakad mula papunta sa pinakaloob ng warehouse. Natutulog na ang lahat ng mga tauhan ni Venus at tita Janina ng pumasok kami.

"Wala ka paring kupas magtrabaho kuya." Bulong ko habang papalapit kami sa dalawang pintuan na hindi pa namin napapasukan.

"Em, sa tingin mo ligtas na si Hannah?" Mahinang bulong nito na ikinangisi ko.

"Hindi madaling talunin si tita Janina, Jacob. Kung sa palagay mo tapos na ang laban. Doon ka nagkakamali."

Saktong pagbukas ko ng dalawang pinto ay pinaulanan kami ng bala. Agad kong kinasa ang tranquilizer at pasimpleng tinamaan ang leeg ng bawat isa sa kanila.

I'm Tired of Chasing youWhere stories live. Discover now