ITOCY 3

5K 132 0
                                    

Hannah's POV
Flashback

2 years ago

"Alec, sabay na tayong pumunta ng campus. Mas makakatipid pa tayo ng gas at hindi na madadagdagan ang polusyon sa hangin." sabi ko sa asawa ko syempre palusot ko lang yun para makasama ko siya ng matagal.

Pumayag naman siya, gusto ko sana siyang yakapin pero naalala ko na ayaw pala niyang ginagawa ko yun. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako naman ay sumasabay sa mga kanta sa radyo.

Araw-araw ako at ang pinsan kong si Meryl ang nagluluto ng breakfast, pareho kaming dalawa na may asawa. Na-una ngalang silang nagpakasal ni Jacob. Alam kong arrange marriage din ang sitwasyon nila, pero hindi sila umabot sa puntong inaalipusta at binabalewala na ng lalaki si Meryl. Ang sweet-sweet nga nila sa isa't-isa.

"Alec, pupunta muna ako sa dorm ng mga kaibigan ko ha, babalik din ako kaagad."

"Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa akin Hannah, wala akong pakelam sayo, decoration ka lang sa buhay ko, kahit di ka na bumalik makakahanap parin ako ng bago." Baliwala niyang sabi.

Tatlong buwan palang kaming kasal pero unti-unti ko na siyang natutunang mahalin, parang tinataga ang puso ko habang paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi niya, pinipigilan ko ang umiyak habang papalabas ako ng dorm namin. Ang totoo hindi naman talaga ako pupunta sa dorm ng mga kaibigan ko, nagtatago ako sa likod ng dorm ni Venus at pinanonood sila habang pinaliligaya nila ang isa't-isa.

Hindi ko naman magawang umangal at magreklamo dahil asawa lang naman niya ako sa papel, ako lang naman ang pinakasalan pero hindi ang babaeng minamahal niya. Ano nga naman ang laban ko sa pinsan kong yun, maganda siya, matalino tapos habulin pa ng mga lalaki. Sino nga naman ba ako para ikumpara sa kanya.

End of flashback

Palaging ganito ang routine namin sa loob ng dalawang taon, pinagsisilbihan ko siya, sinasamahan sa mga business parties na dinadaluhan niya, binibigay ko ang pangangailangan niya. Pero hindi pa ako sapat para sa kanya.

Hindi ako nagsusuot ng maiikling damit dahil nga may asawa na ako, kahit ang uniform ko nga ay pina-paresan ko ng mahabang medyas. Pero pakiramdam ko parang hangin lang ako sa paligid niya. I'm tired of always chasing him, hindi ko naman sinasabing mahalin niya ako pabalik. Pero sana naman respetuhin niya naman ako bilang tao, nasasaktan rin naman ako, eh.

Gusto ko munang baguhin ang sarili ko, i-enjoy ulit ang buhay dalaga at wag alalahanin ang nararamdaman ng iba. Pagod na akong mahalin at intindihin siya. Panahon na siguro na sarili ko na naman ang mahalin ko.

"Hannah, sama ka samin mamaya girl." Sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"Bakit, saan ba lakad ninyo?"

"May 50% sale sa kalapit na mall ng campus, pupunta kami doon mamaya. Imbitahin mo na rin pala si Mich."

"Sige magkita nalang tayo sa gate ng mga 11 mamayang tanghali?"

"Sige, sama ka na ha!"

Tumango lang ako at tumakbo papuntang library para hanapin ang bestfriend kong si Michiko. Ang kambal na kapatid ni Jacob na kaibigan ng asawa ko at lalaking pinakamamahal ng pinsan ko.

"Mich!" Mahinang tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

"Shopping tayo!"

Tinaasan niya ako ng kilay at parang hindi makapaniwala na tinignan ako. May nasabi ba akong mali?

"Mich, may dumi ba ko sa mukha?"

"Hannahria ikaw ba yan?" Napasigaw siya sa pagkagulat.

Pinagtitinginan na kami sa loob ng library kaya walang paalam na hinila ko siya papuntang gymnasium. Bakit ba ang lakas ng bunganga nito kapag nagugulat?

"Wag ka ngang sumigaw, Michiko Ibañez."

"Paano naman ako hindi sisigaw, girl anong nangyari sa'yo ba't ang iksi ng damit mo? Atsaka tama ba ang narinig ko, ikaw, si Hannahria Crystalline Carson nag-aaya na gumala? Anong nakain mo best?"

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang na gumala, hindi rin naman maiksi ang damit ko, uniform natin 'to."

"Hindi ako naniniwala sayo, hindi nga kita noon mapilit na gumala, eh. Ano sasabihin mo sa akin o tatanungin ko pa ang kakambal ko." Pangungulit nito.

Napapakamot sa ulong kinurot ko ang braso nito. "Bakit ba kasi gusto mo pang malaman?"

"Kasi bestfriend kita!"

"Pagod na ako, Mich."

"Eh di magpahinga ka."

Loka-loka talaga tong babaeng to, alam namang nag-e-emote ako, eh. I glared at her and she gave me a peace sign in return.

"Mananahimik ka o hindi ko itutuloy ang sasabihin ko?"

"Ito na nga po madam, hindi na nga po ako magsasalita, ituloy mo na."

"Ewan ko sayo, Michiko Ibañez."

"Ano ba Hannah, tigilan mo na ang kakatawag ng buong pangalan ko. Ang bantot kayang pakinggan. Pasalamat ka at maganda ang pangalan mo."

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa. I cleared my throat before looking straight to her eyes.

"Seriously, pagod na ako kakahabol sa kanya Mich. I'm not expecting him to love me back, I just want him to give me some respects. Pero kahit yun hindi niya mabigay sa'kin." Napabuntong hininga ako at ibinaling ang aking mata sa mga varsity player na nagpapraktis sa gym.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Everytime I ask you what's wrong, you'll just gonna answer me that everything was fine. Hannah, just an advice. Wag mo naman gawing tanga ang sarili mo. Nagmumukha kang engot kahit ang tili-talino mo, eh."

Napatawa nalang ako at niyakap siya ng mahigpit, don't worry Mich. I'm at the road of moving on. Hindi ko ipinapangako na mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero susubukan kong kalimutan siya at ituon ang pansin ko sa iba.

I'm Tired of Chasing youWhere stories live. Discover now